Inayos ko naman ang pagkakatali ng buhok ko. Maaga talaga akong gumising dahil ngayon ang alis namin for vacation.
Mabuti na rin 'yon para lumayo-layo muna ako sa lalaking 'yon. Siguro naman hindi na niya ako masusunduan doon sa pupuntahan naming beach resort.
Narinig ko naman nang may kumatok sa pinto." Alice, tapos kana ba anak? nandito na ang sundo natin." sabi naman ni mama.
Dali-dali ko namang kinuha ang maleta ko," Nand'yan na po ako, Ma." sabi ko naman saka nagmamadaling lumabas ng kuwarto.
" Dinala mo ba lahat nang kinakailangan mo?" tanong naman niya sa 'kin.
Tumango naman ako saka ngumiti," Opo, mama. Nandito na sa maleta lahat nang gamit na dadalhin ko." sagot ko naman sa kanya.
Ngumiti naman ito sa 'kin," Mabuti naman, sobrang ganda mo tignan sa suot mo ngayon." sabi naman ni mama sa 'kin at pinasadahan nang tingin ang suot ko.
" Kayo rin po, mama. Sobrang ganda niyo po," nakangiting turan ko naman sa kanya." saan po si papa?" tanong ko naman sa kanya.
" Naku, ang papa mo nasa labas na naghihintay sa 'tin." sabi naman niya, saka naglakad na papalabas.
Tama nga si mama, nasa loob na ng sasakyan si papa. May hawak naman itong cellphone mukhang may kausap siya sa phone.
" Ma? saan nga pala tayo pupunta?" tanong ko naman sa kanya.
" Sa Parker Beach Resort, dahil may meeting doon ang papa mo. Tapos sila din ang nag-imbita sa 'tin para mag bakasyon doon." sabi naman niya sa 'kin, na parang wala lang sa kanya ang pangalan na iyon.
" Po? ba-bakit naman doon, ma?" hindi makapaniwalang sabi ko naman sa kanya.
" Bakit may problema ka ba doon? 'wag kang mag-alala, dahil maganda doon." takang sabi naman nito sa 'kin.
" Ilang araw po tayo doon, Ma?" nababahala na talaga ang boses ko.
" Mga limang araw lang naman." sagot naman nito sa 'kin.
Tumango nalang ako, akala ko pa naman makakatakas na ako sa lalaking 'yon. Sana naman hindi na niya ako guguluhin, if ever na nandoon nga siya.
Pumasok nalang ako sa loob ng sasakyan, nasa shotgun seat ako umupo si mama at papa naman ay nasa likuran.
Ang mga gamit namin nasa likod ng sasakyan inilagay. Limang oras pa bago kami makapunta doon sa resort. Kung isa nga siya sa mga anak ng Parker, hindi impossibleng nandoon nga siya.
Pero bakit doon pinili ni mama at papa, na magbakasyon? dahil lang ba may business meeting siya? o may iba pang dahilan.
Pakiramdam ko kahit saan ako magpunta nakasunod siya sa 'kin. Naalala ko naman bigla ang laman ng box na ibinigay niya.
Isang eleganteng maskara, yung pang-masquerade ball. Hindi ko alam kung bakit niya ako binigyan nito, hindi naman ako a-attained ng party.
May sinali pa siyang kulay puting gloves. Hindi ko alam kung saan ko ba iyon gagamitin, pero dinala ko pa rin.
May nakasali din doon na sulat, kung kailan at saan. Hindi ko naman alam kung saan ang lugar na iyon, kaya hindi na ako mag-iisip na puntahan iyon, dahil baka maulit na naman ang ginawa niya sa 'kin.
" Alice? dumiritso kana agad sa hotel room natin doon sa beach resort, dahil may pupuntahan pa kami ng papa mo." sabi naman sa 'kin ni mama.
" Sige po, paano po ang mga gamit natin?" tanong ko naman, hindi ko naman kasi madadala lahat ang mga 'yan.
" May magdadala na niyan doon sa room natin, naka-booked na rin ako nang dalawang rooms para sa 'tin." sabi naman niya.
Dalawang rooms, so ibig sabihin mag-isa ako sa iisang kuwarto? Napakagat labi nalang ako, wala naman akong lakas na loob na sabihin na sa kanila nalang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/178636214-288-k31455.jpg)