Maaga akong gumising because I have classes today. I am so excited to go back to school. Matagal kong ipinagdasal ito... na makabalik ulit sa studies ko.
Kahapon inasikaso lahat ni Dad ang mga credentials ko tapos tinuro niya rin sa akin ang room ko. Irregular student ako ngayon because I need to take all of the subjects that I've missed.
I gaze to the paper I'm holding. Betryle Claire Harte, that's my name. Bukod sa mga nangyayari ngayon, isa palang yun sa alam ko sa sarili ko. Mom told me that, third year college ako when I was diagnosed of having a brain tumor. Since then, my parents decided that I need to stop schooling until my situation is good.
But... they have doubted that I will be healed or that I'll be able to live a normal life again. Kasi nagresearch sila about sa sakit ko at himala nalang talaga ang cure. And, I am blessed beyond measure that I got a chance to live again... God's miracle.
"Good morning, Mom and Dad!" masaya kong bati sa kanila. Tumayo sila mula sa pagkaka-upo para yakapin ako.
"Good morning din, Anak."
"Ang dami naman po ng pagkain natin," pabiro kong sabi sa kanila. Kasi sobra sobra na ito sa amin. Ano kayang meron bakit maraming pagkain?
"Oo baby, dahil pupunta dito ang mga ka-church mate natin mamayang gabi..." paliwanag ni Mom, sabay subo niya na.
"Naisipan kasi ng Mom mo na dito sa bahay magpa-thanksgiving and sumang-ayon naman si Pastor John," Dad added.
"Ah. Okay po. Magandang idea po yan," sambit ko. Nakakatuwa naman dahil sa ganitong paraan makapa-pasalamat kami sa lahat ng prayers nila para sa akin.
"Susunduin ka ng Kuya mo mamaya ha, hindi ka niya mahahatid ngayon baby kasi maaga siya pumasok sa office," Dad said. I just nodded. After kong kumain, hinatid na ako ng driver namin. Mga twenty-five minutes ang biyahe namin papunta sa school. Erville University.
"Masayang masaya ako para sayo, Ryle..." bati ni Uncle Brandon, ang driver namin.
Sabi nila Mom and Dad parang anak na raw ang turing sa amin ni Uncle Brandon. Siya ang driver namin simula bata pa kami ni Kuya kaya Uncle na ang tawag namin.
"Salamat po Uncle! Ingat po kayo."
Kumaway-kaway ako sa kanya. Tumalikod na rin nang umalis na siya.Nagsimula na akong maglakad papunta sa room ko.
"Hi ate Betryle!" bati sa akin ng mga students. Ngumiti lang ako sa kanila. Hindi ko kasi alam kung paano ako rerespond. Wala kasi akong maalala.
Ang tanging alam ko lang talaga sa school na ito ay ang daan papunta sa room ko dahil isinama ako ni Dad kahapon. Bakit parang andaming nagha-hi sa akin? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Dapat pala tinanong ko si Kuya bago ako pumasok.
Pagkapasok ko sa room nagulat ako. "Welcome back, Bertyle!" they greeted in chorus. Lahat sila sinurprise ako. May pa-tarpaulin. May pa-cake. Ngunit hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.
"Okay class, let's hear Betryle first," our professor said.
"Thank you po sa surprise niyo. Super naappreciate ko po."
Pagkatapos kong i-blow yung candle, pinaupo na kami ni Ma'am. Sa may harapan ako nakaupo.
"Betryle, I know that you are still adjusting in your situation right now, but we would like you to know that we are here to help you. If you have questions about yourself... you can ask us anytime. Okay?" she assured me.
Buti nalang may matatanungan ako dahil kailangan kong makilala ang sarili ko at ang mga taong mahalaga sa akin.
"By the way, I'm Ma'am Mendez. Teacher niyo sa subject na ito."
Siya pala ang prof namin sa subject na ito. At least alam ko na ngayon. Ang hirap talaga ng buhay ko ngayon. Pero kahit papano napangiti ako sa naisip ko. I realized that it is faith ... the thing that never fades in my heart and mind.
