Matapos namin mag-usap ni mama ay sinama naman aako nito na mamalengke para sa lulutuin namin mamayang gabi.
"Ma? pwede po ba na ako nalang ang magluluto para sa hapunan na'tin?" sabi ko naman kay mama, habang nasa loob kami ng sasakyan.
" Oo naman, gusto ko ulit matikman ang niluluto mo." nakangiting sabi naman ni mama habang nagmamaneho.
" Nagluluto po ako dati mama?" tanong ko naman sa kanya.
" Oo, ikaw ang nagluluto. Masarap lahat ang niluluto mo noon."
" Sana alam ko pa kung paano magluto." sambit ko naman, hinawakan naman ni mama ang kamay ko at mahina itong pinisil.
" Alam kong kaya mo." sabi naman niya, saka ako nginitian na nagpawala ng negatibong pag-iisip ko.
Tumango lang ako saka itinuon nalang ang atensyon ko sa daan. Napahawak naman ako sa kwentas na suot ko, dahil narinig ko ang pangalang nakaukit sa kwentas.
Maaari kayang siya ang nagmamay-ari ng kwentas na ito? Bakit niya ako pinuntahan kagabi, naguguluhan din ako sa sinabi nito.
Pero sa tuwing nararamdaman kong malapit lang siya ay may pakiram akong hindi ko maipaliwanag takot? hindi ko alam basta kinakabahan ako, lalo na ang baritonong boses nito.
Kahit kagabi lang iyon, hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang paglapat ng malamig niyang hininga sa tenga ko.
" Alice? hali kana nandito na tayo." nabigla naman ako nang tapikin ni mama ang balikat ko.
Hindi ko namamalayan na natutulala na ako sa kakaisip.
" Si-sige po." sabi ko naman saka lumabas na rin sa sasakyan namin.
Sumunod naman ako ni mama nang pumasok kami sa isang tindahan na nagtitinda ng karne. Pinili niya namang bilhin ang pork chop. Bumili din kami ng itlog maalat at saka manok para sa adobo.
Sunod namang pinuntahan namin ni mama ay ang nagtitinda ng gulay para sa sangkap na gagamitin sa pagluluto.
" Sibuyas bombay…" sabi naman ni mama habang naglilibot sa mga panindang gulay at hinahanap ang mga sangkap na gagamitin.
Ako naman ay hila ang cart na dala ko, para doon ilagay ni mama ang gusto niyang bilhin. Parang unang beses ko na kasama si mama na lumabas sa bahay.
Pagkatapos naming bilhin ang kailangan bilhin ay may sinabi pa sa'kin si mama." Nakalimutan ko bumili ng damit mo para sa bakasyon natin.
" Po? wag na po mama, dahil gastos lamang iyon. " umiiling naman ako." at magbabakasyon tayo? pa'no ang problema niyo sa kompanya?" tanong ko naman kay mama.
" Hayaan mo na, maaayos din ang problema namin sa kompanya. Ang mas mahalaga ay magkaroon naman tayo ng time magbakasyon." sabi naman ni mama.Tumango nalang ako, saka ngumiti. Masaya naman ako na magbabakasyon kami. Siguro dahil sa sobrang tagal kong natulog sa hospital, bumabawi lang sila sa 'kin.
Pumunta naman kami sa Mall para bumili ng damit na pang-summer at mga beach wear. Tinigl naman ni mama ang sasakyan sa parking lot saka kami pumasok sa loob ng Mall.
" Ikaw na ang mamili sa susuotin mo, Alice." sabi naman ni mama.
Ayaw ko naman talaga magpabili ng bagong damit, kaso ayaw kong tanggihan si mama tutal nandito na rin naman kami.
Pumasok naman kami sa isang Botique na may naka-display na swimwear. Naagaw naman ang atensyon ko sa two-piece na kulay itim.
" Ito nalang 'yong akin mama." nakangiting sabi ko naman kay mama at tinuro ang napili ko.
