Chapter 39

113 4 0
                                    

CHARLIE

"Sure ka bang ngayon na? Ready ka na ba? Sinasabi ko sa'yo, ibang klase yang kapatid mo na yan. Kung inaakala mo na magiging kalmado s'ya, sorry, pero hindi s'ya ganon. Dapat handa kang masigawan at makarinig ng masasakit na salita. Mahirap i-explain, pero basta, mahihirapan kayong magkaintindihan non. Hindi kita tinatakot, pero totoo lang yung sinasabi ko. At saka alam mo na ba kung papa'no mo sisimulan yung pagsasabi na kapatid ka n'ya, at kasama mo ngayon si Tito Luis na gusto s'yang kausapin?" mahaba at sunud-sunod na tanong ko kay Anika.

Kasalukuyan kaming nasa byahe ngayon papunta sa bakeshop nila Klarisse. Nagpasundo silang dalawa ni Monique sa amin. Akala ko nga mamayang hapon pa, pero mukhang excited yata si Anika kaya eto, katanghaliang tapat, bumabyahe kami.

Buti na lang at sabi ni Kitty, hindi naman daw busy si Klarisse kaya pwede naming makausap. Hindi ko lang talaga maintindihan na kung bakit kapag best friend ko yung pinag-uusapan, ang dami-dami n'yang sinasabi. Hindi naman s'ya ganito noon.

At mukhang balewala lang din dun sa dalawa naming kasama yung pagkukwento n'ya tungkol kay Klarisse dahil nakikinig lang sila at nagtatanong paminsan-minsan. Hindi man lang nila naisip na hindi naman ganun ka-close yung dalawa para umasta ng ganito si Kitty.

Hindi ko rin naman magawang magtanong dahil natatakot ako sa magiging sagot n'ya. Dahil hindi talaga imposible yung iniisip ko na nagkakacrush na s'ya kay Klarisse. At hindi ko rin alam kung anong gagawin ko kapag nalaman kong totoo nga yung hinala kong yon. Jusko naman, halos kakasimula pa lang namin tapos may ganito na?

Ang dami naming pinagdaanan, pero ano bang magagawa ko kung mahuhulog s'ya sa iba? Ilalaban ko ba? O hahayaan ko na lang s'ya na tuluyang mahulog? Pero kung mangyayari yon, sana talaga hindi kay Klarisse dahil ayokong masaktan s'ya. Naranasan ko na yung sakit na hindi ka mahalin pabalik ng taong mahal mo, at ayokong maranasan n'ya yon sa best friend ko. Dahil sigurado ako na kahit sabihin n'ya sa isang yon yung nararamdaman n'ya, wala hindi mutual yung feelings. Isa lang kasi talaga yung mahal ni Klarisse at sobrang loyal s'ya don.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa naiisip kong 'yon. Paglingon ko kay Kitty, ngiting-ngiti s'ya habang nagdadrive. Malamang, dahil nabanggit na naman yung pangalan ni Klarisse. Lagi namang ganon diba? Simula kahapon, ganyan s'ya basta nababanggit yung pangalan nung isa. At yung inasta n'ya kagabi diba? Kelan pa s'ya natutong maging clingy dun sa isa? Noon, sabi n'ya, ako lang yung gusto n'yang yakapin lagi, pero ano yung ginawa n'ya kagabi? At s'ya pa yung yumakap at kumapit sa braso nung isa. Hindi naman s'ya ganon noon eh. Oo, natutuwa s'ya noon kay Klarisse, pero hanggang usap lang sila.

Ano yon, naiwan lang sila sa bahay ni Justine, nagkaganon na? Masyado naman yata s'yang marupok? Alam naman n'ya na may asawa na si Klarisse diba? So kung ako sa kanya, titigilan ko na habang maaga pa lang yung ginagawa n'ya. Dahil sa huli, hindi lang s'ya yung masasaktan, may mga ibang tao pa.

At malamang, isa na ako don. Pero papayag ba ako na mangyari yon? Hindi ba dapat gumawa ako ng paraan para hindi magkatotoo yung iniisip ko? Pwede ko naman sigurong ibalik yung pagmamahal at nararamdaman sa akin ni Kitty noon? Yung excitement sa mga mata n'ya kapag kasama n'ya ako. Kaya ko naman yon diba? At kung gusto ko talaga, gagawa ako ng paraan.

Pero sa ngayon, kailangan muna naming tapusin 'tong problema sa pamilya ng dalawang taong malapit sa puso ko, pero pangako, pagkatapos, babawi ako talaga sa kanya. Maibabalik ko yung feelings n'ya sa akin.

"Wala na naman si Charlie dito. Kung saan na naman dinala ng imahinasyon n'ya. So ano na, dyan sa pagdedaydream mo, naging kayo ba habang buhay ni Kitty o may nakatuluyan s'yang iba?" natatawang tanong sa akin ni Anika. Oh, may pinag-uusapan nga pala kami.

"Nakakunot noo n'ya diba, Baby? So malamang, hindi sila nagkatuluyan sa imagination n'ya. Baka nahulog sa iba si Sissy dahil sa pambabalewala n'ya sa nararamdaman nitong isa. O kaya, sa mga pangako n'yang madalas hindi natutupad. O baka naman dahil hanggang ngayon, nalilito pa rin s'ya sa nararamdaman n'ya." natigilan naman ako sa sinabi ni Monique. On-point kasi. Parang ganun nga yung nangyayari sa amin. Pero hindi naman ako nalilito. Alam ko naman sa sarili ko na si Kitty na talaga. Ang hindi ko lang sure, kung gusto lang ba 'to, o mahal ko na s'ya.

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon