Chapter 9

185 5 0
                                    

CHARLIE

"In fairness naman d'yan kay Kitty cat mo, hindi lang maganda, friendly pa. Tingnan mo naman, halos pinapalibutan ng mga kaibigan natin at kung anu-anong pinagtatatanonh, pero never na-rattle si Ate girl. Gusto ko na s'ya agad para sa'yo, Charlie. Baka yan na yung sagot sa mga dasal namin ni Mama na taong may pag-asang makapagpapalabas dyan kay Klarisse sa puso mo. Then after non, s'ya na yung mag-i-stay sa loob forever. Diba bongga? Boto talaga ako sa kanya." kinikilig na bulong sa akin ng kapatid ko habang nakatingin kay Kitty na kausap nila Maybelle.

Kumusta naman na inimbita nila yung babaitang 'yon para sa birthday celebration ni Klarisse. Sila na daw yung bahala kay Justine. Sinabi ko nga na busy si Kitty sa business nila at sumenyas pa ako sa kanya kanina na tumanggi. Ang bruha, nagsmirk pa sa akin bago pumayag sa imbitasyon ng mga kaibigan ko. Alam kong may idea s'ya kung kaninong birthday yung icecelebrate dahil may malaking 'HAPPY BIRTHDAY KLARISSE' na nakadikit sa venue. At alam ko din na gusto lang n'yang makita at makilala yung best friend ko para makiusyoso s'ya. Tsismosa lang talaga si Ate girl.

Inis na tiningnan ko naman si Jopay. S'ya yung may kasalanan kung bakit nangyari 'to eh. Malamang nasabihan na n'ya yung iba kung sino si Kitty sa buhay ko at isa pa, yung subuan ng spaghetti kanina, isa rin yun sa may kasalanan ng lahat.

"Bakit mo iboboto, kandidato ba yan? At kung kandidato nga s'ya, hinding-hindi ko s'ya iboboto!" inis pero mahinang sabi ko. Ayoko kasing marinig kami nung iba at baka kung ano na namang isipin ng mga 'yon. Ubod pa mandin sila ng malisyosa.

"Oo. Kandidato s'ya sa puso mo." sagot naman n'ya.

"Pinagsasabi mo d'yan. Nababaliw ka na naman, Josephine. Dun ka na nga sa jowa mo at wag mo akong istorbohin dito."

"Sus. Sabi mo kaya muntik na. Kung wala lang si Klarisse sa gitna." sabi pa ni Jops kaya tinaasan ko s'ya ng kilay.

"Wala na ba?" tanong ko na ikinawala ng ngiti n'ya. Hinila n'ya ako sa mas malayo sa iba at pinamewangan pagkatapos.

"Alam mo, ikaw lang yung kapit nang kapit d'yan. Bakit hindi mo subukan na bumitaw na at hayaang may ibang makapasok. Wala na kasi Charlie diba, alam mo naman na game over na. Masaya na si Klarisse kay JT. So ikaw din dapat, kailangan mo na ring maging masaya. Hindi masamang magmahal at sundin yung puso. Pero yung ikulong at igapos mo yan sa isang pag-ibig na wala namang pag-asa, yun yung hindi tama." gusto ko sanang ngumiti dahil parang s'ya yung Ate ko sa inaasta n'ya. Pero alam kong may point s'ya at kapag sinubukan kong tumawa, lagot ako sa kanya.

"Kaya nga kakausapin ko muna diba? Akala ko ba, baka yun yung kailangan ko talaga para bumitaw at makamove on? Na baka kailangan ko lang ilabas yung nararamdaman ko para pumasok sa matigas kong kukote na hindi talaga kami yung para sa isa't-isa. Hindi ko gugustuhin na agawin s'ya sa asawa n'ya at alam kong hindi din naman ganung klaseng babae si Klarisse. Alam kong masaya na sila at wala akong planong sirain 'yon. Hindi naman masamang magmahal ng patago diba?" narinig kong napabuntong-hininga s'ya sa sinabi ko. 

"Pero kailangan mo din ibukas yung puso mo sa iba. Hayaan mong mahalin ka din nila. Hayaan mong iparamdam nila na pwede ka ding maging masaya sa iba, at hindi lang kay Klang. Pero sige, hihintayin ko yung sinasabi mong pakikipag-usap sa kanya. Basta siguraduhin mo na pagkatapos n'yan, wala na talaga, okay? Tapos na talaga. At ibubukas mo na yung sarili mo sa iba." tumango naman ako at ngumiti ng nakakaloko.

"Gusto mo, manghila pa ako ng random na babae o lalaki, tapos ibukas ko lahat ng pwedeng ibukas para sa kanila." nakakalokong sabi ko pa kaya natatawang binatukan naman n'ya ako.

"Uunahan mo pa ako. Tse! Maghanap ka muna ng jojowain mo bago mo isuko yang bataan mo. At isa pa, hindi pa ako ready na maging Tita no!" tatawa-tawang sabi n'ya.

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon