Chapter 4

818 53 12
                                    

AN: Jaran! Sabi ko naman sa inyo, mag-uupdate ako after ng laban eh. Hihi.

Para mas lalong makarelate sa story na 'to, basahin n'yo yung UMS, DFY, SIY, TOTGA, at AGOL, sa Dreame. Eto yung link n'ya:

https://dreame.page.link/LyAq9aRVxtPyhTQ38

Tapos, hanapin n'yo lang yung username ko: tintininintin888

Enjoy!

================================================================================

CHARLIE

"Oy Charliza, nasaan na yung ineeme mo na pinsan ni Clarence? Yung kinukulit mo nung engagement party nila Parrot." napatigil ako sa pagkain at napatingin kay Klarisse nang marinig ko yung tanong n'ya. Ano ba yan? Masyado ba talagang importante sa mga taong 'to yung lovelife ko? Porke ba halos lahat sila masasaya na, papakialaman nila yung sa akin? Bakit hindi na lang si Julia or Anastasia yung kulitin nila? Wala pa rin namang lovelife yung dalawang yon diba?

Hindi ko na sana sasagutin, pero pagtingin ko sa mga kasama namin, nakatingin din sila sa akin na para bang hinihintay kung ano yung isasagot ko. Nako, nasaan ba yung puting van na nangunguha ng mga tsismosa? Char! So yeah, alam ko na kailangan kong sagutin yung tanong na 'yon ng best friend ko.

Nagkibit balikat na lang muna ako bago sumagot.

"Nagpunta sa ibang bansa eh. Natakot yata masyado sa kagandahan ko. Ewan ko ba, siguro bawal talaga sa aming mga Dyosa ang magkalovelife. Baka mawala kasi yung kapangyarihan at alindog namin pag nagkataon." pa-humble na sagot ko at hindi na ako nagulat nang may maramdaman akong nilukot na tissue na tumama sa noo ko. Ano ba naman 'tong mga 'to, ayaw na lang akong hayaan sa trip ko.

"Wow Klang, mag-best friend nga kayo ni Charlie. Parehong-pareho kayong dalawa eh, feeling maganda." at dahil katabi lang naman ni Maybelle si Klarisse, hindi tissue yung tumama sa kanya. Pinitik s'ya sa nguso ng pinsan n'ya dahil sa komento n'yang yon.

"Hindi ko talaga gusto yung tabas ng bunganga mo, Parrot. Hoy Clarence, patahimikin mo yang jowa mo, o ako magpapatahimik dyan ng tuluyan!" sinamaan naman ng tingin ni Maybelle yung pinsan n'ya habang isinisiksik yung sarili n'ya kay Clarence. "Pero umalis ba talaga yung pinsan mo? Baka naman chinacharot lang tayo nitong si Charliza!" akala ko tapos na. Balik na naman pala sa akin.

"But yeah, Pam went to the states two weeks ago, I think. Ate Cassy said that she just needs to be alone for some reason. She didn't tell me the details, though." sagot naman ni Clarence at kahit hindi ako tumingin sa kapatid ko, ramdam ko na nakatingin s'ya sa akin. Alam kong magtatanong na naman 'to ng detalye.

"Bakit? Binasted nitong si Charlie?" narinig kong tanong ni Jopay.

"Ako pa mambabasted talaga? Eh kita n'yo nga kung papa'no ako tarayan nung babaeng 'yon diba? Saka sabi n'ya, straight s'ya, so wala talaga akong pag-asa. Baka naman kailangan lang talagang mag-unwind ng tao kaya umalis. Wag tayong tamang hinala." natatawang depensa ko naman.

"So back to zero ka na naman pala, Charliza. Sige, marami naman d'yan sa paligid. Lalo na ngayon at puro artista, director, at mayayamang producer yung kakasalumuha mo. Malay mo, dyan sa showbiz mo makilala yung magiging eme mo talaga." napabuga naman ako ng hangin sa sinabing 'yon ni Klarisse. Sa showbusiness talaga? Asa.

"I don't think so. No offense sa mga matatagal ng artista dito ha, pero parang wala namang totoo talaga sa showbiz. I mean, halos lahat, para sa career lang. Karamihan sa mga tao don, gumagamit lang ng ibang tao para sumikat, para mas makilala. Hindi ko naman yata pinangarap na magkajowa ng robot na susunod lang sa gusto ng ibang tao para sa kasikatan nila. Yung susunod sa gusto ng fans na akala mo naman sila yung may hawak ng buhay mo." sagot ko sa kanya na ikinatahimik ng iba. Hala, may tinamaan ba?

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon