Dahil sa suntok na tinamo ni kim kaya hanggang ngayon ay nandito pa rin siya sa bahay. Hindi na nga ako nakapasok eh dahil ginagamot ko ang sugat niya sa labi.
"Yan ang panget mo kasi kaya ka sinuntok" sabi ko habang pinapahirang yelo yung putok niyang labi
Si nick pa ang sumuntok sa kanya eh batak pa naman ang kamay nun. Pagdating sa suntukan.
"Tsk. Wala ka talagang awa noh?"
"Oo pagdating sayo. Ang panget mo kasi"
"May puso kaba talaga?"
Ako pa talaga tinanong niya ah? Eh pano kaya niya ko nakakausap ngayon kung wala akong puso? Vuvu -_-
"Diba obvious? Nag e-exist ako kaya ibig sabihin may puso ako"
"Tsk. Pilosopo bagay sayo tumira sa perya"
"Ikaw bagay dun. Panget ka eh" diin ko sa icebag
"Aray!"
"Tsk. Dapat sayo yan"
Tumayo nako para
kumuha ng ointment at band aid.
"San ka pupunta?"
"Wala ka na dun!"
Hinawakan naman niya yung kamay ko ng mahigpit.
"Dito ka lang gamutin moko"
Napatingin lang ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Ah eh sorry." bitaw niya sa kamay ko
"Sus takot ka lang eh" sabi ko habang naglalakad papunta sa CR andun kasi ang first aid kit ko
"Asa!" rinig kong sigaw niya
"Panget mo!"
"Ikaw yun!"
"Lumayas kana kaya!" sabi ko
"Talaga!"
"Hmm. Talaga!" bulong ko sa CR
Pagkaharap ko ay nandun si kim. Nakatutok ang flash light sa mukha niya
"Ayy palaka!"
"Awooo!"
"Tignan mo walang effort yan ah. Flash light lang mukha ng multo. Hahaha!"
"Anong sabi mo?"
Palapit siya ng palapit sa mukha ko. Eto nanaman tayo eh -_-
"Dika nakakatuwa" sabi ko habang umaatras
"Ikaw din eh. Hindi nako natutuwa"
"Umalis kana dito!"
"Ayoko eh .."
"Isa .."
"Kahit ilang milyon pa ang bilangin mo hindi ako aalis dito. Gagamutin mo pa nga ako diba?" turo niya sa hawak ko band aid at ointment
"Oo na oo na. Wag kana lumapit ng lumapit"
"Okay" sabay ngiti niya ng malapad
Hinawakan niya ulit ang kamay ko papunta sa sala hanggang sa makaupo kami sa sofa
"Oh gamutin muna ko" sabi niya habang nakapikit
Ang tangos ng ilong ..
Makinis na mukha ..
Mapulang labi ..
Medyo singkit ..
Napatitig ako ng matagal sa mukhang niya yun. Parang nakita ko na ang mukhang to dati pa. Hindi ko lang maalala kung saan at kailan.
BINABASA MO ANG
You found me
Teen FictionBabae na kung umasta ay lalaki? Babae na hindi marunong kung pano magsalita at kumilos na parang isang babae? Babae na hindi gusto ang kulay na Pink at naiirita sa mga taong nag e-english? Tawagin natin siya sa pangalang Kaycee. Isang sikat na Dan...