Chapter 17

153 3 0
                                    

CHARLIE

"Hay salamat, pahinga muna tayo today. Medyo nakakapagod kasi yung ilang araw na gala at picture-picture. Mabuti na lang talaga at may pa-fans day 'tong si Darna dito sa Guimaras. Swerte talaga natin at sikat na sikat yung pinsan ko." natawa naman ako sa comment na 'yon ni Klang. Hindi ko alam kung nagpapakasarcastic s'ya, or inuuto n'ya lang yung pinsan n'ya dahil mas bongga yung breakfast na sinerve sa kanya. Iba din talaga yung Lola ni Kitty ha, sobrang fanatic. Akala ko hanggang kagabi lang yung bonggang food, pero hanggang ngayon o. Iba din.

"Mabuti naman Klang at natanggap mo na rin yung kasikatan ko. Akala ko kasi forever lang kitang basher. Akala ko nga ikaw yung 'shutanginames' na account sa twitter na lagi akong binabash. Lahat na lang ng gawin ko, mali dun sa taong 'yo. At ang lecheng yon, yung DP n'ya yung itsura ko na tulo yung sipon at luha galing dun sa movie ko! Nung nagtweet ako na nasa Guimaras ako, sabi ba naman, winewelcome na daw ako ng pamilya ko dito. Galing daw kasi ako sa mangga. Leche diba?" at sa itsura ni Klarisse, alam na alam kong s'ya yung naghahandle ng account na 'yon. Gago talaga kahit kelan. Kaya pala minsan, tumatawang mag-isa habang nagttype.

"Come to think of it, binabash din ako ng account na yan sa twitter. Ewan, pero parang ang laki ng galit sa akin. Parang lagi akong pinepersonal. Ikaw din pala, Maybelle. Akala ko ako lang eh. Pero hindi ako magtataka kung kay Klarisse nga yon. S'ya lang naman yung ganyan kalaki yung galit sa akin eh. Sabi pa nga non nung isang beses, kasya daw sa butas ng ilong ko yung isang buong pipino." muntik ko nang maibuga yung iniinom ko sa sinabing 'yon ni Charity. Pucha talaga si Klarisse kahit kelan. Aba'y walang ginagawang matino.

"Hoy Pipino, wag kang mamintang. Eh kung sa may galit talaga sa'yo na fans, anong magagawa mo? Hindi naman lahat pwede mong i-please diba? At hindi dahil nagbanggit ng salitang pipino yon eh ako na agad. Chaka neto, bintangera! Hinding-hindi ko magagawa sa pinsan kong sikat at maganda yon no! Sa'yo pa, pwede, pero sa kanya, nunca!" sabi pa ni Klarisse habang nakikikain dun sa pagkain ni Maybelle. Sinasabi ko na eh. Yun lang talaga yung pakay n'ya kaya puring-puri n'ya yung isa eh. At kung hanggang mamaya yan, gusto lang n'yang makihati dun sa mga regalong matatanggap ni Maybelle mula dun sa Maybellenatics.

"Yung isa dyan, tahimik, pero kitang-kita namin kagabi yung pagsosolo nila ni Kitty. At take note, may pa-tulog tulog with matching halik lola pa yung Ate ko. Iba din eh. Habang busy yung iba sa Mama at Lola nung isa, si Charlie, busy din sa panghaharot kay Ate Kitty." sinamaan ko naman ng tingin yung mabait kong kapatid. Akala ko ligtas na ako sa usapang ganito dahil si Maybelle na nga pinag-uusapan. Tapos biglang i-oopen nitong si Jops. Kahit kelan talaga, pahamak. Makapili talaga 'to nung nakaraang buhay.

"Ay true. Nakita ko din yon. May video nga ako eh. May pakanta-kanta pa kaya si Charlie. Plano ko ngang ipapapanood sa inyong lahat kagabi kaso nakalimutan ko. Ang kulit kasi ni Tita Karina and Mamshie Eli." sabi naman ni Julia kaya bigla akong napatingin sa kanya. Seryoso? Nasa may sulok na kami ni Kitty non ah, navideohan pa n'ya talaga? Pambihira.

At base sa naririnig ko ngayon at sa mga itsura nung mga nanonood dun sa phone ni Julia, mukhang totoo nga yung sinabi n'ya. Rinig ko yung boses ko eh. Bakit ba lahat sila, masyadong interesado sa lovelife ko? May kanya-kanya naman silang kajowaan ah!

"Aw, I like me better when I'm with youuuuu." napangiwi kaming lahat sa boses ni Maybelle, pero ngiting-ngiti pa rin sa kanya yung pinsan n'ya. Papa'no kasi, may kailangan.

"Ganda talaga ng boses mo, Parrot." pota, plastik talaga. "Pero mamaya na natin pag-usapan yung galing mo sa pagkanta. Pag-usapan muna natin yung galing ni Charliza humokage. Iba din eh. Kumilos nung akala n'ya, walang nakakapansin sa kanila. Iba din yung pampatulog na kanta at yung halik sa noo. So, kayo na?" tanong pa n'ya sa akin.

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon