Chapter 1

1.8K 75 10
                                    

AN: Shanan, chapter 1. Grabe, sakit sa bangs na after mong magsulat ng pure english, sabay halos pure tagalog naman. Haha. Pero okay lang, para sa inyo, keri lang naman. Basta mag-eenjoy kayo sa pagbabasa. Haha. O s'ya, basahin n'yo na. At tulad nang sabi ko, connected 'to sa A Game of Love na story ko sa Dreame. And para idownload s'ya, click n'yo lang yung link na 'to: https://dreame.page.link/ZPeBZweKGa36utYb7 and hanapin n'yo yung username ko, tintininitin888. 

Thanks and enjoy! 

==============================================================================

CHARLIE

"Bakit kailangan na naman kami dito? Hindi naman kami artista diba? Aba naman, may business din ako no! Hindi pwedeng si Alyanang pangit lang yung tao don dahil baka maubos 'yon na wala naman akong napagbentahan!" natawa ako sa narinig kong reklamo ni Klang. Actually, hindi naman s'ya pinilit sumama dito. Hindi nga dapat ni Justine sasabihin kung saan yung location, pero nagpumilit lang s'ya. Kailangan daw n'ya kasing kausapin si Direk dun sa isinulat n'yang istorya. Tapos ngayon, ganito yung sasabihin n'ya nung nalamang nasa ibang location yung direktor na kailangan n'ya. Minsan talaga, baliw 'to eh.

Pero kahit may pagkabaliw 'tong babaeng 'to, s'ya naman yung pinakamabait, pinakamapapagkatiwalaan, at pinakasweet na taong nakilala ko. Alam kong maraming tututol kapag sinabi ko yan, pero yun yung totoo. Well, para sa akin lang naman. Kahit kasi pinapakita n'ya sa lahat na mataray at masungit s'ya, ibang-iba s'ya kapag nakilala mo na s'ya at naging close ka na sa kanya. Actually, hindi n'ya ako pinapansin nung unang beses na nagkakilala kami. Ilang beses akong nagpapansin sa kanya noon eh, pero wala talaga.

FLASHBACK

"Hindi mo na naman ginawa yung homework mo. Alam mo na siguro kung ano yung dapat mong gawin, Charlize Garcia." napangiwi ako nang marinig ko yung sinabing 'yon ng adviser namin. Malay ko bang ngayon na kailangang ipasa 'yon? Ang sabi lang naman n'ya kahapon, kailangan naming gawin 'yon. At isa pa, busy ako kagabi. Tinapos ko pa yung sampung episodes ng Dream High. Aba, importante sa buhay 'yon. Papa'no kung gusto ko ring maging singer at artista diba, marami akong matutunan don. Dito kasi sa eskwelahan, hindi naman lahat ng itinuturo nila, magagamit ko sa labas.

"Pero Ma'am, baka naman po pwedeng sa library na lang ako pumunta para gawin 'yung homework ko. Para maihabol ko pa po hanggang mamayang uwian." bakit kasi hindi na lang ako nangopya dun sa katabi ko kaninang umaga. Ah, dahil nga pala busy ako sa pagkukwento sa kanya kung papa'no natalo ni Hye-mi si Baek-Hee. Mas exciting kasing pag-usapan 'yon kesa sa kung anong pinagkukukuda ng mga maestra dito.

"DETENTION!" at pinandilatan pa ako ng mata ni Mrs. Advincula. Akala mo naman maganda yung mata n'ya kung makadilat.

At kaysa sa kung ano pa yung marinig ko ulit sa kanya dahil naririnig ko yung malalim n'yang paghinga, lumabas na lang ako. Rinig ko din yung pagtawa ng mga kaklase ko nung kumaway pa ako sa kanila bago tuluyang lumabas. Ayun tuloy, nanggilaiti na naman si Ma'am. Ewan ko ba don. Lagi na lang galit. Hindi naman s'ya matandang dalaga para umasta ng ganon. Siguro, buntis 'yon at pinaglilihihan ako. Sabagay, maganda naman talaga ako kaya hindi na kataka-taka 'yon.

Naiinis na itinapon ko yung bag ko sa tabi nung paborito kong upuan sa detention room. Mag-isa na naman ako dito. Pero gusto ko naman 'to, at least, tahimik dito. Maiddrawing ko na naman si Hye-Mi sa sketch pad ko. Yun lang naman yung libangan at ginagawa ko sa tuwing nandito ako sa detention room. Ano pa bang gagawin ko? Kausapin yung sarili ko? Ginagawa ko naman 'yon, pero hindi madalas. Minsan nga, napapailing na lang sa akin yung magandang kong kapatid kapag nakikita n'ya akong nakikipagtalo sa sarili ko.

"Oh my God, I don't want to be here. Ano na lang yung sasabihin ng mga fans and friends ko kapag nalaman nila na I'm here. I hate this!" napatigil ako sa pag-i-sketch nang makarinig ng ingay. At sino naman 'tong gumambala sa tahimik kong buhay dito?

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon