Kabanata 23

115 3 0
                                    

Nagising nalang ako na mag-isa sa kama, napabalikwas ako ng bangon saa tinignan ang saliri ko. Tinignan ko  ang blood stain na nasa bedsheet, ramdam ko ang panghahapdi sa pagitan ng mga binti ko.

Ipinulupot ko  ang kumot sa hubad kong katawan, paika-ika akong bumaba sa kama para pumunta sa banyo. pagkapasok ko sa loob napabaling ang atensyon ko sa harapan ng salamin.

Nakita ko ang mamulang bagay na nasa leeg ko, sino may gawa nito? Nang tanggalin ko ang kumot doon ko nakita lahat ng markang iniwan niya sa katawan ko. Dali-dali naman akong naligo, habang pilit na inaalala ang nagawa ko kagabi.

Hindi ko alam kung dapat ba ang matuwa o kamuhian siya. Hindi ko alam kung bakit niya kailangan gawin ito sa 'kin. Pagkatapos ko maligo binihisan ko na agad ang sarili ko. Napatingin naman ako sa baril na iniwan niya pa rin doon sa side table ng kama.

Ano ba ang gusto n'yang mangyari? Dapat sana pinatay nalang niya ako kagabi. Iniligpit ko ang aking mga gamit at ibinalik sa dala kong bag kasali na doon ang baril kahit gusto ko itong iwan nalang.

Pagkalabas ko sa cabin naabutan ko naman na may pumped boat pabalik na doon." Sandali!" pigil ko sa kanya.

" Bakit, Maam? Babalik na po ba kayo sa Resort?" tanong nito nang makalapit ako.

" Oo, papunta ba ito roon?" tanong ko .

" Oo, Maam." sagot niya.

Tumango nalang ako saka sumakay na sa pumped boat. Napatingi ako pabalik sa Isla, dahil sa nangyari rito kagabi ay isang malaking mali. Nawala lang siya bigla, ibig sabihin wala siyang pakialam. Siguro naman parte lang iyon ng paghihiganti niya.

Pagkarating ng pumped boat sa Resort, pinababa na rin kami nito dahil may nakasabay rin ako habang sakay sa pumped na iyon. Pagkapasok ko sa Hotel, para puntahan sila mama at papa sa room nito. Pero pagkarating ko doon nakasarado ang pinto. Bumalik na naman ako sa bababa para magtanong sa teller ng hotel.

" Miss? Asan po ang nag-check in sa room number 45 sa third floor miss?" tanong ko sa babaeng teller.

" Nagcheck-out na po sila, Maam. Bakit po Maam?"

" Wala, natanong ko lang. Kailan pa sila umalis?"

"  Kahapon lang po." sagot naman nito sa 'kin.

Tumango nalang ako. " Salamat." sagot ko sa kanya, saka nagmamadaling lumabas sa hotel.

Pumara agad ako ng Taxi, pauwi sa bahay namin. Bakit nila ako iniwan? Totoo ka 'yang gusto nilang ikulong ako doon? Bakit nila kailangan gawin iyon sa 'kin, anak nila ako. Matitiis ba nilang gawin iyon?

Nagbayad agad ako ni Manong nang makababa na ako buti nalang talaga may natirang pera sa bag ko.  Lumapit ako sa may gate namin, at may bantay pa ito doon.

" Kuya papasukin niyo 'ko." sabi ko naman sa kanila.

" Maam?" gulat na sabi nila.

" Nand'yan ba sila mama at papa? Bakit ayaw niyo akong papasukin?" sabi ko sa kanila.

Dali-dali nilang binuksan ang gate para papasukin ako sa loob. Pakiramdam ko lalong naging malakas ang loob ko na may kinalaman talaga sila sa pagkamatay ng pamilyang Parker.

Bumagal ang paghakbang ko, na sana ay malapit na ako sa may pinto namin. Ayaw ko silang sumbatan, pero siguro ito na ang tamang panahon na malaman ko ang lahat.

Binuksan ko ang pinto at hindi ko aakalaing hindi lang sila ang makikita ko. Gulat at pagtataka ang nakikita ko sa kanilang mga mata. Hatalang nag-uusap sila, nang madatnan ko.

" Alice? Anong ibig sabihin nito?" naguguluhang sambit  ng babaeng minsan ko ng nakita.

Tinignan ko naman sila mama't papa, " Alice? Let me explain to you, what's happening." sabi naman ni Mama at nilapitan ako.

Book 1: Dead Roses Where stories live. Discover now