"Kaycee. Ibabalik ko si tyler bilang driver mo hindi pwede ang gusto mo"
"Ma. Hindi nako bata pwede ba?!"
"Magtatalo nanaman ba tayo?"
"Eh kayo naman palagi nagsisimula ng pag-aawayan natin eh"
"Sumasagot sagot kana ngayon"
Wala ng bago. Nagtatalo nanaman kami ng mabait kong nanay -_- nakakainis lang kasi diba? Di naman ako bata para sabihin pa nila dapat kong gawin. Alam ko naman yung mga bagay bagay eh. Tsk.
"Sumunod ka nalang princess"
Isa pa tong si nick underspell ni mama -_-
"Manahimik nga kayong dalawa!"
Lumabas ako ng room ko sa hospital at minaneho ko ang kotse nila mama. Kinuha ko ng pwersahan sa driver nila mama ang susi.
Tatawagan ko sana si kim kaso wala nga pala kong number niya. -_- kung kelan kailangan ko yung lalaking yun tsaka naman hindi maasahan eh.
Pinagpatuloy ko lang ang pagmamaneho ko. At didiretso nalang ako sa bodega baka nandun si kim.
"Where's kim?" tanong ko ke patrick
"I don't know"
Lumabas na agad ako ng bodega. Gusto ko ng makakausap -_- kahit ganun yun si kim. Magaan ang loob ko sakanya kahit madalas kaming nag-aasaran dalawa.
Nagmaneho na ulit ako.
"Kim! Asan kaba?!" sabi ko habang nagmamaneho
Tumingin ako sa gilid gilid baka napadpad lang sa mga lugar na to si kim.
Pero wala. Walang nag appear na panget na mukha ni kim. -_-
"Nasan kana ba kim?" hampas ko sa manobela ko
Pupunta ako sa beach kung saan ako dinala ni kim dati. Kung saan din naganap ang first kiss ko -_-
Dumiretso ako sa nakausap ni kim dati na bartender.
"Where's kim?"
"He's there" turo niya lalaking nakatalikod na umiinom
"Hoy panget!"
Nilingon naman niya agad ako at niyakap ng napakahigpit.
"Hoy panget bitawan mo nga ko. Amoy alak ka"
"Hoy panget!"
Nakayakap pa rin siya sakin at hindi umiimik.
Inalis ko ang pagkakayap niya sakin at ayun ang loko bagsak. Iniupo ko siya ng maayos sa sofa.
"Hoy panget!" sinampal sampal ko siya
"Pangeet gumising ka nga."
"I mishu kaycee" hawak niya sa pisngi ko
"Hoy panget! Anong pinagsasabi mo? Lasing ka. Gumising ka nga!"
"Kaycee. Nasan kana ba?"
"Hoy panget. Kaharap mo kaya ako"
Sinampal naman niya ko ng mahina.
"Hoy ansakit nun ah"
"Tabi dyan! Si kaycee andun oh" turo niya
"Wala kayang tao dun. Ako kaya to. Si kaycee hello?"
"Di ikaw yun."
"Ang baho ng hininga mo. Kelan huling toothbrush mo?"
"November. Hehe"
Ibang klase epekto ng alak sakanya. -_- lasinggero pala tong isang to eh.
"Hoy iinom inom ka dimo naman kaya!" sinampal ko nga
BINABASA MO ANG
You found me
Teen FictionBabae na kung umasta ay lalaki? Babae na hindi marunong kung pano magsalita at kumilos na parang isang babae? Babae na hindi gusto ang kulay na Pink at naiirita sa mga taong nag e-english? Tawagin natin siya sa pangalang Kaycee. Isang sikat na Dan...