Chapter 35

128 4 0
                                    

CHARLIE

"So papa'no, maiwan ko na muna kayo dito ha. Alam n'yo na, may zumba kasi kami ng mga amiga ko bukas ng umaga, so kailangan ko munang mag-beauty rest. Charlize, ikaw na muna yung bahala dito kay Katherine ha. Ingatan mo yan at wag na wag mong paiiyakin dahil lagot ka talaga sa akin!" napasimangot naman ako sa sinabing yon sa akin ni Mama. Bakit ba lahat sila, feeling nila, ako yung mananakit kay Kitty? Hindi ba pwedeng 'it's the other way around?' "Tropang Ganda, mauuna na ako sa inyo ha." paalam pa n'ya sa iba.

"Miss Amelia, wag po muna. Ngayon pa ba kung kelan mabait ka na? Mamimiss ka po namin." ayun, nahampas na naman si Klarisse ni Mama. Kung anu-ano kasing pinagsasasabi.

"Kahit kailan ka talaga, Klarissa! Ang ibig kong sabihin, mauuna na akong matutulog." sabi pa n'ya habang hinihimas naman ni Klarisse yung braso n'ya.

"Alam ko naman po yon, alam n'yo na, masamang damo po kayo eh. Maka-Bella Flores kayo dati eh. Pero ngayon, Gloria Romero na po." naiiling na natatawa na lang si Mama dahil sa komentong yon ni Klarisse.

Grabe, s'ya lang talaga yung may kakayahan na magsabi ng ganyan sa nanay namin. Kahit kami ni Jops, di namin keri yung ganyan.

Tumingin na lang si Mama kay Kitty at hinawakan yung dalawang kamay n'ya.

"And Katherine, feel at home ha, wag kang mahihiyang sabihin dyan sa anak ko kung may kailangan ka, okay? Next time ulit ha. Naenjoy ko yung kwentuhan natin. Basta sabihan mo ako pag aalis ka na at nang mapadalhan ko yung mga parents mo bilang pasasalamat sa pag-aalaga nila sa mga anak ko at sa mga kaibigan nila nung nasa Guimaras sila." at bumeso na naman si Mama bago s'ya tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Ni hindi na nga n'ya pinagsalita pa si Kitty.

"See? Sabi ko naman sa'yo, Kitty Cat, di ka dapat kinabahan kay Miss Minchin, mabait na s'ya ngayon. Ang close n'yo nga agad. Kulang na lang subuan ka n'ya kanina. At take note, s'ya pa yung naglagay ng food sa plato mo. Hindi n'ya ginagawa kay Pipino yon. Alam n'ya kasing masama ugali non eh." ayan na naman yung pambbwisit ni Klarisse kay Charity. Mamaya n'yan, magsasagutan na naman sila.

"Nakakahiya naman sa mabait. Eh tutal, feeling mabait ka naman sa lahat, bakit di ka na lang kunin ni Lord?" sabi ko na nga ba eh. Ayan na.

"Hindi pwede. Hindi naman ako sa taas. Sa baba ako. Diba nga, ikaw pa yung sumusundo sa akin? Kasi sabi mo, wala na yung reyna n'yo don? Hintay ka lang, alipin, pasasaan ba at babalik din tayo don." sabay smirk pa nung isa kaya wala na lang nagawa si Charity. At pinatigil na rin s'ya ng kapatid ko dahil alam n'yang mamaya pa matatapos yung away nila kapag nagkataon.

"So papa'no ba yan, pwede na siguro talaga kitang tawagin na Ate, no, Ate Kitty? Kita mo naman, botong-boto din sa'yo si Mama. At lagot talaga si Charlie sa aming lahat kapag sinaktan ka n'ya." napangiti naman si Kitty sa sinabi ng kapatid ko, habang ako, eto, nakabusangot.

"Bakit ba laging ako yung sinasabi n'yong mananakit? Grabe kayo sa akin ha. Ang bait ko kaya." reklamo ko sa kanila kaya sabay-sabay nila akong tiningnan na para bang tinatanong kung gusto ko ba talagang isa-isahin nila yung mga rason kaya inirapan ko na lang sila. Grabe naman. Noon lang naman yon. At hindi ko naman sila pinapaasa. Sila lang yung kusang umaasa. Hindi ko naman sinabi na seryoso ako or something sa kanila. Landian lang talaga.

At sabi nga nila, sa dalawang taong naglalandian, ang maunang ma-fall, talo. Eh nauuna sila, ayun, eh di sila yung talo. Pero hello, hindi ko naman gagawin kay Kitty yon no. Minsan lang ulit ako maging seryoso sa isang tao, at sinisigurado ko na totoo yung nararamdaman ko para sa kanya. Walang halong pagbabalat-kayo at hindi landi lang. Hindi ko lang sigurado kung nasa 'mahal' na level na ako. Pero gusto ko s'ya. Gustung-gusto ko s'ya.

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon