Chapter 21

135 4 0
                                    

CHARLIE

"Alam mo, naalala ko kami ni Clarence non. Yung eksena namin sa simbahan, yung may eme eme daw na kapag tumunog yung kampana kapag sinabi mo dun sa taong gusto mo yung nararamdaman mo, magkakatuluyan daw kayo." kwento ni Maybelle habang kumakain kami ng lunch. Nagtanong kasi si Kitty kung papa'no nagsimula yung mga love stories ng iba sa amin. Kakatapos lang namin dun sa Garin Farm, na kahit nakakapagod, sulit na sulit naman dahil maganda talaga yung taas at isa pa, buong stay namin don na magkahawak kamay kami ni Kitty. Dun pa lang, panalo na yung araw ko. Kahit nagsimula sa pagiging cold n'ya, nakabawi naman agad nung nakapag-usap na kami.

"Yeah, I remembered that. She was still in denial that time and was ignoring me the whole time because she thought that Jordan was the right person for me. But eventually, I was able to make her realize that she's the one for me." nakangiting sabi naman ni Clarence habang nakatingin kay Maybelle. Eh di sila na yung sweet.

"Eh di ang taray ng eksena n'yo at ng love story n'yo." natatawang komento naman ni Klarisse.

At sa smirk pa lang ni Maybelle, alam ko na agad yung susunod n'yang sasabihin. Nako, kung ako sa kanya, di ko na itutuloy yon dahil baka hindi na s'ya makabalik ng buhay sa Maynila. Pero gusto ko ring marinig kung ano man yon dahil curious ako kung papa'no nga ba nagsimula sila Klarisse and Justine. Ang alam ko lang kasi, si Jordan talaga yung gusto ni Klarisse, and may something about sa gayuma pero hindi ko talaga masyadong alam dahil hindi naman s'ya kinuwento ng buo sa akin nitong best friend ko.

"Mas mataray yung sa inyo Klang. Yung nagsimula sa paghahanap natin ng gayuma para kay Jordan. May spell ka pa ngang minemorize don at may pinatak ka pang dugo at----" at ayun nga, bago matapos si Maybelle, nabusalan na s'ya ng isang malaking steak sa bibig n'ya para matahimik s'ya. So, may gayuma ngang involved.

"Ang daldal mo talagang parrot ka. And excuse me, hindi naman dahil sa gayuma na yon kaya nainlove sa akin 'tong si Justine no! Dahil yun sa—ano nga ba 'yon, Babe?" sus. Akala ko naman, alam na alam. Hihingi din pala ng tulong kay Justine.

"Nakipagbreak kasi sa akin bigla non yung ex ko," simula ni Justine.

"At hindi n'ya sinasabi na ikaw yung makapal na mukhang 'yon, Pipino." singit ni Klarisse pero tinaasan lang s'ya ng kilay ni Charity.

"Umiiyak ako non sa park, tapos may babaeng lumapit sa akin at sinabi na baka hindi talaga yun yung taong para sa akin, tapos binigyan pa n'ya ako ng cupcakes, tapos yon, dun na nagsimula yung lahat." oh. Sa ganun pala sila nagsimula. Tulad nga nung sinabi sa akin ni Klarisse non, si Justine yung unang babae na nagkaroon s'ya ng kakaibang nararamdaman. Yung daw bang parang pareho ng nararamdaman n'ya sa mga lalaking nagugustuhan n'ya noon, pero mas malakas daw yung tama. Hanggang ganun lang yung kinuwento n'ya sa akin. Mukhang ayaw n'ya rin kasing banggitin yung about sa gayuma noon dahil baka nga isipin ko na nagkatuluyan lang sila dahil sa gayuma.

Hindi ko lang alam kung bakit kinailangan pa n'ya noon ng ganon. Eh hindi naman s'ya mahirap mahalin. S'ya kasi yung taong pinapakita agad yung totoong ugali n'ya. Walang halong pagkukunwari. Yun bang, kapag nakilala mo na s'ya ng tuluyan, hindi mo mamamalayan na nahuhulog na pala yung loob mo sa kanya. Alam ko yon, ganun kasi nung nangyari sa akin noon. Pero nakaraan na 'yon. Wag na lang balikan.

"So yon, nalaman ko yung totoo, tapos, hindi ko na itinuloy yung paghihiganti ko dapat sa kanya kasi si Mama naman pala yung dahilan kung bakit ganun yung nangyari sa amin." narinig kong kwento ni Jops. Uy, mukhang halos lahat sila nakapagkwento na kay Kitty ah.

"Eh ikaw, Charlie, kumusta yung first---" napatigil sa pagtatanong si Kitty sa akin nung mapansin n'ya yung malungkot na pagngiti ko. Alam naman kasi halos nilang lahat kung ano yung nangyari don diba? Hindi naman kasi lahat, kasingswerte nila na mutual yung feelings dun sa taong gusto nila. Hindi lahat, sasagot na oo, gusto rin kita kapag sinabihan mo na gusto mo s'ya. At hindi lahat, nagiging masaya sa unang beses na pagtatapat nila sa feelings nila.

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon