Chapter 32

120 4 0
                                    

CHARLIE

"Ayun! After fifty million years, nakarating na din tayo sa bahay. Juskong EDSA yan, at juskong traffic yan. Kelan ba masosolusyunan yon! Aba'y taon-taon na nangangako yang mga kandidato na yan na kapag sila yung binoto natin, sosolusyunan nila yung trapiko. Tingnan mo nga kung nangyayari yon. Hindi diba? Mas lumalala pa nga. Puro sila pangako, puro naman napapako. Sa susunod talaga, ako na yung kakandidato!" ang dami talagang reklamo kahit kelan nitong si Klarisse. Eh buti nga o, hindi na kami masyadong natraffic pagkatapos naming kumain. Halos 8pm na kasi kami natapos ng dinner. Gusto pa ngang mag-extend nung iba kasi hanggang 11pm naman daw yung Sambo, pero nagreklamo na yung mga maaga pa yung call time bukas dahil kailangan pa daw nilang mag-beauty rest bago ulit sumabak sa sandamakmak na shoots and taping. May point naman kaya wala nang nagawa yung iba.

"Makareklamo eh gusto mo pa ngang magstay sa Sambo hanggang closing, Klang." dito rin kasi kila Justine bumaba muna si Maybelle. Wala daw kasing tao sa kanila ngayon dahil nasa Quezon yung buong family n'ya, so dito daw muna s'ya makikitulog. Tatlong gabi lang naman daw. At kahit hindi pumayag si Klarisse, pumayag naman si Justine kaya wala na lang nagawa yung isa.

"True ka dyan, Meng. Buti na lang talaga at may maaga tayong taping bukas kaya napapayag natin na umuwi na yang si Klang"." sang-ayon naman ni Jops kaya napa-facepalm ako. Tsk. Bakit pa s'ya nakisali? Hindi na nga napansin ni Klarisse na dito din kaming dalawa bumaba.

Gusto ko kasing maihatid din dito si Kitty bago kami umuwi ni Jops. Syempre, girlfriend eh. At hindi na sana yon mapapansin ni Klarisse kung hindi s'ya nagsalita pa at umayon kay Maybelle. Dapat kasi pinauna ko na 'tong makapili kong kapatid eh.

"Si Maybelle, alam ko kung bakit nandito. Pero kayong magkapatid, parang wala yata akong natatandaan na usapan na dito din kayo matutulog. At kung nagpaplano man kayo, hindi na pwede. Puno na lahat ng kwarto. Ni hindi nga kayo nagbayad ng renta nung nakitira kayo sa amin noon. Tsupi na, magsasara na kami!" sabi ko na nga ba eh.

Sinamaan ko tuloy yung kapatid ko na nag-ngiting aso lang sa akin. See? Alam n'ya kasing masyado s'yang naging taklesa.

"Babe, inihahatid lang ni Charlie si Kitty. Hayaan mo na. Parang hindi ka naman dumaan dyan." ngumiti pa sa akin si Justine kaya buong pasasalamat na ngumiti din ako sa kanya. Mabuti na lang talaga at mabait 'tong asawa ng bwisit kong best friend. "Pero okay lang ba kung ituturo ko muna kay Kitty yung kwarto n'ya para maibaba na rin n'ya yung gamit n'ya? Maya-maya kasi, matutulog na rin kami, and baka hindi pa kayo tapos mag-usap, so, ituro ko muna sa kanya para kahit mamaya pa kayo matapos, alam n'ya kung saan yung kwarto n'ya." sabi pa ni Justine.

Tumango naman si Kitty at sumunod kay Justine. Susunod din sana ako pero hinarangan agad ako ng magaling kong best friend. Tsk.

"At sinong may sabi sa'yo na pwede kang sumunod? Asa ka naman, Charliza. Isumbong kaya kita sa nanay mong kakambal ni Miss Minchin na nagkukulong sa kwarto kasama ng girlfriend n'ya?" at talagang ginamit pa si Mama ha.

"Wala naman akong gagawin. Tutulungan ko lang s'yang mag-ayos ng gamit at magbuhat nung bag n'ya dahil baka nabibigatan s'ya. Syempre, bilang girlfriend n'ya, obligasyon kong tulungan s'ya no! Wag ka kasing masyadong malisyosa. Wag mong igaya lahat ng tao sa'yo!" at sukat don at naramdaman kong may tumamang malambot na bagay sa mukha ko. Ang leche, binato pala ako. Ang bayolente talaga kahit kailan.

"Nako, tigilan mo ako ng arte mong ganyan, Charliza. Kilala ko yang ganyang hilatsa ng mukha. Pagbalik ni Kitty Cat, magpaalam ka agad. Hayaan mong makapahinga yung tao dahil masyado s'yang pagod sa byahe. Alam mo namang hindi sanay yon sa traffic dito. Wala naman kasing ganun sa kanila. Jusko, kapag nag-red yung stoplight, para sa kanila, traffic na yon. Kapag hindi gumalaw ng limang dalawang minuto yung sasakyan, traffic na." sabi pa n'ya kaya inirapan ko na lang s'ya.

The Next Time I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon