Chapter 44

119 3 0
                                    

CHARLIE

"Aw, I missed this place. Grabe, mas masarap talaga dito kesa sa Manila na puro traffic at polusyon. Dito kasi, ang fresh fresh talaga. Kapag ako talaga, napagod na sa pagsshowbiz ko, dito kami titira ni Charity. Magbubusiness na lang siguro kami, or dito na lang magwowork. Mukhang okay din naman dito eh, tingnan mo nga sila Kitty, kuntento na sila dito." nagkatinginan naman kami ni Klarisse at parehong umiling sa sinabi ni Jops. As if naman kasi, matutuloy yung sinabi n'ya. Well, siguro after 50 years kapag mga kasingtanda na sila nila Gloria Romero at Susan Roces. Kasi sa tingin namin, hindi nila bibitawan yung kasikatan sa showbiz. Kaya nga naghiwalay si Justine at Charity non diba? Dahil masyadong importante dun sa isa yung career n'ya.

"Makamiss naman, Pining Garcia. Akala mo naman, napakatagal na nung huling beses na nandito ka! Aba naman, 3 weeks ago, andito tayo no! OA neto." ayun, binara na nga s'ya ni Klarisse.

"Eh bakit ba? Sa talaga naman na namiss ko dito eh. Excited na nga akong sumama sa tour nila Anika. Kaso sa isang araw pa pala dahil kailangan pang magpahinga ni Tita Nikka. Tapos sila Charity, sa isang araw din yung dating. So, pasyal-pasyal na lang muna ako dito." sagot naman ni Jops dito.

"Sabagay. Sige, tayo na lang muna yung magpasyal kila Anika. Kaso, mamaya na at busy pa yata silang makipagkwentuhan don kila Panget at Sofia Katrina." sabay nguso n'ya sa apat naming kasama na masayang nagkukwentuhan dun sa may kubo.

Buti pa sila, walang iniisip masyado habang nandito. Eh ako, hindi ko alam kung ano yung gagawin ko. Kung papa'no ko kakausapin si Kitty at yung buong pamilya n'ya. Kung papa'no ko mapaparamdam sa kanya na s'ya na talaga yung mahal ko.

And speaking of Kitty, diba close din sila n'yang si Sofia? Bakit wala pa s'ya? Bakit hindi n'ya sinalubong sila Monique? Hindi kaya nasabi na nung best friend n'ya na nandito ako kaya hindi na lang s'ya sumundo? Baka gusto n'ya akong iwasan dahil nga dun sa nangyari sa Manila. O baka naman pinagbawalan s'ya nila Tito Migs na makipagkita o makipag-usap sa akin. Diba sobrang protective nga nila sa kanya? Ugh! So, papa'no na 'to? Papa'no ako makakalapit sa kanya? At ang tanong, magpapakita ba s'ya sa akin habang nandito ako? Baka naman buong stay ko dito, hindi talaga s'ya lumabas dahil ayaw n'ya akong makita.

Naku naman, tama ba talaga 'tong naging desisyon ko, o masyado akong nagmadali? Hindi kaya mas maganda na binigyan ko muna s'ya ng oras para makapag-isip?

Pero kasi natakot ako. Papa'no kung sa panahong hinahayaan ko s'ya, maisip n'ya na hindi naman talaga ako yung karapat-dapat para sa kanya. Papa'no kung makatanggap na lang ako ng tawag o text message galing sa kanya na nakikipaghiwalay na talaga s'ya ng tuluyan? Na iniisip n'ya na wala akong ginawa para bumalik s'ya sa akin at hinayaan ko na lang s'ya na para bang balewala sa akin kung mawawala s'ya. Jusko, ilang beses ko kayang pinag-isipan kung ano talaga yung dapat kong gawin. Ang hirap. Mas mahirap 'to dun sa desisyon kong kalimutan noon yung nararamdaman ko kay Klarisse at magpakalayo-layo. Iba 'to. Dahil mas malakas yung tama ko kay Kitty. Hindi mo maicocompare yung nararamdaman ko ngayon sa naramdaman ko noon. Masyadong malayo.

Itong kay Kitty kasi, alam ko sa sarili ko na s'ya na yung gusto kong makasama habang buhay. Hindi tulad noon na parang infatuation or puppy love lang. Eto, true love. At hindi ko hahayaan na mawala s'ya sa akin. Hinding-hindi. Kaya kahit ano, gagawin ko para mapatunayan lang yung nararamdaman ko para sa kanya.

"Tito Migs! Buti naman po at pinuntahan n'yo kami dito. Akala ko hindi mo ako namiss eh! Pupuntahan na nga sana kita pagdating namin dito kasi nga sabi mo sa akin, kailangan nating mag-usap, kaso, inayos ko muna yung mga gamit ko." bigla akong nanigas nang marinig yung sinabing yon ni Klarisse. Seryoso? Nandito talaga sa likod ko yung tatay ni Kitty? Kaya ba s'ya pumunta eh dahil alam n'ya nandito ako?

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon