Chapter 46

137 4 0
                                    

CHARLIE

"Mabuti, dumating ka na. Akala ko nakalimutan mong kailangan maaga ka ngayon. Pupuntahan na sana kita dun sa villa. Mukhang okay naman yung tulog mo dahil hindi ka mukhang inaantok, at yan yung kailangan ko ngayon." bigla ko namang kinontrol yung paghikab ko dahil sa sinabing yon ni Tito Migs. Jusko, bakit kasi ganito kaaga? Kung plano n'ya akong pag-igibin at at pagpalakulin ng kahoy, sana mamaya-maya na lang diba? Mas okay kung hindi kulang yung tulog ko para mas may lakas ako kung saka-sakali ngang yun yung ipapagawa nya. Luh, o baka kaya wala pang araw n'ya akong pinapunta dito eh dahil ngayon na n'ya gagawin yung plano n'ya sa akin na pag-aalay? Pero hindi, sinabi n'yang bibigyan n'ya ako ng pagkakataon kaya safe naman siguro ako ngayon. 

"Magandang umaga po, Tito Migs." nakangiting bati ko sa kanya. Kailangan eh, nagpapalakas nga diba? Saka para hindi naman sampung drum ng tubig yung ipapuno n'ya sa akin at sampung puno yung ipapalakol n'ya. Para naman mabawas-bawasan ng konti. Pa-good girl, ganern.

"Magandang umaga din. Mukhang handing-handa ka na sa ipapagawa ko sa'yo, pero kailangan din munang maturuan ka kung ano yung kailangan mong gawin. Para hindi ka na patanong-tanong pa kung ano yung mga dapat gawin." sabi pa n'ya kaya takang itinaas ko yung kamay ko. "Ano yon?" tanong pa n'ya.

"Itetrain pa po ako? Parang hindi na naman po kailangan. Marunong naman po akong magsibak ng kahoy at mag-igib. Naturuan naman po ako ng mga pinsan ko noon sa probinsya po." proud na sabi ko naman. Aba, totoo naman eh. Kayang-kaya ko yon. Hindi na nila ako kailangang turuan pa sa mga ganon. Sisiw na sisiw yon.

S'ya naman yung kumunot yung noo dahil sa sinabi ko.

"At bakit ka naman magsisibak at mag-iigib? Wala bang tubig sa Villa? O may kailangan kayong iihaw?" tanong pa n'ya habang nakatingin sa akin.

"Diba po yun po yung ipapagawa n'yo sa akin kaya po maaga pa lang pinapunta n'yo na po ako. Ganun po kasi yung alam kong ginagawa po ng mga gustong manligaw po sa probinsya. Ganito din po kasi sa probinsya ng mga pinsan ko." paliwanag ko naman sa kanya.

Sukat don at nagtatawa s'ya ng malakas. Grabe, alam mo yung medyo nakakatakot yung tawa dahil ang lalim ng boses n'ya tapos ang lakas pa? Jusko, hindi kaya pantawag n'ya yan sa mga kalahi nila? Hindi kaya mamaya, may biglang hahatak sa akin para dalhin sa pinuno ng mga aswang? O baka naman s'ya na mismo yung pinuno kaya ganyan s'yang makatawa.

"M-mali po ba yung sinabi ko kaya po kayo tumatawa?" lakas-loob na tanong ko sa kanya. Pero imbes na tumigil, mas lalo pa s'yang tumawa nung tumingin sa akin.

"Masyado namang makaluma yung naiisip mong ipapagawa ko sa'yo. Alam kong may mga ganung way ng panliligaw, pero hindi ganun yung ipapagawa ko sa'yo. Syempre, ayoko naman na mahirapan ka. Baka kapag ganun yung pinagawa ko, pagdating ng anak ko, lupaypay ka na sa pagod, o kaya nasa ospital ka na dahil sa sakit ng katawan. Yang liit at payat mong yan kasi, iniisip mo talagang kakayanin mo yon?" pagkasabi noon ay tumigil s'ya sa pagtawa at seryosong tumingin sa akin. "Pero napahanga mo ako doon. Hindi ko akalain na may alam ka pala sa panliligaw nung panahon ko. Kaya lang, sa ngayon, hindi ko kailangan ng ganyan. Malakas naman yung tubig sa gripo, at may uling naman tayo, at ga-as kung gusto nating magluto." dagdag pa n'ya.

"K-kung hindi po yon, ano po yung ipapagawa n'yo sa akin?" parang bigla akong natakot sa tanong kong yon. Papa'no kung sabihin n'ya na maghanap ako ng isang tao na iaalay sa kanila? Tatanggapin kaya nila si Klarisse? Feeling ko kasi, s'ya yung magugustuhan nila. Masyadong madaldal at tsismosa. Ganun dapat yung iniaalay sa aswang para nababawas-bawasan yung mga taong nakakakulili sa tenga.

"Nasabi ko naman sa'yo na wala si Katherine diba?" tumango naman ako at napasimangot. Nag-iisip at kasama yung pangit na Marco na yon! Ugh! Hanggang kelan ba sila don? Baka pagbalik ni Kitty, malalaman ko na binigyan n'ya na ng pagkakataon si Marco dahil inakit s'ya ng abs ng pangit na yon. Ayoko. Hindi ako makakapayag.

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon