Shacklu?
I've heard this before, pero di ko lang maalala kung saan.
"Omg, Betryle, we are so late!"
Biglang tumaas ang balahibo ko sa kakaibang nararamdaman ko ngayon. Feeling ko nakikipag-usap sa akin ang aso na to. Kaya niyakap ko siya at hinimas ko ang balahibo niya. Bakit parang nagkita na tayo? Bakit parang kilalang kilala mo ako?
"Betryle!"sigaw ni Sheena. Saka lang ako natauhan.
"Late na tayo!" she yelled.
"Nagbago pala ang sched natin."
Tinignan ko ang aso. Kailangan ko nang umalis pero paano naman ito? Saan ba kasi ang may-ari nito?
"Hey, doggie. I need to go na, you'll stay here ha? Antayin mo nalang ang amo mo..."
Tinali ko muna siya sa may poste, para hindi na mahirapan ang may-ari nito na maghanap sa kanya. Ang laki-laki pa naman ng Campus.
"Tara na Betryle. Kailangan na nating pumasok baka magkaka-detention slip tayo..."
Wala pa ako nakakasalita hinila niya na agad ako palayo. Kawawa naman yung aso dun. Pagkarating namin sa room, nagkaklase na nga ang History prof namin. Pagpasok ko kinakabahan ako baka pagalitan niya kami.
"I'm glad you're here now Bet! I miss you so much!"
Nagulat ako kasi niyakap ako ni Ma'am. Medyo nahihiya tuloy ako kasi hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya o hindi kasi wala akong maalala tapos ang higpit pa ng yakap niya sa akin. So, I just simply tapped her back.
After a moment, bumitaw na rin si Ma'am sa pagkakayakap. She is confused why I don't have any reactions... na para bang nagtataka siya dahil parang may nagbago sa akin. Hindi niya ata alam ang nangyari sa akin.
"Excuse me, Ma'am? Betryle is not in a good situation right now. She's currently have a short memory loss..." Sheena stated. Sa sobrang gulat niya napahawak ito sa bibig niya.
"Oh. I'd see." I can see right now how shocked she is.
Pinaupo na ako ni Ma'am pero wala pa rin ako sa sarili. Nakikita ko kasi na biglang nalungkot si Ma'am. I really can't help to feel sorry for them. Dahil maraming tao ang maaari kong masaktan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Am I really living my life... if I have forgotten the reason why I live?
I landed my head on the table facing the window. Maraming tumatakbo sa isipan ko. Buong hapon akong natulog sa klase dahil walang gana.
The next day. Mabilis na ang oras dahil lutang ang utak ko hanggang sa uwian na ulit. Agad kong niligpit ang mga gamit ko.
"Betryle, uwi na ako ha! Ingat ka!" paalam ni Sheena sa akin.
"Sige, ingat ka rin!" Umalis na ang iba kong mga kaklase maliban sa kanila.
"Hi, Betryle..." bati sa akin ng isang babae na maikli at blondy yung hair. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nila ngayon pero ramdam kong hindi sila masaya na pumasok ako. Hindi ko alam kung bakit.
"Sayang naman, nasa langit ka na sana ngayon... naudlot pa!" sambit naman ng isang babae na curly yung hair. Sabay tawanan nilang tatlo.
BINABASA MO ANG
Me & You: Between Life And Death (COMPLETE)
RomanceAdriel Charles Santle is a rebel lost soul wandering in the world of anger, doubt and fear. Betryle Claire Harte is a sick girl who only has six months to live. When their path crossed, they were tied by a lamentable tragic episode in Afghanistan...