Chapter 25

125 3 0
                                    

CHARLIE

"Charlie, may naghahanap sa'yo. Labas ka na muna d'yan at mukhang excited na 'tong taong 'to na makausap ka." napatigil naman ako sa pagbabasa at tumingin sa oras. Si Kitty? Bakit parang ang aga? Alas dose pa lang ah. Wag mong sabihing biglang nagbago yung isip n'ya at lunch date na lang instead of dinner date. Luh, di pa ako ready at mukhang di pa rin ready yung mga mag-aayos sa akin dahil pagkakain namin ng breakfast kanina, nagsipasok na sa kani-kanilang kwarto para magpahinga.

Ah, baka magdadala na naman s'ya ng lunch parang kanina. Nako, mukhang masyado na yatang nagiging clingy si Katherine. Parang sasaglit pa lang ako na hindi nakikita, nandito na naman. Pero hindi naman ako nagrereklamo, gusto ko nga rin 'to, dahil namimiss ko rin naman s'ya. Kanina ko pa nga gustong magtext o tumawag sa kanya, kaso nahihiya ako. Baka sabihin n'ya na napakaclingy at excited ko naman. Magkikita naman kami mamaya.

"Ay o, nag-daydream pa. Bilis na at nakakahiya don sa bisita mo." pahabol pa ni Julia kaya tumayo na ako. Baka sumilip na naman yung isang 'yon at kung anu-ano na naman yung sabihin. Medyo atribida pa mandin yung kaibigan na yon ni Jops.

Nakangiti akong lumabas ng kwarto. May point din naman si Julia, nakakahiya kung paghihintayin ko na naman si Kitty, eh ang tagal na n'yang naghintay sa akin.

Biglang nawala yung ngiti ko nang makita ko kung sino yung bisita na sinasabi ni Julia. Tsk. Kaya naman pala masyado s'yang excited at ayaw n'yang paghintayin ng matagal 'tong taong 'to. Dapat tinanong ko kasi muna bago ako mag-assume eh. Sabi ko nga, hindi naman ganun ka-clingy si Kitty para pumunta agad dito ng kay aga-aga.

"Marco." mahinang bigkas ko sa pangalan n'ya, pero mukhang narinig pa rin n'ya dahil bigla s'yang lumingon sa akin.

Ganun na lang yung ngiti n'ya nang malingunan n'ya ako. Shit! Oo nga pala, ang alam n'ya, inilalakad ko s'ya kay Kitty. Hindi pa nga pala n'ya alam kung ano yung talagang namamagitan sa amin nung babaeng gusto n'ya.

"Charlie! Hi!" masayang bati pa n'ya sa akin kaya napailing na lang ako sa loob-loob ko. Papa'no ko ba sasabihin sa lalaking 'to yung totoo na hindi s'ya nasasaktan. Hindi ko kasi alam kung kaya kong saktan s'ya. Ang hirap kapag mabait yung kaagaw mo eh, ang hirap maging masaya knowing na may isang taong masasaktan. Isang tao na alam mong sobrang mahal na mahal yung babaeng gusto mo rin.

Hoo! Kaya mo yan, Charlie. Naniniwala akong kaya mo yan! pagpapalakas ko sa loob ko.

"Uy kumusta, napadalaw ka?" nakangiting tanong ko sa kanya. Ang hirap kasing hindi maging mabait sa kanya. Bukod kasi sa palangiti talaga s'ya, mararamdaman mong sincere at totoo s'ya sa lahat nang pinapakita n'ya sa'yo.

"Eh—uhm." hiyang-hiya naman na napakamot s'ya sa may batok n'ya. Syempre nga naman, ano pa ng aba yung magiging dahilan n'ya sa pagpunta dito at pagdalaw sa akin diba? Hindi naman yon dahil bet n'ya ako. Alam ko na dapat na gusto n'yang itanong kung kumusta na yung paglalakad ko sa kanya kay Kitty. Well, hindi naman lakad talaga. Yung pagbanggit-banggit ko lang kay Kitty at kung if ever daw na nababanggit din s'ya nito. Eh kasi hindi naman. Lagi ngang sinasabi nung isa na hindi lalagpas pa sa pagiging magkaibigan yung kaya n'yang ibigay dito kay Marco.

Ang hirap naman eh. Ang hirap makita na nasasaktan yung isang tao na may parehong pinagdadaanan na tulad ng pinagdaanan ko. Hoo! Give me strength please. Naisip ko kasing mas mabuti na rin na sa akin malaman ni Marco yung totoo kesa naman marinig pa n'ya sa iba at mas lalo s'yang masaktan at magalit sa akin. Baka sabihin pa n'ya na pinaniwala ko s'ya na tutulungan ko s'ya, pero bantay salakay naman pala ako.

"Yung kay ano—yung kay Keykey sana." nakangiti pero halatang hiyang-hiya s'ya sa sinabi n'ya. Hay, kung hindi siguro si Kitty yung gusto n'ya, ilalakad ko talaga s'ya sa taong yon. Hindi lang lakad, takbo pa. Swerte din kasi ng babaeng mamahalin nito. Pero wala eh, nagkataon na pareho kami ng gusto. At sa ngayon, mas pinipili kong maging selfish at iparamdam kay Kitty kung ano yung nararamdaman ko sa kanya.

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon