Chapter 27

139 3 0
                                    

CHARLIE

"There. Done." nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko yung sinabing 'yon ni Alexis. Sa wakas. Akala ko matagal pa s'ya sa ginagawa n'yang kung ano sa mukha ko. May tiwala naman ako sa kanya, pero ewan ko ba, hindi naman ako sanay din na nagmamake-up. Pero sabi nga nila, kailangan daw yon para mukhang presentable naman sa first date.

Pagmulat ko, napatulala ako sa nakita ko. Well, hindi naman sa pagmamayabang, pero sabi nga nila, maganda na ako kahit walang make-up, pero nung nakita ko kung 'finished product', I was like, sino 'to? Ako ba talaga 'to? Bakit masyado yatang maganda? Charot lang.

"Wow. In fairness, Lexi, hindi ko alam na mas maigaganda pa pala yung Ate ko. Akala ko, yun na yon eh. Pero mukhang hindi na s'ya pakakawalan ni Kitty kapag nakita n'ya yan. Iba eh, artistahin." proud na sabi ni Jops kaya nagsmirk sa kanya si Alexis.

"Told yah, kering-keri ko yan. Alam na alam ko kung ano yung bagay sa fes ng Ate mo. Tapos sabi mo diba magmukhang simple pero makalaglag pa—"

"LEXI!" namumulang saway ko sa kanya. Ano ba naman yung pinagsasabi ng isang 'to?

"Panga kasi. Ikaw naman, kung anu-ano yung iniisip mo. Bakit sa tingin mo ba may ibang lalaglag na 'pa' kay Kitty kapag nakita ka n'ya?" at ayan na naman yung smirk n'ya.

"Nako, mamaya na yan, 10 minutes na lang at nandito na si Kitty, magpalit ka na ng damit dun sa banyo. And please Charlie, no more puking, okay?" natatawang sabi ni Sofia habang hawak-hawak yung damit na isusuot ko.

Napakunot naman yung noo ko. Bakit nagbago? Bakit naging shorts and shirt na lang? San na yung dress kanina?

"Tingin ko kasi, magiging overdressed ka dun sa isa kanina. So I think, mas okay ko 'yan. And bagay din sa make-up mo. So go na. Wag ka na lang magtanong pa. Basta gawin mo na lang yung sinasabi namin." sagot naman ni Jops na mukhang nabasa kung ano yung iniisip ko.

Wala na rin akong nagawa kundi sundin yung gusto nila. Ano pa bang magagawa ko diba? 4 vs 1 yung labanan dito. Napapaisip lang ako. Papa'no n'ya nasabi na magiging overdressed ako if ever? Alam ba nila kung saan ako dadalhin ni Kitty? Nasabi na ba nung isang 'yon yung plano n'ya para sa first date na 'to?

Paglabas ko sa banyo, nakangiti silang lahat sa akin habang tumatango-tango. Ngumiti din naman ako sa kanila. Well, at least, mukhang pasado naman sa kanila yung itsura ko ngayon.

Magsasalita pa sana ako nang makarinig kami ng katok sa pinto, kaya sabay-sabay kaming lumingon dito.

Isang nakangiting Angela yung bumungad sa amin nung nabuksan yung pinto.

"Maistorbo ko lang kayo, pero nandyan na kasi yung sundo ni Charlie." sabi pa n'ya kaya bigla akong napahawak kay Jops. Shit! Nandyan na s'ya. Ready na ba talaga ako?

C'mon, Charlie. Wag na wag kang kakabahan. Mamaya n'yan, sa harap ka pa mismo ni Kitty sumuka. Ang epic non.

Si Justine na lang yung tumango para sa akin.

"Tell her na lalabas na si Charlie. Paupuin n'yo na lang muna at ientertain." sabi pa n'ya at nakakaunawang tumango naman si Angela na mukhang naintindihan kung bakit kailangan ko pa ng kaunting oras.

Pagsarado ulit ng pinto, hinawakan ni Jops yung dalawang kamay ko.

"Kaya mo yan, okay? Di ka susuka. Breathe in, breathe out." sabi pa n'ya sa akin na sinunod ko naman.

"Go Charlie. Hayaan mo, magiging masaya ka dyan sa first date mo. Mahal mo yung taong makakasama mo eh." sabi pa ni Justine. Gusto ko sana s'yang kontrahin dun sa 'mahal' na word pero hindi ko na lang itinuloy. Mas hahaba pa kasi kung makikipagtalo pa ako.

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon