Chapter 25

4 0 0
                                    

"Nick are you sure with that?" -Aron

"Oo nga pre. Baka nabibigla ka lang" -Steven

"Pre baka mapag-uusapan pa to?" -Joshua

Ayan ayan. Puro sila comment. Mas nag-aalala pa sila kesa sakin -_-

Nageempake kasi ako ngayon ng mga gamit ko sa maleta para lumipad na papunta sa texas. Nabalitaan ko kasing doon ang punta nila kim. At baka ..

Baka ..

Baka malaman niya na ang katotohanang si kaycee na boyish at ang kaycee na minahal ko at dati niyang mahal ay iisa.

Hindi ako makakapayag na ganun ang mangyayari. Hindi ko hahayaan na malaman nila ang katotohanan na hindi ko pa naipapaliwanag sakanila at naipapaalam ang totoong nangyari. Kung bakit ko nga ba nagawa sakanila yun? Kung bakit nga ba ganito kami ngayon?

Hindi ko hahayaan nalang na malaman pa nila sa iba at matuklasan pa nila na wala ako. Na wala ako na nagpapaliwanag sakanila. Na wala ako na magpapaintindi sakanila ng lahat lahat.

Maski ako ay hindi ko sigurado kung paniniwalaan pa ba nila ako o hindi?

Hindi ko naman pwedeng sabihing mahal ko si kaycee kaya ko nagawa yun.

Hindi rin naman pwedeng sabihin nalang na pinoprotektahan kasi kita kim kaya ko nagawa yun.

Aminado naman ako na minsan ko ring nagustuhan ang pagpapanggap ko. Ang pagentra ko sa maganda buhay na meron sila.

Naalala ko pa noon. Ang pinag kasunduan namin ng mama ni kaycee.

*Flashback

"Nick. Lumapit ka rito"

Nagdadalawang isip pa ako kung lalapitan ko nga ba si tita. Mukhang may sasabihin kasi siya at alam kong hindi ko magugustuhan yun.

"Alam mo naman ang nangyari sa anak ko hindi ba?"

"Opo"

"Hindi ba't alam mo rin na ang kaibigan mo ang may pakana ng lahat ng pangyayaring ito"

"Pe-pero .."

"Ano nick? Ipagtatanggol mo rin ba ang kaibigan mo katulad ni kaycee?"

Nung mga time na yun ay hindi ko alam at hindi ko maintindihan ang sinasabi ni tita sakin. Si kaycee? Ipaglalaban si kim? Hindi ba't hindi niya nga maalala ang kaibigan ko dahil nag ka amnesia siya simula ng napakalakas ng pagkakatama niya sa harapan ng kotse na yun?

"A-ano pong ibig niyong sabihin?"

"Mananatiling sikreto ang sikreto nick. Pero dahil may plano ako. Siguro ay ito na ang tamang oras para ipagtapat sayo ang totoo."

"Totoo?"

"Yes nick."

Lumapit siya sakin at tinitigan akong mabuti sa mga mata.

"Hindi totoong nagka amnesia si kaycee nick"

Lumayo siya sakin at pumunta sa bintana. At doon sinimulan niya ang pagkwekwento.

"Eksena lang ang lahat. Palabas kung hindi mo pa rin naiintindihan. Ang pagkakaroon ng amnesia ni kaycee ay kagagawan ko mismo at ng mga doctor niya. Na simula ngayon ay papainom namin siya ng ..

Hm hindi naman ganun kataas ang epekto pero sa pamamagitan ng mga gamot na yun na inaakala niyoy pampagaling sakanya ay pampalimot na din kay kim."

Nanlumo ako sa mga narinig ko mula kay tita. Hindi ko akalaing kaya niya yung gawin sa sarili niyang anak alang alang lang na makalimutan nito si kim dahil sa hindi sinasadyang aksidente.

You found meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon