Chapter 13

181 4 0
                                    

CHARLIE

"Buong crew ba and staff and mga kasamahan mo sa serye yung dadalhan mo kaya napakadami mong pinamili, Maybelle? Parang buong store gusto mo nang bilhin ah! At isa pa, hanggang 40 kilos lang yung max na pwedeng mong i-add na bagahe. Baka naman dyan pa lang sa pinamili mo, eh kulang na yon. May mga gamit ka pa at may iba pa tayong pupuntahan na bilihan ng pasalubong." natatawang sabi ko kay Maybelle na hirap na hirap sa pagdadala ng mga binili n'ya, at mga pasalubong dito sa Trappist Monastery. Ilang kahon na mango otap, mango biscocho, dried mango, at mango bars yung dala-dala n'ya.

"Akin lang 'to no! Si Charity and JT na lang yung bahalang magpasalubong kila Direk. At saka yang si Klang, tutal s'ya yung paborito non." sabi pa n'ya kaya napatulala lang ako sa kanya. Kaya n'yang ubusin lahat yon? Hindi kaya sumakit yung ngipin n'ya o magkasakit s'ya ng diabetes dahil don? Jusko 'tong babaeng 'to. May hoarding disorder ata.

"Akala ko ba Meng, hindi ka nakawithdraw. Papa'no mo nabili lahat ng yan?" takang tanong ni Julia sa kanya, at nakangiti namang tumingin lang si Maybelle kay Clarence na iiling-iling kanya. Ah, kaya naman pala matapang bumili ng madami, may dala palang 'ATM', lol.

"Hoy Parrot! Bawal kang kumain n'yan! Ipasalubong mo na lang lahat ng binili mo sa Mama mo, kay Kuya Ace, at kay Mama!" sabi naman ni Klang na turo din naman nang turo kay Justine ng mga bibilhin. Iba din talaga yung magpinsan na 'to. Parehong bilmoko eh. Kawawa naman mga jowa nila. Gatasan eh.

"At bakit naman hindi pwede? Wala naman akong jabetis no! Bakit hindi na lang ikaw yung magpasalubong sa kanila tutal, ang dami mo din namang binili." mataray na sagot naman ni Maybelle sa pinsan n'ya.

"Cannibalism yan. Bawal mong kainin yung kapwa mo mangga! Mahiya ka naman sa pamilya mo." sabay-sabay naman kaming napatawa dahil sa sinabing 'yon ni Klarisse. Kahit kalian talaga, sobrang harsh nito sa pinsan n'ya. Kanina nga nung nasa Mango Research kami, sabi n'ya, may trivia daw s'ya na yung nanay daw ni Maybelle, paborito daw yung mangga at sa sobrang kapaboritohan n'ya, ayun, binigyan s'ya mismo yung anak na mangga. Siraulo talaga diba?

"Ha-ha-ha. Nakakatawa, Klarisse. Ewan ko sa'yo, dami mong alam. Mamili ka na nga lang d'yan! Mas okay yon kesa mambwisit ka." sabi n'ya sabay tingin ng masama sa pinsan n'ya.

"Hoy Alyanang panget, makatawa ka naman, eh halos pareho lang kayo n'yan ni Parrot!" napatigil naman si Yana sa pagtawa at tiningnan yung Ate n'ya.

"Ah talaga ba? Bakit, kasama ka rin naman sa pamilya diba? Kung paasiman rin lang, tingnan mo yang panga mo, pwedeng isigang o sampalukan." at kahit may mga gustong tumawa, hindi na nila itinuloy dahil sinamaan na sila ng tingin ni Klarisse.

"Ang kapal ng mukha ng pangit na 'to! Hoy, Ate mo ako, matutong ka rumespeto. Ako pa rin yung panganay dito!" ay wow, parang narinig ko na yung linyang yon sa isang movie.

"So, may isa pa palang kapatid sila Anika?" napahawak naman ako sa bandang dibdib ko dahil may biglang bumulong sa likod ko. Jusko naman, muntik na akong atakihin sa puso.

"Minsan Kitty, try mong mag-excuse me muna bago ka manggulat. Pasalamat ka wala akong sakit sa puso ha!" mahina, pero may diin na sabi ko sa kanya.

"Hehe, sorry naman. Akala ko napansin mong nakalapit na ako sa'yo. Hindi ko naman akalain na magugulatin ka pala." nagsorry, pero hindi pa rin tumitigil sa pagbungisngis. Ang galing!

"Pero dun sa tanong mo, oo, si Alyana. Pero last year lang din s'ya nakilala ni Klarisse. Medyo hindi pa nga maganda yung unang naging reaksyon nung isa nung nalaman na may kapatid s'ya sa labas, pero kalaunan din naman, naintindihan n'ya at tinanggap. Alam din naman n'yang walang kasalanan si Alyana sa nangyari. Tulad n'ya, biktima lang sila ng pagkakataon. At ngayon, sobrang close na yang magkapatid na yan. Laging magkaaway, pero sila din naman yung laging nagtutulungan. Tulad nung nagkaroon ng problema sa lovelife si Yana, si Klarisse yung isa sa mga tumulong para maayos 'yon. Swerte n'ya dahil si Klarisse yung naging Ate n'ya. Hindi n'ya masyadong ipapakita sa'yo na mahal ka n'ya, pero lagi n'yang ipaparamdam. At saka---" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil napansin ko na nakangiti s'ya pero malungkot. May problema ba sa sinabi ko?

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon