Chapter 42

125 3 0
                                    

CHARLIE

"O tapos nga, iiyak-iyak ka sa amin? Kasi iniwan ka. Ganyan naman kayo. Kapag nasa inyo, kapag bumubuntot sa inyo, binabalewala n'yo, pero kapag nawala na, saka n'yo hahanapin. Ano bang sinabi ko sa'yo kanina? Diba sabi ko, dapat hindi mo ako inuna. Alam mo dapat kung ano yung priorities mo. Best friend mo lang ako, at yun, girlfriend mo. Hindi ko sinasabing balewalain mo yung pagkakaibigan natin ha. Ang sa akin lang, alam mo dapat kung sino yung una sa priorities mo. At si Kitty Cat yon. Nako, tapos ayan, para kang bata na naagawan ng lollipop. Tapos ano, pinayagan mo ng ganun-ganon na lang na umalis yung isa. Ni hindi mo pinigilan. Eh mas lalo mong pinakita sa kanya na hindi naman s'ya kawalan kung iiwan ka n'ya. Kaya alam mo, hindi ko sisisihin si Kitty Cat kung si Papa Abs na lang jojowain n'ya. At least yon, nakakasigurado s'ya. Hindi tulad sa'yo, ilang taon na nga s'yang naghintay, puro pasakit pa yung ibinigay mo. Kaya hala, sige, magdusa ka dyan, Charliza! Umiyak ka lang dyan at wag kang gumawa ng paraan para bumalik s'ya!" alam kong ganito yung mangyayari. Na imbes na icomfort nila ako, sisisihin pa nila ako sa nangyari. Tama naman sila, kasalanan ko naman kaya nangyari 'to. Ano pa bang magagawa ko diba? Eto iyak na lang.

"Nakiusap s'ya na hayaan ko muna s'ya. Sinubukan ko s'yang pigilan, pero ayaw n'ya na talaga. Sumuko na s'ya. Ni hindi nga s'ya naniwala nung sinabi kong mahal ko s'ya." parang bata akong nagsusumbong sa kanila ngayon.

Nandito kasi kami sa loob ng bahay nila. Nung umalis kasi si Kitty, nanghihinang napaupo na lang ako sa may gate nila Klarisse. Ewan ko, gustung-gusto ko s'yang habulin, pero parang nawalan ako ng lakas. Hindi ko alam kung ano yung gagawin ko. At yun nga yung naabutan ni Klarisse pag-uwi n'ya. Yung pag-iyak ko na parang bata sa may labas ng gate nila. Anong magagawa ko, eh hindi ko mapigilan?

Dinala n'ya ako dito sa loob ng bahay nila, at pinakwento kung anong nangyari. Agad n'yang tinawagan sila Jops at Yana. Dumaan daw kasi s'ya sa shop, pero wala daw yung dalawa. Si Tita Clara lang daw yung tao don.

At pagdating nung dalawa, s'ya naman yung nagkwento, na mas lalo namang nakasakit sa akin. Papa'no, idinidiin pa n'ya lahat ng katangahan na ginawa ko habang nagkukwento dun sa dalawa. Kaya imbes na sa akin din kumampi yung dalawa, ayun, ang sama pa ng tingin nila sa akin.

Makaganyan naman sila. Akala mo naman ang peperpekto nila sa mga jowa nila noon. Nako, wag nga ako. Mas malala pa kaya yung mga ginawa nila, tse!

Oo alam kong may kasalanan ako, at mali talaga yung ginawa ko. Pero minsan naman talaga, may oras na nagkakamali tayo ng pinipili diba? Saka, akala ko kasi aabot ako at hindi male-late kanina. Bakit kasi ang traffic sa EDSA! Eh di sana hindi ganito yung nangyari? Sana hindi ako na-late sa usapan namin, at sana, hindi ko nasaktan si Kitty. Ugh! Ang tanga mo talaga, Charlize!

"Alam mo, kung sinubukan mo s'yang pinigilan, o kung ginawa mo yung lahat para magstay s'ya, eh di sana nandito s'ya. Kung nakita n'ya siguro yung sincerity habang nakikiusap s'ya, malamang, hindi s'ya umalis. Pero siguro, nakita n'ya rin sa mga mata mo kung gaano ka hindi kasigurado sa lahat nang sinasabi mo. Na kung talaga bang gusto mo na nandito s'ya. Baka kasi nabasa n'ya sa mga mata mo na kailangan mo pa ring mag-isip isip at makasigurado sa kung anong nararamdaman mo sa kanya. Ikaw kasi, may tendency kang maging tanga eh, Charliza. Yung akala mo, hindi ka pa sigurado sa nararamdaman mo, pero ang totoo, s'ya na talaga yung mahal mo. Hello, buong pagkukwentuhan natin dun sa may overlooking, puro s'ya yung bukambibig mo, hindi pa ba obvious kung sino na talaga yung nasa puso mo? Akala mo lang may nararamdaman ka pa sa akin kahit ang totoo, matagal ng wala. In love ka lang dun sa feeling na pagiging 'in love', pero hindi na sa akin talaga." naiiling na sabi ni Klarisse, at sumasang-ayon naman ako sa kanya. Alam ko na naman yon eh. Sigurado na ako sa kung sino na talaga yung mahal ko. At alam kong si Kitty yon.

"Alam ko na naman yon, pero---"

"Pero tanga ka. Kaya ayan, na sa'yo na, pinakawalan mo pa. Kaya ayan, kung gaano kabilis na naging kayo, ganun din kabilis na naghiwalay kayo. Siguro may point s'ya. Na siguraduhin mo muna, bago mo pasukan para walang masaktan." seryosong sabi n'ya sa akin, bago humarap kay Jops na nakataas ang kilay. "Sa relasyon yung tinutukoy ko dito, Pining Garcia at hindi yung kalaswaan na nasa isip mo kaya ganyan ka makangisi. Hindi lahat ng tao kasing mamanyak n'yo ni Pipino. Jusko, maloloka ako sa inyong magkapatid. Sumandali nga kayo at tatawagan ko lang yung mas matino kong kapatid." ayun, si Yana naman yung sumimangot. Para kasing sinasabi ng Ate n'ya na hindi s'ya matino. Well, totoo naman yon.

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon