Pagkatapos ng napakahabang tulog ko eh hindi ko namalayan na nandito na pala kami.
"Kaycee kaycee wake up" gising sakin ni mama
Dinilat ko ang mga mata ko at tumingin sa paligid. Hindi na magalaw at nakakahilo ang nararamdaman ko.
Nag unat ako. At saka tumayo sa kinauupuan ko.
"Were here" ngiti ni mama
Hayy nako ma. Ikaw lang ata ang masaya -_-
Bumaba na kami ng eroplano at nakita ko ang panibagong paligid. Nakakapanibago talaga to kesa sa katotohanan.
"Anak nagustuhan mo ba ang paligid dito?" tanong ni mama habang nasa kotse kami diko alam kung saan nanaman ang biyahe namin pagod na pagod nako kakabiyahe. Masakit na ang pwet ko kakaupo eh -_- baka naman pwedeng lakarin nalang? Iba talaga kapag mayaman eh. Nasasanay sa mga bagay na hindi naman dapat. Dapat matutuhan din nila mama at papa ang maglakad kung malapit lang naman. Exercise na din yun :3
"San tayo pupunta?" tanong ko
"Mag e-stay ka muna sa hotel. Doon ka muna pansamantala habang inaayos pa namin ang magiging bahay mo dito sa texas anak"
Tss. Ayan nanaman sila sa kakabili nila -_-
"Sino ang makakasama ko sa bahay na yun? At bakit kailangan bumili pa? Hindi naman ako magtatagal dito hindi ba?"
"Ang mga maids. Marami akong kinuhang maids para may makasama ka sa bahay na yun at lahat ng kailangan mo eh sila na ang bahala. Don't worry anak hindi ka mahihirapan dahil mga pilipino din ang mga kinuha kong maids para hindi ka mahirapang makipag communicate sakanila. Kukuha na din ako ng .."
Diko na pinatapos pa ang sasabihin ni mama. Kabisado ko na yan. Paulit-ulit lang naman eh. Bibilinan niya ko tapos papagalitan tapos magsasagutan kami tapos masasampal nanaman ako. Wala bang bago diba pwedeng tadyak naman para maiba lang -_-
"Yun na yun ma? Dadalhin niyo ako ni papa dito tapos ano? Iiwan akong mag-isa kasama nanaman ang mga maids? So what's the purpose of bringing me here ma? Kung iniwan niyo nalang ako doon sa bahay natin edi masaya pa kasi kasama ko yung mga kilala ko talagang tao? Eh dito mag panibagong adjust nanaman? Hindi niyo ba naisip ma na nahihirapan din ako? Tao din ako ma! Kagaya niyo!" sabi ko
"Hindi maganda ang buhay mo doon anak. Bat hindi mo ba maintindihan ang punto ko?"
"Pinaintindi niyo ba ma? Dinala niyo ba ko sa isang kwarto kung saan tayo lang dalawa para kausapin ako ng masinsinan? Ipinaliwanag niyo ba sakin kung bakit? Hinayaan niyo ba kong magpaalam sa mga taong naiwan ko ha ma?"
Nag-iinit na talaga ang ulo ko hindi ko na macontrol ang galit ko kaya sinasagot sagot ko na si mama. Tama naman kasi diba? Hindi niya ko pinaliwanagan hindi niya man lang ako inabisuhan. Yung gusto niya palagi ang nasusunod. Kailan niya ba ko papakinggan? Minsan gusto ko nalang na mamatay eh. Ayoko na ng ganitong buhay -_-
"Dahil nag-alala agad ako sayo anak"
"Nag-alala ha ma? Eh eto" turo ko sa puso ko
"Inalala niyo ba kung gano na kasakit?"
"Hindi ma! Dahil puro sarili niyo lang nag naiisip niyo!" pagpapatuloy ko
"Anak .. Maganda ang plano ko para sayo. Ayokong mangyari ang nangyari sainyo dati"
Ha anong dati? May hindi ba sila sinasabi sakin?
"Anong dati?"
Umubo si mama at ..
"Nandito na tayo."
Naguguluhan ako sa sinabi ni mama binigyan nanaman ba niya ko ng isa pang po-problemahin? Hindi ba talaga sila naawa sakin? Kung hindi nila ko sasakalin eh pinaglilihiman naman nila ko. Ano ba talaga ang gusto nila? T.T
BINABASA MO ANG
You found me
Teen FictionBabae na kung umasta ay lalaki? Babae na hindi marunong kung pano magsalita at kumilos na parang isang babae? Babae na hindi gusto ang kulay na Pink at naiirita sa mga taong nag e-english? Tawagin natin siya sa pangalang Kaycee. Isang sikat na Dan...