Since that day ay mas naging busy kami for Prelims at bukod roon ay hindi na ako kinakausap ni Adriel. Tanging si Jayson nalang ang kasama ko sa music club dahil madalas ay hindi na siya umaattend dahil busy daw siya.
“Hinahanap mo siya?” tanong sa akin ni Jayson, na nakatingin sa harapan at pinapanuod ang pagtugtog ng mga kasama namin.
Hindi ako sumagot dahil alam naman siguro niyang, oo. Mabigat sa loob ko na hindi kami nag-uusap matapos ang gabi na iyon.
Dad texted me na sabay raw kaming mag-didinner ngayon kaya pagkatapos naming magpractice ay dumaan muna ako sa mall para bumili ng chocolate cake, mom's favorite. Maaga pa naman kaya naghanap na rin ako ng drinks na favorite ni Kuya and ni Dad.
Papunta na sana ako sa loob ng supermarket nang maaninag ko si Mom sa loob ng isang restaurant. May kayakap siyang lalaki. Hindi ko alam kung sino. I squinted my eyes to see if that's Mom. Si mom ba yun? Tinignan kong muli pero hindi ko na makita kasi nakaharang na ang dalawang servive crew. Baka hindi iyon si Mom.
Pagkatapos kong bumili ng chocolate cake at drinks ay dumiretso na ako sa sa parking lot then I drove head on my way home.
Pagkarating ko ay nakita ko na naghihintay na sila sa akin sa dining area.
“Baby sis! Come on, let’s eat!” Umupo ako sa tabi ni Mom at tinignan ko siya pati ang suot niyang damit. Itatanong ko sana kung galing ba siya sa mall pero ayoko naman na iyon ang pasimula ng dinner namin.
Mama Linda served the food and we started to eat. Masaya kaming nag-uusap as a family. Sobrang sayang makita na sama-sama kaming kumakain. Sobrang namiss ko sila. Hinawakan ni Mom ang kamay ko nang mapansin niya sigurong bigla akong natahimik.
“How's the courting season, anak?” tanong ni Dad pagkatapos niyang punasan ang labi nito. They looked at me and waited for my answer.
“I don’t know, Dad,” tipid kong sagot sa kanya. Hindi ko kasi alam kung kamusta na ba si Adriel? If nanliligaw pa rin ba siya sa akin or hindi na? Hindi ko rin alam if he’s trying to ignore me or what. Hindi na rin kasi siya nagtetext at hindi ko rin alam ang nararamdaman ko for Jason.
Pagkatapos naming kumain ay tumambay muna kami ni kuya sa garden. Nakaupo kami sa may bench habang pinagmamasdan ang magandang reflection ng ilaw sa pool. It looks like a seawater that glows in the dark.
“What do you feel about Adriel?” Kuya asked.
I sighed heavily as I gasped some air. Hindi ko magawang tumingin kay Kuya ngayon dahil hindi ko rin alam kung anong isasagot ko sa kanya. Masiyado pang maaga para malaman ko kung ano ba ang nararamdamn ko para kay Adriel. Ayokong madaliin ang lahat...
“Sabi nila, pag-hindi mo raw masagot agad kung ano ang nararamdaman mo sa isang tao... takot ka raw. Natatakot sa maaaring mangyari dahil walang kasiguraduhan. Natatakot ka kasi hindi ka handa o kaya naman natatakot ka na malaman na talagang nagmamahal ka na...” Kuya intently sight my eyes as he scanned every details in it.
He was trying to gather the thoughts and feelings that’s running in my head because I am certain that kuya badly wants to help me, comfort me and guide me in any way possible that he can.
“Kuya... I am afraid. I am afraid that I’ll make mistake, lalo na at hindi ko kilala ang sarili ko... na hanggang ngayon... inaantay ko pa rin ang araw na sana pag-gising ko ay maging okay na ang lahat...”
“You know what? Minsan...” he said while smiling. “Kailangan mo lang pakinggan ‘to..." He put my hands into my chest, pointing out my heart. Pinagmasdan ko ang daliri ko na nakapunto sa dibdib ko. Sino nga ba ang mas tinitibok nito?
BINABASA MO ANG
Me & You: Between Life And Death (COMPLETE)
RomanceAdriel Charles Santle is a rebel lost soul wandering in the world of anger, doubt and fear. Betryle Claire Harte is a sick girl who only has six months to live. When their path crossed, they were tied by a lamentable tragic episode in Afghanistan...