Chapter 43

127 3 0
                                    

CHARLIE

"What are you doing here? Don't tell me, sasama sa amin." sinasabi ko na nga ba at may tututol talaga dito sa desisyon kong 'to eh. Halos buong araw kong pinag-isipan kahapon kung ano ba yung dapat kong gawin at kung ano talaga yung nararamdaman ko. At isa lang yung naging sagot. Hindi ko kayang mawala sa akin si Kitty kaya gagawin ko yung lahat para bumalik kami sa dati. At sisiguraduhin ko na sa pagkakataong 'to, hindi na ulit mawawala yung tiwala n'ya sa nararamdaman ko sa kanya. Mahal ko s'ya, at yun yung papatunayan ko sa kanya. Hindi lang sa salita, pati sa gawa.

Kaya nga kaninang umaga, nang makita ako ni Klarisse na naglalakad papunta sa kanila dala-dala yung gamit ko, ang laki ng ngiti n'ya. Malamang, nanalo na naman kasi s'ya. Alam na alam n'ya na gagawin ko 'to. UGH!

"Sasama kami ni Charlie." ay oo nga pala, nagpumilit nga palang sumama si Jops dahil dun din daw dederecho sila Charity, Maybelle, at Justine. Mga tsismosa kasi silang lahat. Buti na lang at busy yung iba kaya hindi sila makakasama. Kung hindi, isang baranggay na naman kaming susugod sa Guimaras.

"I'm okay with you, pero hindi dito sa kapatid mo." ngumiti pa si Monique kay Jops. Pero nung ibinalik n'ya yung tingin n'ya sa akin, ayan na naman yung mataray n'yang aura. Nagpapaka-bitchy cheerleader na naman si Ate girl. "Baka hindi pa namin maenjoy yung trip kapag sumama ka. So if I were you, uuwi na lang ako at magkukulong sa kwarto ko." at ako naman yung napataas sa kilay dahil sa sinabi n'ya. Ha! Anong karapatan n'yang utusan ako? Anong tingin n'ya sa sarili n'ya? Nako, wag nga ako!

"Inimbita ako ng best friend ko at ng isa ko pang matalik na kaibigan." sabay turo ko kila Klarisse at Anika. Totoo naman eh. Kahapon, pumunta sa amin si Anika para sabihin sa akin na ayusin ko yung sa amin ni Kitty at wag kong hayaan na masira lang kung ano yung meron kami. Sabi pa n'ya, s'ya daw bahala sa girlfriend n'ya kapag nagkontrabida, dahil alam namin na hindi naman papayag yon na basta-basta ako makasama para makita yung best friend n'ya. Yung tingin nga n'ya sa akin nung time na iniwan ako ni Kitty, eh parang mas magalit pa s'ya kesa dun sa best friend n'ya. Pero naiintindihan ko naman s'ya, at tulad ng girlfriend (or ewan kung ex ko na ba ngayon yon), papatunayan ko din sa kanya na si Kitty na talaga yung mahal ko.

"Yeah. Naisip din kasi namin Baby na kailangan din naman ni Charlie na mag-unwind dahil sa nangyari, kaya niyaya na rin naman s'ya ni Ate Klarisse. Kawawa kasi s'ya kung maiiwan lang dito. Natakot din kasi kami na baka kapag mag-isa na lang s'ya, may kung ano s'yang maisip at pagbalik natin dito, wala na s'ya at kinitil na yung sarili n'yang buhay." pagsegunda naman sa akin ni Anika. Okay na sana eh, kaso, pinalabas nilang suicidal ako. Hindi naman kaya. TSE! Pareho nga silang magkapatid. May pagka-OA minsan.

"At sa dinami-dami ng pag uunwind-an n'ya, sa Guimaras pa talaga? Kung san nandon si Kitty? Wag nga ako, Baby. Alam ko yung mga ganyan n'yo. Hayaan n'yo naman munang maka-move on yung best friend ko sa ginawa sa kanya n'yang—n'yang nevermind na kaibigan mo na yan." sabay tingin sa akin. "At ikaw, sinabihan na kita diba? Pinagkatiwala ko na sa'yo yung best friend ko. Sinabi ko na din sa'yo noon na marami na yang pinagdaanan, kaya please lang wag mong sasaktan, pero anong ginawa mo?" galit, pero mahina yung pagkakasabi n'ya dahil ayaw n'ya sigurong marinig ni Tita Nikka na nag-aaway kami. Baka kasi mas lalo pang mag-isip 'yon, at makasama pa sa kanya.

Nawala yung katarayan sa itsura ko bago tumingin ng malungkot sa kanya.

"Tingin mo ba gusto ko yung ginawa ko? Tingin mo ba sinadya kong saktan s'ya? Tingin mo ba proud ako sa ginawa ko? At tingin mo ba, s'ya lang yung nasaktan sa nangyari? Ako ba hindi? Alam mo yung feeling na after how many years, ngayon na lang ulit ako nagtiwala at nagbukas ng puso sa isang tao. Alam kong nagkamali ako, pero sana, hinayaan muna n'ya akong magpaliwanag. Pero hindi, tulad ng iba, iniwan lang n'ya ako na hindi pinapaniwalaan kung ano yung sinasabi ko. Bakit, mahirap bang magtiwala sa akin? Alam naman n'ya at napapansin naman n'ya na magkaibigan lang talaga kami ni Klarisse. Oo, minahal ko s'ya noon. Pero nung dumating si Kitty sa buhay ko, yung pagmamahal na naramdaman ko noon kay Klarisse, mas higit pa don yung nararamdaman ko para sa kanya. So ano sa tingin mo yung naramdaman ko nung bigla n'ya akong iwan na hindi man lang n'ya nagawang pakinggan kung ano yung mga gusto kong sabihin?" pinilit kong gawing normal yung boses ko dahil ayokong maging mahina sa tingin n'ya. "At ngayon, hindi ko alam kung tama yung magiging desisyon ko na 'to, dahil dalawa lang yung pwedeng kahinatnan nito, either maayos namin yung relasyon namin, o tuluyan s'yang mawala sa akin. Kaya hindi mo alam kung gaano kahirap yung pinagdadaanan ko ngayon. At kung sinabi n'ya na noon, sumugal s'ya para sa akin, ngayon, ako naman yung susugal para sa aming dalawa. Dahil mahal ko si Kitty. Mahal na mahal ko yung best friend mo, at gagawin ko yung lahat para hindi s'ya mawala sa akin." determinadong sabi ko pa sa kanya. Gusto kong maramdaman at makita n'ya kung gaano ako kadeterminado na bumalik sa akin si Kitty.

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon