Chapter 20

156 3 0
                                    

CHARLIE

"O, anyare, Charlie, akala ko okay na kayo ni Kitty? Eh bakit parang hindi ka yata n'ya pinapansin. Though, may special breakfast ka pa rin naman, pero iba talaga eh. Nag-good morning lang s'ya sa'yo, tapos waley na. Wala yung malagkit na tinginan, wala yung mga ngiting akala mo toothpaste commercial models, at ni hindi ka man lang tinatabihan nung isa. Kulang pa ba yung panghaharana mo? Ikaw kasi, nakinig ka pa kay Klarisse, ayan tuloy, palpak." bulong sa akin ni Jops habang nasa byahe kami papunta dun sa Garin Farm. Iloilo City tour naman daw kasi kami ngayon. Mga simbahan daw, eto ngang Garin Farm, and kung anek anek pa daw dito sa City.

"Hoy Pining Garcia, kung bubulong ka, siguraduhin mo na wala sa likod n'yo yung pinag-uusapan n'yo. Santigwahin kaya kita? Pinagsasasabi mo? Okay na yan kagabi no! May katangahan lang talaga ulit na ginawa yung Ate mo kaya ganyan si Kitty Cat ngayon. Ako pa talaga yung sisisihin mo. Yang shunga mong Ate yung dapat mong sinisisi. Aba naman, kakabati lang nila, may ginawa na naman, anong klase kaya yon. Kung ako dito kay Kitty Cat, babastedin ko agad 'to eh!" tiningnan ko naman ng masama si Klarisse. Maka-tanga naman, parang ang perfect n'ya at wala din s'yang ginawang kashungahan sa buong buhay n'ya. Isampal ko kaya sa kanya yung gayuma issue para matahimik s'ya. Sus.

"Klang, ginawa mo na. Ilang beses mo nang binasted yung Ate ko kahit hindi ikaw si Kitty." tatawa-tawang sabi ni Pining kaya ayun, nakatanggap ng batok mula kay Klarisse. Buti nga sa kanya. Dami kasing sinasabi. "Aray ko naman. Ikaw, di ka na mabiro. Lahat sineseryoso mo." reklamo pa nung isa habang hinihimas-himas yung ulo n'ya.

"Dami mo kasing sinasabi. Mas okay talaga nung hindi kita naiintindihan. Ibalik ko kaya ikaw sa ganon? Para kakailanganin ko pang tumingin sa baba para maitindihan yung sinasabi mo. Pang KDRAMA, ganern!" sabi pa ni Klarisse kaya ayun, ang sama ng tingin ni Jops sa kanya. Gago talaga 'to. Naiimagine ko tuloy na ganun nga si Jops noon.

"So, ano na nga yung ginawang katangahan ni Charlie kagabi?" tanong na lang ng kapatid ko. Tsismosa talaga kahit kelan 'to. At isa pa 'tong akala mo saksakan ng tino kung makasabing tanga ako.

"Sa kanya mo na lang itanong. Kasi, kung ako yung magkukwento, baka hindi ko mapigilan na batukan at konyatan yang Ate mo kapag naiinis ako sa kanya. At mas maganda kung sa kanya mo maririnig para ikaw na lang yung mairita at mabwisit sa kanya." sagot naman ni Klarisse kaya napakunot yung noo ko.

Grabe naman s'yang magsalita. Eh hindi ko naman gusto na hawakan ni Marco yung kamay ko non at makita ni Kitty diba? Nagpapasalamat lang naman yung tao sa pagpayag ko dun sa request n'ya. Walang malisya yon no. At saka bakit sa akin lang s'ya cold? Bakit kay Julia at Anastasia na mas grabe yung paghaharot dun sa Marco n'ya, eh hindi naman s'ya ganito. Dahil ba mas maganda ako at mas may pag-asang magkakagusto sa akin yung lover boy n'ya? Eh anong magagawa ko kung talagang maraming nahuhumaling sa ganda ko? Kasalanan ko ba 'yon?

Akala ko ba sabi n'ya, dapat magtatanong muna bago magpadala sa emosyon? Eh bakit s'ya yung ganito ngayon? Kahit nga habang nagkukwentuhan kami at nagtatawanan ni Marco, tahimik lang s'ya. Sumasagot paminsan-minsan, pero hindi tulad noon na mas marami s'yang nakukwento.

"Nandito na tayo." maikling sabi ni Kitty nang tumigil yung sasakyan kaya natigil din sa pagkuda sila Klarisse at Jops. Mabuti naman. At least, medyo matatahimik na yung buhay ko. "Pa-ready na lang yung mga shades n'yo, and yung sunblock and sunscreen n'yo, ilagay n'yo na bago tayo bumaba." sabi pa n'ya kaya agad din naman namin s'yang sinunod. Malamang, mas may alam s'ya dito diba?

Pagbaba namin, kanya-kanya na namang pictures yung iba. Eto pala yun. Lagi kong nakikita sa newsfeed ko sa facebook 'to eh.

Habang nagpapaliwanag s'ya at nagtutumumrivia na naman, nakatingin lang ako sa kanya. Tinitingnan ko kung titingin din pa s'ya sa akin, pero waley. Sa iba lang s'ya tumitingin, mukhang alam n'ya kung saan ako nakapwesto kaya hindi talaga nagagawi dito yung mga mata n'ya. Grabe namang magselos 'to. Ganun ba n'ya talaga kagusto yung Marco na yon? Mukhang di ko na yata kailangang 'ilakad' yung isang 'yon sa kanya ah.

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon