Chapter 40

129 4 0
                                    

CHARLIE

"So ayun nga, nagulat na lang ako nung nakita ko si Alyana sa kwarto ko na bagong gising at pupungas-pungas pa. Tapos nung tinawag ko si Mama, hindi s'ya makapagsalita. So inassume ko na jowa s'ya ni Mama. Sabi ko pa non, hahanap lang ng jojowain yung kasing tanda ko pa. At ang pangit pa!" narinig ko pang kwento ni Klarisse habang nagtatawanan sila.

Masaya naman ako na hindi nagkaroon ng problema yung pagpunta ni Anika dito, pero hindi ko alam kung bakit ganito yung feeling ko. Para kasing may mali. Hindi kasi ganito yung ugali ni Klarisse. Sa aming lahat dito, ako yung may alam sa totoong ugali n'ya. S'ya kasi yung tipong sinasabi yung mga gusto n'yang sabihin kahit na masaktan ka pa. Pero ngayon, hindi yun yung nakikita ko sa kanya. Lalo pa't wala si Justine para pakalmahin s'ya.

Well, nandito si Kitty, ugh! Pero hindi s'ya si Justine. Hindi ko alam kung anong meron sa kanila ni Klarisse, pero alam kong hindi n'ya makakayang palitan yung presensya ni Justine. Ni ako nga na best friend n'ya hindi kaya, s'ya pa kaya na halos kakakilala lang nila?

At isa pa, alam kong hindi naman tataluhin ni Klarisse si Kitty dahil alam n'ya kung ano yung nararamdaman ko para dito.

"May problema ka ba, Charlie?" tanong sa akin ni Kitty na hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala. Gusto ko sanang itanong kung ano yung ginagawa n'ya dito at kung bakit n'ya 'kinocomfort' si Klarisse, kaso baka pagsimulan pa ng gulo.

"Ako? Wala. Hindi lang ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari. Pero masaya naman ako para kila Anika. At least, okay na sila ng mga kapatid n'ya. Makakausap na n'ya yung mga 'yon tungkol sa gustong mangyari ni Tita Nikka." mahinang sabi ko. Medyo malayo kami kila Klarisse, pero alam kong kung lalakasan ko yung boses ko, maririnig nila yung pinag-uusapan namin ni Kitty. At ayoko namang pangunahan yung kaibigan ko sa pagsasabi non.

"I see. Good." wow. Yun lang yung comment n'ya? Walang feelings? Ibang-iba na may pahawak-hawak pa ng kamay kay Klarisse? Sino ba yung girlfriend n'ya, ako o yung best friend ko?

Pero syempre, kailangan kong pigilan yung sarili ko na magreact ng ganon. Kailangan ko s'yang intindihin diba? Baka nga naman concerned lang s'ya kay Klarisse at kay Anika. Baka yun lang talaga yon. Wala namang dahilan para lokohin nila ako diba? At wala din akong dahilan para magselos dahil alam ko naman na ako yung mahal ni Kitty. Tama, ako pa rin 'yon.

"Hindi eh. Iba ka kumilos ngayon. Iba yung sinasabi ng mga mata mo sa sinasabi ng bibig mo. Alam kong may iniisip ka, pero ayaw mong sabihin. Tell me, ano yon, girlfriend mo ako diba? Ako dapat yung unang makaalam kung may problema ka." sabi pa n'ya na hinawakan yung kamay ko.

Hindi ko alam pero parang biglang gusto kong tanggalin yung pagkakahawak n'ya dahil yan din yung kamay na inihawak n'ya kanina kay Klarisse. Ano 'to, second best lang ako? Dahil hindi tinanggap ni Klarisse yung inaalok n'yang pagcomfort kanina, ako naman? Hindi ba pwedeng ako lang lagi yung una dahil ako yung girlfriend n'ya?

"Nood tayo ng movie bukas? Tutal, mukhang okay na naman sila Anika, ituloy na natin yung date natin. Kung okay lang naman sa'yo." yun na lang yung sinabi ko. Kailangan kong bumawi diba? Ilang beses na naudlot yung date namin na kaming dalawa lang. Baka naman pwedeng matuloy na bukas.

Napangiti ako nang makita yung dating kinang ng mga mata n'ya kapag kausap ako. Pansamantala kasing nawala yon. Mabuti na lang at nakita ko ulit yon.

"Oo naman! Ikaw lang naman yung hinihintay ko eh. Pero alam ko naman na may inaasikaso ka pa kaya hindi ko binabanggit sa'yo yon. Pero masaya ako na matutuloy na tayo." excited na sabi pa n'ya na mas lalo kong ikinangiti.

Ito yung Kitty na girlfriend ko. Ito yung Kitty na alam kong hindi ako ipagpapalit at iiwanan.

"Good. Sunduin kita bukas ng 10am."

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon