You found me (Intro)

79 2 1
                                    

Naranasan niyo na bang mawalan ng taong minamahal? Hindi naman sa namatay, pero nawalan ng alaala yung tipong ikaw lang ang hindi niya maalala sa dinamidami ng taong kakilala niya pero bakit ikaw pa? Nakaisip ka naba ng mga solusyon kung paano kapag nangyari ito sayo? Kakayanin mo ba? Kung hindi man tao, sabihin nating bagay lalong lalo na sa cellphone, bag, sapatos at kung ano-ano pa. Kapag nawawala ang isa sa mga gamit natin andyan na yung magpapanic tayo mapapamura kasi hindi natin matandaan kung saan na nga ba natin nailapag ito. Eh pano naman kung sakaling tao ito? Makakaya mo ba na kapag ang taong minamahal mo eh mawalan ng memorya? Yung napakaraming experiences na nagawa niyo eh nawala lang yun ng dahil sa isang pangyayari. Matatanggap mo ba ng ganun kadali yun? Mapapalitan mo ba siya kaagad dyan sa puso mo na kagaya ng mga gamit na nawala dahil nakalimutan mo kung saan mo nailapag at ang malala pa ay hindi mo matandaan kung nailapag nga ba kung saan-saan o nawala mo ito. Ang taong nagbigay sa atin ng napakaraming alaala ay isa sa mga taong hindi natin agad makakalimutan aminin niyo man sa hindi pero kahit siguro Play boy kapa eh once na nainlove ka sa taong nagbigay kahulugan sa buhay mo na dati eh wala lang. Siguro mababaliw ka din kung pano solusyunan ang problema, yung ikaw naman tutulong sakanya. Yung mga bagay na ginawa niya sayo na magaganda eh gusto mong higitan sa pangalawang pagkakataon. Mahirap man ibalik sa 'Dati' ang lahat pero kung alam mong mahal mo siya hindi ka agad susuko. Tandaan Problema lang yan pero Tao ka, humihinga ka, nakakakain ka. Pero ang problema? Once na tinalo mo yan mawawala yan ng isang iglap. Mawalan ng kahit ano man, naging malaking bahagi man sayo o hindi pero palaging may gagawin at gagawin ka pa rin para maibalik ito sa 'Dati' ang LAHAT.

You found meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon