Pagkarating ko sa bahay ni Kim eh dumiretso agad ako sa kwarto ko. Bigla akong nawalan ng gana dahil sa sinabi sakin ni Kim nung nasa kotse kami.
*Flashback
"Kim!" tawag ko sakanya
"Oh?!" sagot niya halatang iritado pa rin siya hindi ko alam kung bakit pero kanina pa siyang ganyan
"Pre ano bang problema? Kanina ka pa walang sa mood eh"
"Diba't sinabi ko na wag mokong tatawaging pre? Di naman tayo tropa ah!"
"Okay okay kim. Ano nga problema mo? Bat kanina kapa wala sa mood?"
"Tinanong mo pa? -_-"
"Dahil gusto kong malaman kaya ko tinatanong."
"Bakit kung sasabihin ko ba sayo eh aalis kana sa pamamahay ko?" titig niya sa mga mata ko
Ah so ako pala ang problema niya dito? Gusto niya nakong umalis ng bahay niya? Edi sana sinabi niya na ng maaga pa. Hindi yung ganito kung kelan na may paparating na bagyo eh. Tsaka niya ko gustong paalisin. Ano bang nagawa ko? Tss. -_-
"Ah eh sensya kana kim ah. Ganito talaga kasi ako eh. Hayaan mo pagtapos ng bagyo eh aalis nako. Tsaka cocontact-in ko na ang grupo ko para sunduin ako." nakangiti kong sagot habang sinasabi yun sakanya
Minsan lang ako masaktan, pero hindi sa ganitong bagay dahil madalas naman trashtalk-an lang kami nila Nick eh. Pero yung kay Kim siguro nga tama siya. :3
*End of flashback
Humiga ako sa kama ko iniisip ko pa rin ang mga nangyari kanina. Medyo may kirot. Hindi naman ako ganito ka sensitive dati ah? Pero dahil epekto lang to ng pagiging makapal na mukha ko. Nasanay kasi ako na ganito ang pakikitungo ko sa mga tropa ko. Ang akala ko kagaya din niya sila. Hindi pala ..
Binuksan ko na ang mga pinamili ko. Bumili din nga pala ako ng cellphone nung pagkalabas namin ng Resto kanina. Para macontact ko na ang grupo nakakahiya naman kasi kung hihiramin ko nanaman ang cellphone niya.
Rinegister ko na ang simcard ko at sinimulan ang paghahanap.
"Walang signal?! O.o"
Lumabas ako ng bahay para maghanap ng signal. Kahit saang sulok kasi ako mapunta eh, wala akong mahagilap na signal eh. -_-
"Ano bang klaseng lugar to?"
Nasa labas nako pero wala pa rin. -_-
"Gumana kana please gusto ko ng umuwi"
Pagkatapos ng pagkahaba haba ng nilakad ko at paglalakbay ko eh nagkaroon din ng signal.
Nandito ako ngayon sa playground ni Kim. Bat dito lang ang may signal? Anong meron dito na wala sa bahay niya? Ayy sabagay labas to at doon kulob.
Nagsearch nako inopen ko ang GPS ko para hanapin kung nasan ako. Hanggang ngayon kasi eh hindi ko pa rin alam kung nasaan ako -_-
*Tooot *Tooot
Waaaaah! Biglang naglowbat agad ang cellphone ko. Oo nga pala hindi ko pa to nachacharge 15% na lang pala to kanina dahil eto pa rin yung battery ng cellphone ko kanina.
"Okay kapag minamalas ka nga naman" -_________-
Naglakad na ulit ako. Babalik nako sa bahay ni Kim para magcharge at magbake ng cookis pang peace offering ko man lang sakanya masyado ko ata siyang inistress :3
*Lakad
*Lakad
*Lakad
Ang ganda talaga dito ano kayang lugar to? Bat dito napiling lugar ni Kim para tirahan?
BINABASA MO ANG
You found me
Novela JuvenilBabae na kung umasta ay lalaki? Babae na hindi marunong kung pano magsalita at kumilos na parang isang babae? Babae na hindi gusto ang kulay na Pink at naiirita sa mga taong nag e-english? Tawagin natin siya sa pangalang Kaycee. Isang sikat na Dan...