"Ma'am, I have a question..." I stated.
"Bakit andami pong nakakakilala sa akin?" I asked curiously. Natahimik silang lahat at hinayaan nilang si Ma'am ang magsalita upang masagot ang tanong ko.
"Because during your third year, you are the Vice President of our University Student Government. Currently, you are now a fourth year student. So, automatically you will substitute as the President..." she explained.
My jaw dropped. I can't believe that I'm the USG President? How come? Bakit hindi sinabi nila Mom and Dad sa akin ang tungkol dito? Sabagay baka sa dami ng iniisip nila ay hindi na nila nagawang sabihin.
"If you'll look at the Office of the University, you'll see what are the works, awards and titles that you have achieved."
Hindi pa rin mag-sink in sa utak ko. Inaalala ko ng mabuti pero wala... hindi ko maalala. Napapikit ako bigla dahil sumakit na naman ang ulo ko. Minulat ko agad ang mata ko at hindi ko pinahalata sa kanila na may masakit sa akin. Ayaw ko silang mag-alala. Ayaw kong kaawaan ako ng mga tao. Ayaw ko na maranasan ulit iyon.
Sa lahat ng sinabi ni Ma'am kanina wala man lang akong naging respond. Tahimik lang ako buong klase. I didn't mind to recite or something. I just want to observe. Good thing dahil kahit papaano ay may mga kilala na rin ako sa room. The bell rang. Class dismissed. Lunch break na. Niligpit ko na ang mga gamit ko.
"Hi Ryle!" bati sa akin ni Sheena.
Isa siya sa mga nakilala ko kanina. Although, kilala ko naman talaga siya. Yun nga lang wala pa akong maalala sa ngayon. Nakakalungkot isipin dahil sabi niya sa akin. Siya raw ang pinaka-close ko dito sa room. Tapos sinabi niya rin kong sino talaga ang best friend ko. Si Mae yun.
Alam ko na best friend ko si Mae dahil simula ng umuwi ako sa Philippines ay lagi niya akong dinadalaw nun sa bahay kaso kailangan niya na ring bumalik sa Cebu dahil nag-aaral din siya. Miss ko na nga iyon. Pero naiintindihan ko naman na kailangan siya ng family niya roon at kailangan niya ng i-continue ang pag-aaral niya.
"Sabay na tayong kumain" yaya niya.
"Sige ba."
Lumabas na kami ng room at pupunta na kami sa Canteen. I-totour niya rin daw ako during vacant time namin. God is in control. Bigla ko nalang naisip yun. Kasi despite sa lahat ng mga hirap na pinagdadaanan ko ngayon alam ko na hindi ako mag-isa.
Marami kaming napag-usapan ni Sheena. Ang mga nagawa ko na raw. Ang mga times raw na down na down siya ako ang nage-encourage sa kanya at marami pang iba. Katatapos lang naming kumain at naglalakad na kami ngayon papunta sa next subject namin.
"Arf! Arf!"
Napatingin kami sa aso na kumakahol sa amin. Parang high breed ang aso na ito... mixed askal.
Bigla siyang tumakbo papunta sa akin. I bended my knee to reached the level of this dog. Hinawakan ko siya, ang ganda ng balahibo niya. Tinignan ko kung sino ang kasama ng aso na ito. Pero wala naman.
"Kanino kaya to Sheena?" tanong ko sa kanya. Para akong niyayakap ng aso na ito ngayon. Parang kilala niya ako tapos super miss niya ako. Paghawak ko sa leeg niya saka ko lang napansin na may nakasulat na...
Shacklu?
BINABASA MO ANG
Me & You: Between Life And Death (COMPLETE)
RomanceAdriel Charles Santle is a rebel lost soul wandering in the world of anger, doubt and fear. Betryle Claire Harte is a sick girl who only has six months to live. When their path crossed, they were tied by a lamentable tragic episode in Afghanistan...