Chapter 3

991 55 4
                                    

AN: Alam kong nakukulitan na kayo, pero pleaseee, patulong naman na matapos ko yung goal ko sa editor ko sa Dreame. Paclick lang nitong link, tapos, paregister lang sa mga wala pang Dreame sa phone. Pwede n'yong mabasa yung ibang stories ko don, and yung original story ko sa Dreame na A Game of Love. Please, tulong n'ya na rin sa akin, haha!

https://dreame.page.link/okDrSjw3PwsPMUEs6

Yan po yung link, thank you. As of this time 35 na lang po yung kailangan ko para sa 200 na goal. Thanks!

==========================================================================

CHARLIE

"Ang aga-aga nating pumunta dito sa location, tapos malalaman ko na hindi pa makapagstart dahil hindi pa dumadating si Kevin! Ang nandito lang, yung PA n'ya, at sabi non, kasama daw n'ya yung boss n'ya papunta dito, pero wala pa o! Malamang, pinagtatakpan na naman n'ya yung isa. Nako, bakit kase isinali pa ni Direk yun dito sa serye eh. Tsk!" eto na naman yung bunganga ng kapatid ko. Reklamo s'ya nang reklamo sa kakarant ni Klarisse eh halos pareho lang naman sila.

Pero tama naman s'ya, ang aga-aga ng call time, tapos ganito yung mangyayari. Naiintindihan ko kung bakit G na G 'tong Jops. Bukod sa di sila nakapag-usap ng matagal sa phone nung girlfriend n'ya dahil pinatulog ko s'ya ng maaga, di rin sila nagkausap kanina dahil tulog pa yung isa nung paalis kami. At alam n'yang ayaw na ayaw ni Charity na ginigising s'ya ng maaga kung wala naman s'yang taping o shooting.

Natatawang inabutan ko na lang s'ya ng chuckie at cookies. Eto kasi yung comfort food n'ya. Kaya nga lagi kaming may dala dahil ang bilis mainis nitong isang 'to.

At tulad nang laging nangyayari, tumatahimik na lang s'ya kapag kumakain s'ya non at medyo nawawala yung kunot sa noo n'ya. See? Yun lang talaga yung kailangan para manahimik s'ya.

"After mong kumain, magpahinga ka na lang muna or tawagan mo si Charity kung gising na s'ya. Tatawagin na lang kita kapag nandyan na si Kevin. Dun muna ako sa labas para makapagpahinga ka ng maayos. Maglalakad-lakad lang ako." paalam ko sa kanya kahit alam kong hindi naman n'ya papansinin 'yon dahil busy s'ya sa pagkain at sa phone n'ya.

Napangiti ako habang naglalakad-lakad dito sa park. Ilang taon na rin pala akong hindi nakakaikot dito. Ang dami ko din memories sa park na 'to. Masasaya, nakakakilig, nakakalungkot, at nakakasakit sa puso. Pero minsan, kahit gaano kasakit yung mga ala-ala na 'yon, may panahon pa rin na hindi mo pwedeng hindi alalahanin eh. Hindi rin kasi maiiwasan talaga. At kahit gaano man kasakit 'yon, hinding-hindi ko 'yon pagsisisihan. Natuto ako dahil don eh. Naging strong ako.

Ipiniling ko na lang yung ulo ko para hindi muna maalala yon. Masyado pang maaga para magdrama ako dito.

Pabalik na sana ako nang may mapansin akong lalaking nakahalumbaba sa may isang parte nitong park. At mukhang kakagaling din sa iyak dahil namumula yung bandang sa mata at ilong n'ya. Napailing ako nang makilala kung sino yung taong 'yon. Nagdalawang isip pa ako kung lalapitan ko ba o hindi, dahil baka bigla n'ya akong sapakin kapag pinakialaman ko s'ya, pero mas nanaig pa rin yung kagustuhan kong maging okay s'ya para masimulan na yung mga kukuhanang eksena nila ni Jops.

Tahimik na umupo ako sa tabi n'ya. Mukhang naramdaman naman n'ya yung presensya ko dahil lumingon s'ya sa akin at bumuntong-hininga.

"Anong ginagawa mo dito? At papa'no mo nalaman na nandito ako? Iniistalk mo ba ako?" hindi ko alam kung mapapangiti ako o mapapailing sa tanong n'ya. Para kasing pamilyar. Parang lagi ko nang naririnig noon pa man. Ewan ko ba kung bakit ang dami talagang taong mahilig mag-assume. Minsan kailangan din bawasan 'yon. Kaya tayo nasasaktan eh, dahil sa pag-aassume na 'yan.

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon