"A-a-ah!" Napahawak nalang ako sa ulo ko.
"Hangover yan princess oh eto kape inumin mo muna "
"Tss! Ayoko ng kape. May milo ba dyan sa cabinet ni Peter?"
"Wag ka ng maarte princess sige na inumin mo na to"
"Lapag mo nalang dyan"
"Lalamig yan kapag pinabayaan mo"
"Oo na oo na nick"
"Yan" sabay bigay nanaman sakin ng malapad niyang ngiti.
May something sa akin na ewan kung bakit kung ano ba to. Na we weirdohan ako sa sarili ko. Pero parang bakit ang gaan gaan. Lalong sumakit ang ulo ko ng parang malalaglag nako. At ang daming pumapasok sa utak ko mga tao malabo hindi ko makilala kung sino. Boses na kagaya kay nick. Boses ng CrewFam. Ang gulo gulo may mga umiiyak. Maingay at puro puti ang paligid.
"Princess!"
"Kayceee!"
"Hey kaycee wake up"
Mga narinig ko at minulat ko na ang mga mata ko ng makita kong nakapaligid sa harap ko ang CrewFam.
"Ano ba yun?! Ang iingay niyo lalong sumasakit ang ulo ko sainyo"
"Sorry sorry nag-alala lang kami sayo." -Peter
"Ano ba nangyari natutulog ako diba?" pa sigaw kong sagot sakanila.
"Hala hala! Wala ka nanaman maalala kaycee?!" Sigaw nilang lahat.
"Mababasag na ear drums ko sa kakasigaw niyo! Pwede ba magsikalma kayo? Para kayong mga tanga! >/<
Anong nanaman ba ang pinagsasabi ng mga ito? Nakakabwisit tanghaling tapat mainit na nga dahil sala lang kami natulog at walang aircon sa sala nila Peter.
Bumangon nako para kumuha sana ng Milo sa cabinet nila Peter ng bigla akong hatakin ni nick.
"Are you okay princess?"
"Oo okay lang ako sumakit lang yung ulo ko kanina. Naparami na rin ata ako ng ininom kagabi. Nakailang case ba tayo ng alak kagabi nick?" nakahawak ako sa ulo ko habang tinatanong ko siya.
"Hm marami ka ngang nainom kagabi princess."
"Di nyo man lang ako inawat?"
"Minsan lang mangyari satin yon princess kaya hinayaan ka na namin buti nga hindi ka nagwala eh. Haha"
Hinampas ko siya ng malakas.
"Aray aray!" reklamo niya.
"Haha masakit? Gusto mo pa? Isa pa?"
Pinaghahampas ko ulit siya nagkukulitan na kami sa kusina ng bigla nanaman umiral ang sakit ng ulo ko. Nahihilo ako umiikot ang panigin ko napahawak ako sa kanto ng table para maalalayan ang sarili ko. Baka bigla nalang ako bumagsak dito eh.
"Oh oh princess ang harot mo kasi eh."
"Pagtimpla mo nalang ako ng milo para matuwa pako sayo dali!" utos ko sakanya.
"Ah ano ka boss?!"
"Hindi ba?!" sinamaan ko ang tingin ko sakanya.
"Oo na eto na ikaw talaga!"
"Tss buhok ko!"
Ayoko sa lahat ginugulo amg buhok ko ang ganda ganda pa naman ng pagkaka blond sa buhok ko straight at kumikinang kinang sa ganda. Eto pa naman ang pang akit ko sa mga lalaki kapag pinapanood nila kong sumayaw with kindat pa para mahatay na sila. Haha.
Wala pakong nagiging boyfriend. Madalas kasi napagkakamalan akong tibo sa mga kilos ko. -_- Kadiri. Lalaki man akong kumilos pero pusong babae ito day! :) Nagmamahal ng lalakit at hindi babae :3
Nick's POV
Naalala na niya kaya? Kapag kasi sumasakit ang ulo niya eh may mga gumugulo daw sa isipan niya. Di kaya bumabalik na? O pinapaalala lang sakanya? Maalala na niya kaya kami?
Umupo ako sa isang bench sa garden pagkatapos kong timplahan ng Milo si Princess. Nagmumuni muni ako ngayon dahil sa nangyari kanina.
Masyado pang magulo sa ngayon para siguro bigyan siya ng idea para sa mga nangyari sa nakaraan baka imbes na makatulong ako eh mas lalo pang lumala ang mga kaganapan.
"Oh pre nag-iisa ka ata? Kamusta na si princess natin?" -Peter
"Ayun nasa kusina pre umiinom ng mainit na Milo niya. Wala pa rin siyang pinagbago pre yung mga dating gusto niya eh yun pa rin ngayon."
Tinapik tapik ako ni Peter sign na 'Okay lang yan'
"Hm maayos din ang lahat pre."
"Oo pre di ako susuko."
"Oy oy oy! Nagkakaiyakan naba dyan ha?" Sigaw ng crewfam sa likod
"Pakyu kayoo!" sigaw ko
Lapit naman silang lahat samin ni peter.
-
Maikli ba ang update? Mwahaha. Maganda ba panget? Advance ba? Haha. Comment kayo please follow niyo na din ako huh? Shelemet. Nakapa demanding ko lang diba XD
BINABASA MO ANG
You found me
Teen FictionBabae na kung umasta ay lalaki? Babae na hindi marunong kung pano magsalita at kumilos na parang isang babae? Babae na hindi gusto ang kulay na Pink at naiirita sa mga taong nag e-english? Tawagin natin siya sa pangalang Kaycee. Isang sikat na Dan...