Chapter 16

153 5 0
                                    

CHARLIE

"Pasensya na sa Mama and Lola ko ha. Masyado lang silang fanatic talaga ni Justine at ni Maybelle. Sasabihin ko nga sana yun sa inyo para mawarningan yung dalawa, pero sabi ni Mama wag na daw dahil baka matakot sila at hindi na sumama dito sa dinner. Eh sobrang excited pa mandin nilang dalawa. Tingnan mo nga o, hanggang ngayon, wala silang ginawa kundi magpapicture nang magpapicture dun sa mga kaibigan mong artista." napangiti naman ako habang nakatingin sa Nanay at Lola n'ya na masayang masaya habang nakikipagkulitan sa mga kasama ko. Ewan, pero cute na cute ako sa kanila, lalo na dun sa Lola n'ya na hyper na hyper. Nag-facebook live pa nga kanina. At tuwang-tuwa dahil inggit na inggit daw sa kanya yung ibang kasamahan n'ya sa Maybellenatics at magready na daw si Maybelle dahil susugod yung mga fans nila bukas at bibigyan ata s'ya ng welcome party. Kaya ayun, di tuloy yung tour namin bukas. Sa isang araw na lang daw ulit. Pero okay na rin, at least, makakapahinga kami.

"Sus, wala 'yon. Kita mo nga, aliw na aliw sila Maybelle sa kanila. At saka sobrang asikaso sila kanina sa dinner. Kulang na nga lang, subuan na sila ng Mama at Lola mo." nakangiting sabi ko naman sa kanya. "At isa pa, halos lahat ng mga paboritong pagkain nung dalawa yung nakahanda. Niresearch talaga nila yon no?"

Tumawa naman ng mahina si Kitty nung narinig yung sinabi ko.

"May magazine sila na laging binabasa. Yung about sa mga likes and dislikes ng isang artista, and yung about sa personal nilang buhay. At everytime na merong interview, or may tungkol kay Maybelle at Justine, hindi pwedeng hindi sila bibili. Hindi na rin naman namin sila sinasaway kasi yan na yung kaligayahan nila. Kaya nga nung nalaman ko na si Justine yung nagbook the last time, sinikreto ko muna kay Mama hangga't di pa kayo natutuloy dito dahil baka macancel pa, at madisappoint yung isa kung sinabi ko agad." sabi pa n'ya kaya mas lalo akong napangiti.

"Ang swerte mo sa kanila." komento ko kaya napatingin s'ya sa akin. "Swerte mo kasi malawak yung pang-unawa nila about sa same sex couples. Kasi tingnan mo, sabi ng Mama mo, pinanood pa n'ya yung kasal nila Justine and Klarisse. Kasi yung ibang fans, and magulang na rin; kapag nalaman nila na part ng LGBTQ community yung idols nila, binabash na agad nila at nawawalan na sila ng amor. Wala eh, sarado yung isip kasi nila sa ganung relasyon. Pero yung Mama at Lola mo, full support pa rin kila Justine at Maybelle kahit alam nila na part sila ng ganung community. Kita mo nga yung kay Monique diba?" tumango-tango naman si Kitty.

"Iba naman yung kay Monique. Yung Daddy n'ya, kaya galit na galit sa kanila ni Anika non, eh dahil naiinggit s'ya na hindi n'ya kayang gawin yung ginawa nung dalawa na ilaban yung relasyon na meron sila. Pero tama ka na swerte talaga ako sa parents ko and kila Lola. Kasi sinusuportahan nila kung sino man yung gusto ko. Hindi sila yung namimili para sa akin, hindi tulad ng iba. Kapag mayaman yung pamilya n'yo, kailangan anak ng kumpadre ng Papa mo yung makatuluyan mo. Yung mga ganun ba? Nung nalaman nga nila na break na kami ni Aaron at kung bakit kami nagbreak, akala ko magagalit sila, pero niyakap lang nila ako at sinuportahan." sagot naman n'ya kaya napakunot yung noo ko. Anong ibig sabihin n'ya don? Ano ng aba yung dahilan ng break-up nila ni Aaron?

"Bakit nga ba kayo nagbreak ni Aaron? Akala ko sabi mo sa akin nung last time, susubukan mong ayusin yung sa inyo dahil baka confused ka lang. I mean, about sa—uhm." papa'no ko ba sasabihin na parang hindi mayabang yung dating.

"Yung sinabi ko sa'yo noon na parang may nararamdaman ako para sa'yo?" nahihiyang tumango at ngumiti naman ako nung s'ya na yung tumapos sa sasabihin ko.

Ngumiti s'ya sa akin ng makahulugan at nagkibit balikat.

"May mga bagay mas magandang hindi na lang sabihin. Mas maganda kung mararamdaman mo na lang." okay. Parang mas na-confuse ako sa sinabi n'yang 'yon. Anong ibig sabihin non?

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon