Chapter 31

141 4 0
                                    

CHARLIE

"Kumain muna tayo. Nagugutom na ako. Tagal nating naghintay sa airport tapos lintek 'tong traffic. Welcome to Manila. Welcome to EDSA!" reklamo ni Klarisse habang nasa byahe kami.

Pero may point naman s'ya. Mga 2pm kami dumating dito sa airport at sinundo nung driver nila Clarence, pero mag-aala singko na, andito pa rin kami sa may tapat ng Shang Edsa, so tama naman na kumain na lang muna kami para palipasin muna yung traffic. Or kung mattraffic man ulit, busog kami at walang magtataray. Karamihan kasi sa amin, nawawala sa mood kapag gutom. Well, sino ba naman kasi yung gusto ng ganon diba? Kahit sino naman yata, badtrip kapag gutom sila.

"At talagang ngayon ka lang nagreklamo. Kung saan alam mong may malapit na Sambo. Pero sige, miss ko na rin naman yon at gutom na rin naman ako, so dun na lang tayo. Tawagan ko na lang yung friend kong manager non para makapagpareserve tayo for dinner. Though, 530pm pa start non, keri mo pa ba yon, Klang?" saad naman ni Maybelle.

"Pwede naman munang bumili ng makukukot or pamatid-gutom muna habang naghihintay tayo. At saka, at least, maililibot din natin 'tong si Kitty Cat sa Mega. At ito kasing si Justine, alam mo naman na favorite n'ya yung salted eme eme dito. Para makabili din s'ya ng madami at di na n'ya ako utusan na bumili dito." sabi naman ni Klarisse kaya tumango na lang si Maybelle at tinawagan yung kaibigan n'ya.

"Alam mo, 5 years na ata nung last na nakapasok ako dyan sa Megamall. At dahil lang yon, may mineet si Mama na kaibigan n'ya. Kumain lang kami at nagkwentuhan sila, tapos umuwi na kami. Hindi ko nga nalibot yung buong mall." kwento sa akin ni Kitty kaya napangiti ako. At least, maipapasyal ko s'ya ngayon.

"Sige, ako yung bahala sa'yo dyan. Sabihan mo lang ako kung may gusto kang gawin, or may nakita kang gusto mong kainin, ako na yung bahala sa'yo." sabi ko pa kaya tumango-tango s'yang parang bata. Cute talaga. At least, medyo makakabawi-bawi ako sa pagpasyal at pag-aasikaso n'ya sa amin nung kami yung nasa Guimaras.

"Ay Kitty Cat, mahilig ka sa Korean and Japanese food? Puro ganun kasi sa Sambokojin." tanong ni Klarisse kaya mas lalong napangiti si Kitty.

"Favorite ko yon. Lagi ko ngang nakikita sa feed ko sa IG and FB yang Sambokojin na yan. Sabi ko nga kapag nakapasyal ako sa Manila, susubukan kong puntahan." excited na sagot pa n'ya kaya napatawa yung ibang kasama namin. "At bonus na rin na makakasama ko si Charlie. Alam n'yo na, sa first ko, hihi." buti na lang at tapos na akong uminom ng tubig dahil kung nagkataon, baka naibuga ko yon sa kung sinong nasa harap ko.

Ano na naman ba yan, Kitty? Parang laging double meaning yung sinasabi n'ya. Jusko. Alam kong lumaki s'ya sa States halos at sanay s'ya sa ganyan, pero hindi ko pa kering makipagbiruan ng ganyan. Oo, manang na kung manang, pero naaawkwardan talaga ako sa ganyan.

"Ay o, ano pa bang FIRSTS mo yung gusto mong kasama si Charliza?" inis na tumingin ako kay Klarisse. Kita na nga n'yang namumula na ako, talagang pinagpatuloy pa. At saka akala ko ba mas Manang pa s'ya sa akin ngayon. Kumusta naman ngayon? Kapag ba nag-aasawa ka talaga at nakakatikim ng ugh nevermind, nagbabago ka? I mean, nagiging okay na sa'yo yung mga green jokes? Kasi noon, s'ya yung may ayaw ng mga ganyan. Pero ngayon o, game na game na. Ibang klase.

"Secret." sabay smirk kay Klarisse at kindat sa akin ng girlfriend ko. Juskolord.

"Bumaba na nga tayo at nang makakain na si Klarisse para magtigil na sa---"

"Well, nakakain na ako, Charliza, ikaw, mukhang malapit na." at talagang hindi na nga n'ya ako pinatapos magsalita, nambwisit pa s'ya.

At yung mga lecheng kasama namin, syempre, magtatawanan. Mukha kasi talaga akong kamatis ngayon sa sobrang pula. Kung anu-ano yung sinasabi n'ya, at ayokong maimagine na ginagawa ko yon kay—OH GOD. Stop, Charlie. Wag kang mag-isip ng ganyan. Irespeto mo si Kitty. UGH!

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon