Chapter 33

124 3 0
                                    

CHARLIE

"Tapos, yun nga, akala ko hindi ako makakagawa ng maayos na dough nung chocolate crinkles na itinuro n'ya sa akin. Mabuti na lang, ang bait-bait ni Klarisse at nagtyaga na turuan ako. Iba pala talaga yung feeling kapag perfect yung binake mo. Grabe, mas exciting pa 'yon kesa nung unang beses na may nag book ng tour sa amin. Gusto pa sana n'yang ituro sa akin yung brownies kasi daw isa pa yon sa mga paborito mo, pero magagahol na kami sa oras. Alas-onse na kasi natapos yung sa crinkles. Sabi ni Klang, yun daw yung favorite mo kaya yun yung inuna ko. Eto nga o, dinalhan kita, sharan!" hindi ko naman mapigilan ang hindi mapangiti dahil sa kwentong yon ni Kitty. Alam mo yung feeling na kanina, sobrang pagod ka dahil minadali mo yung meeting, pero nung nakita at narinig mo kung gaano kasaya yung girlfriend mo, nawala lahat ng yon. Parang biglang na-recharge ako at bumalik lahat ng energy ko.

Andito kami ngayon sa kotse ni Klarisse. Sinundo kasi nila ako after nung meeting ko. Sinabi lang nila na nandito sila sa baba kaya bumaba na daw ako. Tinatamad daw kasing pumasok sa building si Klarisse. Eh syempre, hindi naman alam ni Kitty kung saan floor ako, so, naghintay na lang din s'ya dito.

Kanina pa nga ako nag-aalala kung kumusta ba sila dahil walang nagrereply sa messages ko. Pero yun pala, busy sa pagbabake ng paborito ko yung girlfriend ko. Ang sweet lang. Pero ang nakakapagtaka, yung sinabi n'yang nagtyaga si Klarisse na turuan s'ya. Kilalang-kilala yung best friend ko na walang pasensya sa mga pagtuturong ganyan lalo na kung napakahirap turuan ng kaharap n'ya. Si Maybelle nga, muntik pa n'yang ipasok sa oven nung nastress s'ya habang nagpapaturo yung isa. Buti na lang at napigilan s'ya ni Clarence.

At bago pa ako makapagsalita, naisubo na sa akin ni Kitty yung isang chococrinkle. Maliit lang naman, so, isang subuan lang talaga. At mas lalo akong napangiti nang matikman yon. In fairness, masarap ha. Parang hindi first time na nagbake.

Pabiro akong tumingin sa kanya ng may halong pagdududa.

"Ikaw ba talaga nagbake nito? Baka naman si Klarisse tapos sinabi mo lang na ikaw ha." biro ko pa sa kanya kaya sunud-sunod s'yang umiling.

"Hoy hindi ah. Ako talaga. Kahit tanong mo pa sa kanya. Tinuro lang n'ya kung papa'no gawin at kung papa'no mapeperfect, pero ako talaga gumawa n'yan. Promise. Bakit, ano bang lasa? Hindi mo ba nagustuhan?" napasimangot tuloy yung magandang mukha n'ya. Cute. Sarap ikiss sa ilong.

Aba himala, hindi yata sumisingit sa usapan si Klarisse. Mukhang busy sa pagddrive ah. At himala din na pumayag s'yang nandito kami sa likod pareho ni Kitty. Ayaw pa mandin n'ya na nagmumukha s'yang driver.

"Ikaw naman binibiro lang kita. Syempre masarap. At gustung-gustung-gusto ko dahil gusto ko rin yung nagbake." sabay kindat ko pa sa kanya kaya bigla s'yang nag-iwas ng tingin pero nakangiti naman. Baka kinilig, char. Minsan lang ako bumanat ng ganyan eh.

"Anak ng teteng, Charliza! Sinubukan kong manahimik at hindi makisali sa usapan n'yo, pero leche ka. Saan mo nakuha yang kakornihan na yan? Wala akong tinuturong ganyan sa'yo. Simula ngayon, FO na tayo. Ayokong magkaroon ng best friend na jejemon. Ew!" okay. Sabi ko nga andito si Klarisse. Akala ko kasing talagang mananahimik s'ya buong byahe. Sus, arte n'ya ha. As if hindi s'ya naging ganito ka-korni nung halos nagsisimula pa lang sila ni Justine. May pa-gayuma effect pa nga s'ya, TSE. Mas nakakajeje yon no!

Pero syempre, hindi ko sasabihin yon dahil baka bigla n'ya kaming pababain dito ni Kitty eh medyo malayo na kami sa office ko. Naiwan ko dun yung kotse ko. Ayoko namang magcommute kami o mag-grab ng girlfriend ko.

"Wag ka na lang kumontra, Klang. Minsan lang 'to. Suporta naman d'yan o. Best friend mo ako diba?" yun na lang yung sinabi ko.

"O sige, ituloy n'yo yan, isipin n'yo na lang wala ako. Sana mawala talaga sa isip n'yo para gumawa kayo ng scandal. Nakaready yung camera ko---"

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon