Chapter 12

176 4 0
                                    

CHARLIE

"This is our first stop. The Smallest Plaza. This plaza once earned a title in Guinness Book of World Records as one of the smallest plaza in the world, but another country has already surpassed this record but remains to be as of today, the smallest in the Philippines. And you can take some pictures mismo dun sa may statue ni Dr. Jose Rizal." nakangiting sabi ni Kitty nang makarating kami sa unang destinasyon. In fairness, may pa-trivia-trivia pa si Ate girl.

Hindi naman nagdalawang salita yung maganda naming tour guide dahil pagkatapos n'yang sabihin 'yon, nagkanya-kanya na agad na pagkuha ng pictures yung mga bruha naming kasama. Yung iba pa nga, nag-uunahan at nagtutulakan para mauna silang makapagpicture at makapagpost sa social media. Alam nyo naman, mga sikat yung iba naming kasama eh. Nakakaloka nga, makapost sila ng ganyan agad-agad, eh papa'no kung dumugin kami ng mga fans nila dito?

"Bakit ayaw mong sumali sa kanila? Ayaw mo bang magpakuha ng pictures kasama sila?" napatingin naman ako sa nagsalita. Hala, nasa tabi ko na agad s'ya? Kanina lang katabi s'ya nila Justine para magtake ng pictures nung mga famous naming kasama ah. Hindi ko man lang napansin na nakalapit na pala s'ya.

Umiling ako bilang sagot sa tanong n'ya.

"Alam mo naman na hindi ako mahilig sa ganyan kahit noon pa." totoo naman yon. Nung lumipat kasi ako ng school, hindi ko na kinahiligan na magpapicture or magpicture kasama ng iba. Para saan pa ba kasi? Para may remembrance ka? Or memories na nasaktan ka, ganon? Kaya wag na lang diba? Though minsan, hindi na lang ako nakakatanggi kila Anika, lalo na nung graduation namin.

"So, bakit hindi mo i-try ngayon?" pangungulit pa n'ya.

"Dahil hindi ako sanay." tanggi ko pa rin.

"Pero pwede mo namang baguhin yung nakasanayan mo. Minsan, hindi naman masamang i-embrace yung pagbabago. Kaya kung ako sa'yo, susubukan kong sumali sa ginagawa nila. Go na, magpapicture ka na rin don. Remembrance din yan." natawa naman ako ng mahina sa sinabi n'ya. Hindi n'ya talaga ako titigilan no?

"Hmmm, pwede ko namang subukan. Basta sasamahan mo ako sa picture." nakangiting sabi ko sa kanya na ikinakunot ng noo n'ya. "Ibig kong sabihin, papayag akong magpapicture, kung ikaw yung kasama at hindi sila. Sawa na kasi ako sa mga yan. Sabi mo nga, try ko i-embrace yung mga bago. So, baka pwedeng nakayakap ako sa'yo sa picture." biro ko pa sa kanya kaya natatawang umiling lang s'ya.

"Hindi naman yun yung ibig sabihin ko non, sira!"

"I was just kidding. Though, gusto ko talagang magpicture kasama mo. Sa tagal din kasi natin na magkaibigan at magkaklase sa US, ni wala tayong picture na magkasama. So kung gugustuhin kong magkaroon ng remembrance dito, gusto ko, ikaw yung kasama." sabay kindat ko pa sa kanya.

"Sus, gusto mo lang palang magkaroon ng picture tayo together, ang dami mo pang sinabi. Pero sige, para lang pumayag ka na magpicture dito." mas lalo naman akong napangiti sa sinabi n'ya. YES! Akala ko hindi papayag eh.

"Ayun naman pala. Kaya naman pala ayaw sumama sa atin, eh iba yung gustong makasama sa picture. Nako, mga damoves nitong si Charlie talaga, masyadong makaluma. O s'ya sige, ako na lang yung magtetake ng picture n'yo." nakaselfie cam na kami ni Kitty nang agawan ni Klarisse yung phone ko. Tsk, atribida talaga kahit kalian. "Eto na lang camera ko yung gagamitin para isang uploadan na lang." sabi pa n'ya sabay ngiti ng nakakaloko.

Bakit parang ayokong magtiwala sa mga ngiting yan na minsan na rin akong naloko?

Pero wala na rin kaming nagawa ni Kitty nang hilahin n'ya kami papunta dun sa may statue. Hay nako, hindi man lang talaga kami hinintay pumayag eh no?

"Oy PiNya, alis na d'yan. Kanina pa kayo picture nang picture dyan, nakaisang daang kuha na yata kayo, eh eto pa lang yung napupuntahan natin. Pagbigyan muna natin 'tong PuCha. Sila naman dyan!" nagtatanong ang mga matang tumingin sa akin si Kitty kaya sinenyasan ko s'ya na mamaya ko na ipapaliwanag sa kanya kung ano yung ibig sabihin ni Klarisse don.

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon