Kabanata 28

164 3 2
                                        

Nabalot ng mainit na tensiyon sa'ming apat na nandito. Tama siya hindi mapagkakatiwalaan ang isang tulad niya kahit kailan.

" Kung gano'n? Parehas pala tayo ng gusto, kapatid." sabi ni Ivan kay Mateo, hindi pa rin binababa ang hawak nitong baril na nakatutok sa'kin.

" Mga hayop kayong magkakapatid! " sigaw ni Alicia, akma niya sanang susugurin si Mateo nang paputukan ito ni Ivan malapit sa gawi niya dahilan para hindi siya makalapit kay Mateo.

" D'yan ka lang, kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo mo." sabi ni Ivan kay Alicia.

Pumiglas ako sa hawak niya, " Subukan mo saktan, si Alicia. Kahit patayin niyo pa ako ngayon din, kahit sa huling hininga ko hindi ko kayo titigilan." madiing sabi ko sa kaniya.

" Talaga? Akala mo matatakot ako?" sabi niya sa 'kin at mas idiniin pa ang baril sa ulo ko.

" Bakit natatakot ka ba? Parehas lang kayo magkakapatid, mga mamamatay tao!"

" Akala mo ba malinis 'yang kamay mo? Hindi, pati pamilya mo madumi rin." bulong niya sa 'kin.

" Dinadamay niyo ang pamilya ko, sa kasinungalingan lang? Hibang na ba kayo?" tinignan ko si Mateo na walang emosyon ang nakikita ko sa mata niya.

Ganiyan siya kabato, para walang pakiramdam. Hindi tao ang tulad nila, kundi hayop. Madaming buhay ang nasayang at nawala sa kamay nila.

Tao pa ba iyon?" Hibang? Siguro nga nahihibang akong pumatay sa mga taong sobrang sagabal sa buhay ko." sabi ni Ivan sa 'kin.

" Mag-uusap lang ba tayo dito?" biglang nagsalita si Mateo.

" Bakit hindi ka nalang makisali? Gusto kong patagalin muna ang kamatayan niya." sabi ni Ivan sa kapatid niya.

" Ano ba ang gusto ninyong magkakapatid?" tanong sa kanila ni Alicia.

Kahit alam kong natatakot na siiya, pinilit niya pa rin maging matapang. Wala rin akong magagawa, dahil wala akong laban sa kanilang dalawa ni Ivan at Mateo.

" Ang gusto namin? Simple lang, ang buhay ninyo. At ang yaman na dapat sana para sa 'kin. Puwera nalang sa magaling kong kapatid dahil yaman lang din ang pag-uusapan ay siiya na talaga." natatawang sabi ni Ivan, pakiramdam ko naiinggit lang siya kay Mateo.

Dahil siya ay anak lang sa labas, hindi niiya na dapat ito ginawa pa. Hindi lahat madadaan sa dahas,bakit hindi niya nalang kausapin si Mateo. Pero kasali pala roon ang paghihiganti niya sa pamilya ko, at sa akin lahat natapon ang nais nilang paghihiganti.

" Ano pa ang tinatagal ninyo, barilin niyo ako kung buhay ang gusto n'yong kunin." sabi ko sa kanilang dalawa.

" Nagmamadali ka yata?"

" Ano pa ba ang hinihintay mo? Patayin mo na ako kung iyan ang gusto ninyo." madiin na sabi ko sa kaniya.

" Gusto mo talaga patayin na kita!"

" Ako ang tatapos sa buhay niya, and don't waste your bullets for nonsense people." sabi ni Mateo, gusto ko siyang sampalin na sobrang lakas hanggang sa matauhan siya.

Ginamit niya lang ako, at gusto niya lang ako paghigantihan. Akala ko talaga may pag-asa pa siyang magbago. Wala na pala, no'ng gabing iyon ay hindi dapat nangyari.

Bakit lagi nalang ako nagiging mahina, pagdating sa emosyon? Kahit anong gawin kong pagmamatigas sa puso ko. Lumalambot pa rin, kung papatayin niya lang ako sana noon pa.

Sobrang durog na ako ng malaman kong si Ivan ang may gawa ng lahat. Durog na durog! Nawala ang mga kaibigan ko, dahil sa 'kin. Nadamay sila sa kasalanang hindi nila ginawa.

Book 1: Dead Roses Where stories live. Discover now