Chapter 30

144 3 0
                                    

CHARLIE

"Hi." kumurap-kurap ako para makasiguradong hindi lang imahinasyon yung nakikita ko. Na totoong nandito si Kitty ngayon sa harap namin. Minsan kasi, nagde-daydream talaga ako. Yun bang iniimagine kong nasa harap ko yung tao kahit wala naman. Ilang beses ko kayang inimagine noon na nakakausap ko pa rin si Klarisse kahit nasa States na ako. Tapos malulungkot na lang ako dahil after ng ilang minuto, biglang mawawala na lang s'ya. At ayokong mangyari 'yon ngayon.

Bigla akong napangiwi nang maramdaman kong biglang kumurot sa tagiliran ko. Masakit, leche.

Agad kong sinamaan ng tingin yung bwisit na gumawa non. At sino pa ba sa tingin n'yo? Isang tao lang naman dito yung mahilig manakit.

"Masakit?" tanong pa n'ya. "Kung nasaktan ka, ibig sabihin hindi ka nananahimik at nasa harap mo talaga si Kitty Cat. So kung ako sa'yo, isasara ko yung bibig ko, aayusin ko yung sarili ko, at kakausapin ko yung babaeng nasa harap ko dahil nagmumukha kang tanga dyan." dagdag pa n'ya kaya mas lalo ko s'yang sinamaan ng tingin. Ang yabang, eh sila din naman kanina ganun yung reaksyon diba? Nakakanganga din sila at nakatulala nung sinabi ko yung nangyari kagabi.

"Don't worry, cute ka pa rin naman kahit nakatulala ka." nawala lahat ng inis ko at napangiti nang marinig ko yung sinabing 'yon ni Kitty. Iiiii, keshe nemen, nekekekeleg yeng shenebe nye.

"Ayon. Namula bigla. Kilig ang tumbong ni Charliza." agad namang nagtawanan yung iba nang marinig yung sinabing 'yon ni Klarisse pero hindi ko na lang sila pinansin at nakangiting tumingin kay Kitty.

"H-hello. Buti nakaabot ka." bati ko sa kanya matapos n'yang maupo sa tabi ko.

"Oo nga eh. Inayos ko pa kasi yung flight ko dito. Tapos may iniwan pa ako dun sa travel agency namin. Sorry ha kung hindi ko kayo naihatid kanina." hinging paumanhin pa n'ya pero ngumiti lang ako sa kanya.

At least, hindi na ako mag-iisip ngayon na baka naturn-off s'ya kaya bigla syang hindi nagpakita simula kanina. Ngayon, alam kong may inayos lang s'ya kaya ganon. At hindi naman s'ya sasama sa amin ngayon kung wala na s'yang nararamdaman para sa akin diba?

"Wala yon. Alam naman namin na busy ka. Akala nga namin aalis kami na hindi nakakapagpaalam sa'yo eh." sabi ko na lang. Ayoko namang sabihin na natakot ako na baka umayaw na n'ya sa akin dahil sa biglaang pagsuka ko sa harap n'ya. Baka sabihin n'ya, ang babaw naman ng tingin ko sa pagmamahal n'ya.

"As if naman papayag ako ng ganon. Kung hindi man ako makakasama sa inyo ngayon, or kung hindi ako nakakuha ng flight, malamang ihahatid ko kayo. Ihahatid kita. Ayoko namang hindi makapagpaalam sa girlfriend ko." nakangiting sabi pa n'ya kaya bigla akong nasamid at inubo nang sunud-sunod.

See? Ayan, sigurado na akong hindi na kailangan ng confirmation dun sa tanong kagabi. Sabi ko nga eh, may girlfriend na ako. Pero sana naman, hindi n'ya ako binibigla.

Natatawa namang inabutan ako ni Klarisse ng gamot at tubig.

"Mukhang kailangan mo 'to, Charliza. Mamaya n'yan, dito ka pa magkalat sa airport." tinanggap ko na lang yung inaabot n'ya at hindi na nakipagtalo dahil may point naman s'ya don. Eto kasing si Kitty eh, lahat na lang, sinasabi. Jusko, di man lang nagpasintabi bago sabihin 'yon. Andito pa mandin sa tabi namin yung mga tsismosa kong kaibigan.

"Wag mo kasing biglain, Kitty Cat. Aba, gusto mo bang sumuka na naman yung babaeng 'yan dito? Jusko, kapag kinakabahan yan, halos lahat nang kinain n'ya maghapon, ilalabas n'yan. Jusmiyo ka." natatawang sabi pa ni Klarisse habang umiinom ako ng gamot.

"Sorry, hindi ko alam. Totoo naman kasi yung sinabi ko eh. Hindi ko naman kasi talaga hahayaan na umalis na lang yung girlfriend ko na hindi ako nakakapagpaalam." at inulit na naman n'ya. Mabuti na lang at nakapagready na ako this time. Hindi na ako nabigla tulad kanina.

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon