Chapter 26

137 4 0
                                    

CHARLIE
"Ano na Charlie? Anong oras na? Bakit kanina pa dyan sa loob ng banyo? Wag mong sabihin na sumusuka ka na naman? Aba pang ilang beses na yan mula pa kaninang alas tres ah. Ala-singko na oy, gusto mo bang ma-late ka sa date n'yong dalawa ni Kitty? Nakakahiya naman dun sa tao kung paghihintayin mo s'ya diba? At isa pa, kanina pa nandito sila Sofia para ayusan ka. Baka naman kahit sa kanila, gusto mong mahiya." napamulat naman ako nang marinig ko yung boses na 'yon ng kapatid ko. Naghilamos din muna ako at toothbrush bago tuluyang lumabas. Grabe, pang ilan ko na nga ba yon ngayon hapon? Akala ko chill lang ako dun sa date? Kumusta naman na habang papalapit nang papalapit yung oras, palakas nang palakas yung kaba ko. Nakakaloka.

And to think, hindi naman 'to yung unang beses na nakipagdate ako. Pero ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Akala ko kanina excitement, lalo na nung nakapag-usap na kami ni Marco. Ibig sabihin kasi, wala na ring hadlang, pero hindi pala. Nagulat na lang ako nang bigla akong makaramdam ng pagsusuka. At alam kong ganito lang ako kapag kinakabahan.

Ano ba naman 'tong ginagawa mo sa akin, Kitty? Jusko ka talagang babae ka.

"Ayun, lumabas din. Akala namin dun ka na sa loob titira. Buti na lang--- Charlie, bakit ganyan yung itsura mo? Mukhang kang adik na naman na nakahithit ng ilang gramong shabu. Dahil na naman ba yan sa kaba mo?" mula sa pagtataray at bigla nagbago yung reaksyon n'ya. Nag-aalalang inalalayan n'ya akong umupo.

"Hindi na ako ganito kanina eh. Excited pa nga ako. Pero ewan. Hindi ko alam kung bakit ganito yung kaba ko." sagot ko sa kanya.

"Here. Take this. Eto yung pinainom sa'yo noon ni Klarisse. I hope kahit papa'no makatulong s'ya. And don't worry, may isang oras pa naman tayo para ayusan ka." nakangiting iniabot sa akin ni Justine yung gamot na iniabot din sa akin ni Klarisse nung i-mee-meet namin yung parents ni Kitty.

"Thank you." agad kong ininom yung gamot para medyo mawala yung kaba ko. Ayoko naman na habang nagdadate kami, eh wala akong ginawa kundi magsuka. Nakakahiya naman yon. Baka after non, di na magpakita sa akin si Kitty. Major turn-off.

"Bakit ba kasi ganyan ka kapag kinakabahan? Bakit kailangang magsuka ka ng bongga. At ang isa pang tanong, bakit ka kinakabahan? Aba naman Charlie, bago tayo pumunta dito sa Guimaras, nakailang lalaki at babae ka rin na nai-date. Lahat nung nirereto namin ni Mama. Bakit kung makaasta ka eh parang first time mo pa lang?" takang tanong pa ni Jops na umupo sa tabi ko.

Nagkibit balikat naman ako. Hindi ko rin kasi talaga alam kung bakit. Basta ganito kasi yung nararamdaman ko eh.

"Ako alam ko yan. Ganyan kasi ako din halos nung first date namin ni Angela. Well, minus the pagsusuka part. Hindi ko pa nga sure non kung bakit pumayag ako. Siguro dahil gusto ko na talaga s'ya nung time na yon." nakangiting kwento naman sa akin ni Alexis.

"Same here. Know what, sa pagkakatanda ko, halos ako yung nag-initiate nung date na yon. Masyado kasing torpe si Aly that time. Hindi n'ya masabi-sabi na gusto n'yang makipagdate. Tapos nung time na susunduin na n'ya ako, hindi ako halos mapakali non. Tingin ako nang tingin sa oras at sa daan kasi nga, hindi ko alam yung gagawin ko. Buti na nga, na-compose ko pa yung sarili ko nung time na 'yon. Nung bumaba na kasi s'ya ng sasakyan, I was like, OMG, nananaginip ba ako? Talaga bang magdadate kami ni Alyana? So yeah, naiintindihan ka namin dyan sa nararamdaman mo." mahabang kwento pa ni Sofia kaya ngumiti ako sa kanya. At least, hindi lang pala ako yung nakakaramdam ng ganito. Pero hindi ko pa rin alam kung bakit sobra yung kaba eh.

"Pero bakit ganito yung kaba ko? At bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?" tanong ko sa kanila.

Nagtinginan naman sila at pagkatapos ay nakakunot ang noong tumingin sa akin.

"Seryoso ka dyan sa tanong mo?" si Jops yung bumasag sa katahimikan.

"Mukha ba akong nagbibiro? Ano nga?" tanong ko ulit.

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon