Chapter 18

155 5 0
                                    

CHARLIE

"Aba himala, lumabas ka sa lungga mo. Gutom ka na no? Akala namin magpapakamongha ka na sa loob ng kwarto n'yo eh." swerte nga naman. Akala ko walang tao dahil hindi maingay, yun pala, nandito 'tong si Klarisse. Kung hindi lang talaga ako nagugutom, hindi naman ako lalabas eh. Luminga-linga pa ako para icheck kung may ibang tao pa. "Umalis yung iba, wag kang mag-alala, kung ayaw mong makita nila yung pagiging kulay berde mo dahil sa selos. Tumutulong sila dun sa bahay nila Mamshie para dun sa pa-fans eme ng Maybellenatics. Nagpaiwan na lang ako dahil alam kong paglabas mo dyan sa lungga mo, kakailanganin mo yung maganda at mabait mong best friend." sabi pa n'ya nang mapansin n'yang patingin-tingin ako sa paligid.

Hindi ko na lang s'ya pinansin at nagdere-derecho sa kusina. Siguro naman nagtira sila ng pagkain para sa akin no? Kanina kasi nakailang katok si Jops para tawagin ako dahil kakain na nga, pero wala akong gana. Inis na inis kasi ako kay Kitty. Nung tinalikuran ko, di man lang ako sinundan. Grabe, siguro dahil nandun yung lalaking yon. Ano nga naman ba ako kumpara don. Sus, matapos n'yang magpakanta sa akin, sabay biglang may ganon. Sana una pa lang sinabi na n'ya diba? Sasabi-sabihin na wala s'yang boyfriend, pero may kaharutan.

"Kawawa naman yung pagkain, napapagdiskitahan ng galit. Kalma, C, walang ginagawa yang pagkain sa'yo." natatawang sabi ni Klarisse kaya napatingin ako sa kinakain ko. Luh, kawawa naman yung liempo, parang naging giniling na. Pero tulad kanina, di ko lang s'ya pinansin at pinagpatuloy yung pagkain. Bahala s'yang magsalita nang magsalita d'yan, wala ako sa mood.

"Alam mo Charliza, hindi maganda yung sinasarili yung nararamdaman. Ikaw din, baka atakihin ka sa puso n'yan. Magulat na lang ako dito na nahimatay ka na. Alam mo ba yung sakit na Takotsubo cardiomyopathy?" tinaasan ko naman s'ya ng kilay sa tanong n'yang yon. Ano namang palagay n'ya sa akin?

"Excuse you, hindi ako broken hearted. Pinagsasabi mo? So never kong mararanasan yung sakit na 'yan." depensa ko kaya mas lalong tumawa ng malakas yung isa.

"Ako pa ba yung lolokohin mo, Charliza? Eh kilalang-kilala na kita. Yung naging reaksyon mo kanina dahil dun kay Abs, hello, obvious naman na dahil sa selos yon. Tinarayan mo nga din si Kitty Cat dahil don. In fairness sa'yo ha, tinalo mo pa yung pagiging selosa ka. Iba eh, may pa-cold treatment na, may pa-walkout pa. Ang ganda. And don't worry, naiintindihan ko yung nararamdaman mo. Kakampi mo ako sa ganyan. Mahirap kasi talaga yung ganung feeling eh. I mean, ngayon na sinusubukan mong buksan ulit yung puso mo, tapos ganon yung makikita mo. Yung confused ka na nga tapos may ganung factor pa." tumango-tango naman ako. On point kasi yung mga sinasabi n'ya.

"Pero may mali ka din don. Nagreact ka ng ganun agad na hindi mo pa tinatanong si Kitty Cat. Papa'no kung ganun lang talaga silang mag-usap dahil simula bata pa lang sila, eh magkasama na sila? Bakit tayo diba? Naiisip mo ba kung ano yung nararamdaman n'ya kapag magkasama tayo?" kumunot naman yung noo ko sa sinabi n'ya. Bakit kami nadamay?

"Halata naman dun sa lalaki na may gusto s'ya kay Kitty. Kita n'yo namang lahat kung papa'no tumingin yung pangit na 'yon sa kanya diba? Tapos sinundan pa talaga s'ya dito sa loob. Masyado naman yata s'yang clingy na hindi kaya malayo sa kanya si Kitty kahit saglit." ugh! Nanalo na naman si Klarisse. Napagsalita na naman n'ya ako kahit wala ako sa mood. At eto, mukhang nagsusumbong pa ako dun sa way ng pagkakasabi ko sa kanya non.

"Si Abs, oo, sabihin na natin na may gusto s'ya kay Kitty Cat. Pero yung jowa-jowaan mo, wala. Hello, sabi mo nga, kita mo sa mga mata nung lalaki na may gusto s'ya kay babae, eh si babae, hindi yun yung nakikita ko. Parang tingin lang ng kaibigan talaga. Baka close lang talaga sila kaya ganon. At isa pa, makaselos ka naman, eh ikaw nga, lagi mo akong kasama. At hindi mo lang ako best friend at kababata, ako di yung first love mo. Pero nakita mo bang magreact ng ganyan si Kitty Cat? No! Oo, nagseselos s'ya—"

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon