Chapter 47

183 5 0
                                    

CHARLIE

"Uy, Charliza, higa agad talaga sa sofa? Ano na, para namang pagod na pagod ka." mas lalo akong napapikit nang marinig yung boses na yon ni Klarisse. Kakarating lang namin dito sa villa mula sa nakakapagod na tour nila kanina. Jusko, parang hindi ko na yata maikilos yung buong katawan ko. At lecheng Klarisse 'to, may gana pa talaga s'yang magtanong ng ganun sa akin, eh kung anu-ano yung pinagawa nila sa aking dalawa ni Monique kanina? Akala ko dahil best friend ko s'ya, hindi s'ya makikisali sa kung anong kalokohan na gustong ipagawa ng iba naming kasama kanina, pero mas malala pa s'ya.

Sukat ba naman na gusto daw n'ya ng mangga, pero kung okay lang daw, ako yung aakyat at mangunguha sa puno. Jusko, mabuti na lang at naka-jogging pants lang ako dahil akala ko nga, pag-iigibin at pagsisibakin ako ng kahoy. Kung saka-sakaling nakashorts ako, malamang, nagkasugat-sugat na yung tuhod at binti ko dahil sa kahayupan ng best friend ko. Nung una, tatanggi pa sana ako, pero hinawakan n'ya yung papel kung saan pwede mong i-rate yung nagtour sa'yo, and kung ano pa yung pwede naming gawin para mas ma-enjoy nila yung tour. Ang galing talaga. Alam n'yang kailangang-kailangan kong pumasa dahil nakasasalay don yung pagpayag ni Tito Migs kaya sigurado s'ya na susundin ko kung ano yung gusto n'yang lukaret s'ya.

At isa pa 'yung si Monique. Sukat ba naman na habang nasa Garin Farm kami, lahat sila, nag-cart, tapos ako lang yung pinaglakad, hayop diba? Sabi pa n'ya, hindi na daw kasi kasya at ginatungan pa ni Klarisse na nung last time nga, nakapaglakad ako dito. Pero nakalimutan n'ya yata na nahilo ako at kinailangan ni Kitty na tumawag ng isa pang cart para sa aming dalawa. Jusko, ang init-init kaya tapos ang haba-haba ng lalakarin. At ni hindi man lang nila ako inabutan ng tubig ha. Actually, makikipagtalo pa sana si Anika sa kanila para ipagtanggol ako sa kanila, pero sabay s'yang pinandilatan nila Klarisse at Monique kaya wala na s'yang nagawa. Sila Tita Nikka naman, medyo nauuna kaya hindi nila alam kung ano yung pinaggagawa sa akin nung dalawa. Kapag nga naman sinuswerte ako diba? Pero mabuti na lang at hindi kami nag-island hopping dahil kung sakali, baka utusan nila akong mangisda sa gitna ng dagat na mga leche sila.

At dahil hindi ko s'ya pinansin, mas lalo akong niyugyog ni Klarisse.

"Huy, Charliza, ayaw mo bang makita kung ano yung irarate namin sa'yo at kung nakapasa ka?" tanong pa n'ya na hindi ko ulit pinansin.

Bahala na sila. Kung sumasaya sila sa mga ginagawa nila sa aking pagpapahirap, go lang, tuloy lang nila. Alam ko naman din kasi na deserve ko 'to dahil sa ginawa ko kay Kitty. Wala namang kaso sa akin na i-test nila kung gaano talaga ako ka-sincere sa pagsosorry ko at sa kung ano man yung nararamdaman ko para sa girlfriend ko, pero sana naman, pagpahingahin muna nila ako ngayon. Promise, sobrang napagod ako sa pinaggagawa ko kanina. Mas mahirap pa yata yon kesa sa pag-iigib at pagsisibak eh. Yun kasi, puro pisikal lang talaga, pero yung kanina, pati utak ko, napapagod kila Klarisse at Monique. Paulit-ulit kasi sila na, 'ah, baka hindi naman talaga n'ya ganun kamahal si Kitty kaya ayaw n'yang gawin yung mga iniuutos natin'. Jusko, ilang beses ko na ba pinatunayan sa kanila kung gaano ko kamahal si Kitty? Ugh! Speaking of my girlfriend, bakit kasi ang tagal n'yang bumalik galing dun sa pag-uunwind n'ya? Gustung-gusto ko na din kasi s'yang makausap. At miss na miss ko na s'ya. Kung alam lang n'ya kung gaano ako nagdadasal gabi-gabi para lang bumalik na s'ya sa akin. Hindi ko kasi kakayanin talaga na wala s'ya.

"Ay ang suplada naman nito. Mamaya ka na matulog. Napakacorny mo naman o!" pangungulit pa s'ya pero hindi pa rin ako nagmumulat. Wala pa talaga ako sa mood sumabak sa kahit anong gyera sa ngayon, sobrang pagod talaga yung katawan ko. Kasalanan din naman nila. Kung hindi nila ako pinahirapan, eh di makakausap sana n'ya ako ng matino ngayon. Hmm, pero kelan ba naging matinong kausap 'tong isang 'to. At isa pa, alam ko naman na hindi pasado yung inilagay ni Monique d'yan dahil kahit sibabi n'ya noon na bibigyan n'ya ako ng isa pang pagkakataon na mapatunayan na mahal ko talaga yung best friend n'ya, feeling ko, wala pa rin s'yang tiwala sa akin. Kita ko naman sa mga tingin n'ya eh.

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon