" Malayo paba tayo?" sabi naman ni Jane, habang ako ay nagpahuli na sa kanila.
" I think malapit na tayo, kunting tiis nalang." sabi naman ni Ivan sa 'min.
" Pagod kana ba?" napatingin naman ako ni Lance.
" Hindi pa, kaya ko pa naman." nakangiting sabi ko sa kanya, tinignan ko naman si Sherly, if narinig niya na sinabi iyon ni Lance sa 'kin sigurado akong magseselos yun.
"Sigurado ka? baka gusto mong sumakay nalang sa likod ko?" umiling-iling naman ako.
" Hindi okay lang talaga ako." sabi ko naman sa kanya, nagkibit balikat lang ito sa 'kin saka nagpatuloy sa paglalakad.
Rinig ko naman ang huni ng mga ibon, parang umi-echo yung boses ng mga ibon sa buong paligid. Hindi naman kami masyadong naiinitan dahil pino-protektahan kami ng mga matatayog na kahoy sa paligid.
Kumuha naman ako ng isang sanga ng kahoy para panghawi ko sa mga nadadaanan naming mga dahon na nakaharang sa daan.
" Narinig niyo yun, guys?" napatigil naman kami ng sabihin iyon ni Sherly anong narinig niya?
" Ano naman? wala naman kaming narinig?" sambit naman ni Jane sa kanya, pinagmasdan ko naman ang paligid.
" Mukhang nandito na tayo." sabi naman ni Ivan na nasa unahan na namin.
Pinuntahan naman namin siya, at doon ko nakita ang isang napaka-gandang talon. Pinapalibutan ito ng iba't ibang uri ng halaman, at may nagkakalakihang bato sa paligid.
" Kaya pala, dahil may narinig akong rumaragasang tubig kanina." sabi naman ni Sherly, kaya pala, ito pala ang narinig niya kanina.
May talent din pala itong si Sherly ang dali niyang makarinig kahit nasa malayo pa ito. Sinundan naman namin si Ivan na pumunta sa gawi ng talon.
Napaka-refreshing ng view, inilibot ko naman ang tingin ko sa buong paligid. I can't imagine how beautiful this place is. Very captivating.
" Gusto ko nang maligo!" sabi naman ni Sherly, saka inilagay ang bag niya sa may puno.
" Mag-ingat ka baka may ahas diyan." sabi naman ni Ivan.
" Ibang ahas ang kinatakotan ko." sabi naman ni Sherly saka lumusong na sa tubig, hindi manlang muna nagpahinga, saka na sana naligo.
" Iba din." sambit naman ni Jake, at nagtawanan pa silang tatlo. Mga lalaki talaga.
Nakita ko naman si Jane na nagsisimula ng itayo ang tent niya, at agad din naman itong tinulungan ni Jake ng lapitan niya ito.
" Tutulungan ko na kayo, sa pagpapa-tayo niyo ng tent." sabi naman sa 'kin ni Lance, tumango nalang ako.
" Salamat, sandali! kukunin ko lang yung bag ni Sherly, para mailagay ko narin sa loob ng tent." sabi ko naman, saka tumakbo papunta sa may puno kung saan inilagay ni Sherly ang bag niya.
Akmang kukunin kona sana ang bag, ng makita ko na may naka ukit sa katawan ng puno. Dalawang pangalan ang nakalagay yung isa ay parang nabasa kona ang pangalang iyon, saan nga ba?
Naka ukit ang pangalang, Mateo at Alicia sa katawan ng puno. Nakikita ko ito sa movie, napaka-romantic na inuukit ang pangalan nila sa katawan ng puno, palatandaan na hindi mabubura ang pagmamahalan nila.
" Al? hali kana, tapos ko nang naitayo ang tent ninyo." nabigla pa ako sa pagkapit ni Lance sa balikat ko.
" Sige, sandali." sabi ko naman, saka kinuha ang bag ni Sherly.
" Al! samahan mo ako maligo." niyaya naman ako ni Sherly maligo.
" Mamaya na." sabi ko naman sa kanya, gusto ko naman talagang maligo pero napagod ako sa paglalakad namin papunta dito.