Chapter 23

127 4 0
                                    

CHARLIE

"Tapos ayun nga, akala ko si Justine yung nakainom nung gayuma na ginawa ko kaya naging ganun s'ya bigla ka-sweet sa akin. At dahil in denial pa ako non, at feeling ko, si Jordan talaga yung taong para sa akin, pinilit kong inumin n'ya yung antidote. Eh yun naman pala, alam nila yung about sa plano ko at walang nakaalam sa kanila. Tapos di n'ya ako pinansin ng ilang araw. Dun ko narealize na pinipigilan ko lang pala yung sarili ko at pinapaniwala na si Jordan talaga yung gusto ko, pero ang totoo, si Justine na talaga. So ayun, naging kami after ng ilang araw na suyuan. Pero grabe, hindi ko talaga akalain na magmamahal ako ng kapwa ko babae. Mula nung bata kasi talaga ako, lalaki na yung gusto ko eh. Pero dahil sa bruhang 'to, nagbago yung lahat. At never kong pagsisisihan na sumugal ako sa kanya. Tingnan mo naman, nakajackpot talaga ako!" nakatingin lang kami kay Klarisse habang nagkukwento s'ya. Wow. So totoo nga yung about sa gayuma chenes n'ya? Akala ko hindi seryoso 'yon. At halatang lasing na s'ya dahil kinukwento na n'ya lahat sa buhay n'ya. At sigurado kong hindi n'ya maaalala 'to paggising n'ya.

"In fairness sa'yo, Panga, eh mas grabe pala yung nangyari sa lovelife mo kesa sa akin. At least ako, walang involved na supernatural whatever. Anong year 'yon? 2014? 2015? Tapos naniwala ka pa sa gayuma?" at ayan, lasing na rin si Yana. Iba din 'tong mga Lopez na 'to kapag nakakainom ng alak eh. Ano kaya kung isama ko na rin sa kanila si Anika? Tutal ganyan din s'ya. Tsk. Magkakapatid nga sila.

"Oy Panget! Eh desperado na nga ako kay Jordan non no! At saka hindi naman gumana, wag ka nga! At wag na wag mong i-cocompare yung ginawa ko sa ginawa mo sa love life mo, dahil hindi ako kasing tanga mo." naiiling na sabi pa ni Klarisse at pagkatapos ay tumingin kay Sofia. "Kapag niloko ka ulit nito, sabihan mo ako ha. Puputulin ko yang daliri n'yan!"

Natawa naman si Sofia sa sinabi ni Klarisse.

"Don't worry, mabait na s'ya ngayon, Klarisse. Hindi na s'ya yung dating Alyana." pagtatanggol pa nito kaya kilig na kilig naman na humilig sa kanya yung girlfriend n'ya.

"Good. Alam mo naman na ayokong-ayoko na naagrabyado yung mga malalapit sa buhay ko. At dahil napamahal ka na rin sa akin, kahit kapatid ko pa yang nanloko sa'yo, aba, papatayin ko yan para sa'yo!" luh. Lasing na talaga si Klarisse. Nagiging senti na eh. Sure kasi ako na kung sober s'ya, hinding-hindi n'ya sasabihin kay Sofia yon.

"Alam mo, ang swerte mo." takang tumingin naman ako sa katabi ko. Paglingon ko sa kanya, nakangiti s'ya habang nakatingin sa mga kasama  namin. "Kasi, lagi silang nandyan para sa'yo. Alam mo yung nag-aaway-away at bullyhan kayo, pero at the end of the day, kayo-kayo pa rin yung dadamay sa isa't-isa. Alam mong hinding-hindi ka mag-iisa dahil lagi silang nandyan para sa'yo. At kaunti na lang yung mga kaibigan na tulad n'yan. Kaya naman pala nung nasa States tayo, lagi mo silang—I mean, s'yang nababanggit. Iba din kasi yung pinagsamahan n'yo eh no? Ako kasi, si Monique lang talaga yung maituturing kong totoong kaibigan nung nasa States ako. Oo, maraming nakapaligid sa amin na cheerleaders din, and mga pasikat sa school, pero alam mong hindi sila totoo eh. Alam mong nandyan lang sila dahil may makukuha sila sa'yo. Dahil may mapapala sila. Tingnan mo nung nagbreak si Mike at Monique, diba nawala lahat ng mga 'kaibigan' na yon sa tabi ng best friend ko? So yon, kahit marami kang 'kaibigan', feeling mo, nag-iisa ka pa rin." dugtong pa n'ya kaya hinawakan ko yung kamay n'ya at ngumiti.

"Wag kang mag-alala, mula ngayon, hindi mo na mararansan o mararamdaman na nag-iisa ka. Andito na ako diba? At pinapangako ko sa'yo na kahit kelan, hinding-hindi kita iiwan." sabi ko pa kaya ngumiti din s'ya.

"Eh papa'no yan, ilang days na lang, babalik na kayo sa Manila diba? So ibig sabihin, iiwan mo na ako dito." witty.

"Hindi naman yon yung ibig kong sabihin. At saka pwede naman akong bumalik ng Manila, pero ilang days lang, nandito na ulit ako. Aayusin ko lang saglit yung kailangan kong ayusin sa business namin nila Mama, tapos, babalik ako." sabi ko naman sa kanya.

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon