Chapter 36

112 4 0
                                    

CHARLIE

"May problema tayo." bulong sa akin ni Kitty nung pumunta ako sa bakeshop kinabukasan. Buong gabi namin pinag-usapan yung pag-uwi nila Anika dito. Bukas, andito na sila at hindi ko pa alam kung ako na ba yung magsasabi, o hahayaan ko na lang. Pero alam ko yung magiging suma dyan, magagalit sa akin yung best friend ko. Matagal ko na kasing alam pero hindi ko man lang sinabi sa kanya.

Nung unang beses nga na dumating si Yana, paulit-ulit s'ya na kapag nakita n'ya yung magaling n'yang Tatay, hindi n'ya alam kung anong gagawin n'ya. Ni hindi ako makatingin sa kanya non dahil may alam ko. Alam ko kung nasaan yung Tatay nila at alam ko yung tungkol sa isa pa nilang kapatid.

Alam ng Diyos kung ilang beses ko sinubukang sabihin, pero tuwing gagawin ko yon, biglang maiisip ko yung pangako ko kay Anika. Jusko, ang hirap!

Pero sigurado ako na kahit magalit sa akin si Klarisse, maiintindihan n'ya din yung dahilan ko kung bakit itinago ko yon sa kanya. At isa pa, andyan naman si Justine para paliwanagan s'ya. Alam kong makikinig s'ya sa asawa n'ya.

"Nawala ka na naman. Saan na naman napunta yang isip mo? Ang sabi ko, may problema tayo." mahinang ulit ni Kitty sa sinabi n'ya habang nagpapalinga-linga. Andun kasi sa may loob may kitchen si Klarisse dahil may tinatapos s'yang i-bake at etong si Kitty muna yung pinagbantay n'ya dito. Ang galing din eh, libreng empleyado.

"Ano?"

"Umalis si Justine at next week pa yung balik. May importanteng isshoot daw sa may Siargao, so ayun, mukhang problema kapag nagkataon. Walang magpapakalma kay Klarisse." bigla ko namang ibinaba yung hawak kong cupcake na kakainin ko sana.

"Anong sabi mo?" shit! Sana mali yung pagkakarinig ko.

"Wala si Justine. Kaninang umaga, umalis. Kaming tatlo lang nila Alyana yung nasa bahay." napapikit tuloy ako. Shit talaga. Sa dinami-dami talaga ng araw, ngayon pa talaga? Ang galing namang tumay-ming ng shoot na yon. "And speaking of Yana, okay lang ba talaga na nandun din s'ya kapag sinundo na natin si Anika at dinala sa bahay nila Klarisse?" tanong pa n'ya.

Napabuga ako ng hangin dahil sa stress.

"Yeah. She deserves to know the truth din. Kapatid din naman s'ya. At least, hindi lang sila ni Klarisse yung magugulat. Pati si Anika, magugulat na may isa pa pala silang kapatid. Akala n'ya kasi yung Ate n'ya lang yung nag-iisa n'yang kapatid." tumango-tango naman si Kitty.

"Sinabi na ba nila kung saan natin sila susunduin bukas? I mean sila Anika and Monique? Sila pa lang naman yung kakausap kay Klarisse diba? Uh, si Anika lang. Hindi pa naman kasama si Tito Luis diba? O silang lahat yung susunduin natin?" tanong n'ya ulit.

Sasagot na sana ako nang biglang may nagsalita sa may likod ko.

"Sinong susunduin natin? Saka saan?" pareho kaming nanigas ni Kitty nang marinig yung boses na 'yon. At ano daw yung sabi n'ya? Natin? Sasama s'ya? Jusko.

"K-kanina ka pa dyan?" kabadong tanong ko. Narinig ba n'ya lahat? Paa'no ko ipapaliwanag sa kanya 'to? Anak ng tinapa naman o.

"Napaka-OA ng reaksyon mo, Charliza. Bakit? Ako ba pinag-uusapan n'yo? Hindi naman diba? Dahil nandito lang ako at hindi n'yo naman ako susunduin." pareho naman kaming nakahinga ng maluwag ni Kitty. Buti na lang at hindi n'ya narinig lahat.

"Alam kasi namin na may pagkatsismosa ka no!" pinilit kong maging normal yung boses ko.

"TSE! Inggitera. So, sino nga yung susunduin natin?" tanong pa n'ya ulit. Ang kulit talaga.

"Kami lang. Yung kaibigan namin. Sinabi kasi namin na-na-na nandito si Kitty kaya hindi na muna sila sa Guimaras tutuloy. Eh tumawag sa akin si Anika dahil nagpapasundo dahil gusto yatang magdinner kasama kami nitong si Kitty." pagsisinungaling ko. Hoo! Buti na lang at hindi sa akin nakatingin si Klarisse, so hindi n'ya napansin yung pag-iwas ko ng tingin sa kanya.

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon