I opened my eyes with tears and a heavy heart. I just had a very unfortunate dream. Hindi ko lubos maisip na magagawa ko yun kahit sa panaginip lang...
Pinunasan ko ang luha ko. Ang sabi ko hindi na ako iiyak pero dahil sa panaginip ko nagising nalang ako na umiiyak na. Umupo ako para tignan kung tulog pa rin ba si Adriel. Nakatalikod siya siguro'y natutulog pa.
Bahagyang ngumiti ako. Pilit na sinisiksik sa utak ko na huling araw na ito. Huling araw na makakasama ko siya. Hindi ako dapat malungkot. Dapat maging masaya itong araw na 'to because this will be our last...
Tumayo ako nagsimula ng ayusin ang sarili ko. Nang makapasok ako sa loob ng banyo, napahawak ako sa ulo ko. Mariin kong isinara ang aking mata dahil sa tindi ng pagkahilong natamo ko. Ang dami kong nakikitang magugulong imahe. Hindi ko maintindihan.
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko.
Lord, please help me.
Marahan kong minulat ang aking mata saka tinignan ang sarili sa salamin. Pinagmasdan ko ang aking mata na gulat pa rin... I remember my dream.
I furrowed my brows as I touch my lips. No way. There's no way I'll kiss him like that. Right now? No. Boyfriend ko si Jayson and he did everything he could to really understand me about sa pag-alis ko. He trusted me so much at ayoko siyang bigyan ng dahilan na sobrang ikagagalit niya. I should know my place para hindi na kami mahirapan pang pareho.
Pagkatapos kong maligo at magbihis, lumabas na ako. Nakita ko si Adriel na nakaupo, natutulog habang nakasandal sa headboard ng bed niya.
"Y-Your turn..." I said with a shaky breath.
"Good morning..." sambit niya saka tumayo.
"G-Good mo-morning..." I stuttered. I clenched my fist aggressively to stop myself from thinking about that dream. I hate this. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nakatayo pa rin ako dito sa labas ng pintuan ng banyo.
"Okay ka lang?" tanong niya ng may pag-aalala.
"Y-Yes. I'm fine..." I flashed a one fake smile para maitago ang kaba na nararamdaman ko. Umusog ako nang dumaan siya sa gilid ko at pumasok na sa banyo.
Nakahinga na rin ako ng maluwag. Mabilisan kong kinuha ang bag ko. Para pagtapos niya handa na ang mga gamit ko.
We're going somewhere. Hindi ko alam kung saan. Ang alam ko lang dapat dala na namin ang gamit namin para diretso na sa airport mamayang 11:30pm.
I wore a black sunglass paired with my white lace dress and beige d'orsay flat shoes. I sighed heavily when I realized na ang suot ko ngayon ay ang suot ko sa panaginip ko. I thumped my lap when I know it's too late. I was too late to change my outfit.
Adriel just got out from the bathroom with his black wet hair. I stood agape when I gaze at him wearing an indigo plain shirt, black pants and black shoes. Yan rin ang suot niya sa panaginip ko...
"Let's go..." Isang baritonong tono ang gumising sa akin mula sa pagkatulala.
"A-Ah. Si-Sige..." nauutal kong tugon.
Marahan niyang inabot ang kamay sa braso ko at tinitigan ako. "Betryle, are you okay?" Nag-aalala niyang tanong.
"Y-Yes. I'm sorry..." Inilayo ko konti ang sarili ko sa kanya.
Bumuntong-hininga siya at kumunot ang noo. "Okay. Let's go..."
Kinuha niya na ang lahat ng gamit namin gamit ang isang kamay. Tumango siya sa direksyon ng pinto. Agad akong lumapit sa pinto at binuksan ito. Humigpit ang hawak ko sa busol nang dumaan siya sa harapan ko. Naamoy ko na naman ang pabango niya.
BINABASA MO ANG
Me & You: Between Life And Death (COMPLETE)
RomanceAdriel Charles Santle is a rebel lost soul wandering in the world of anger, doubt and fear. Betryle Claire Harte is a sick girl who only has six months to live. When their path crossed, they were tied by a lamentable tragic episode in Afghanistan...