Monday na nga pala ngayon may pasok kami ng crewfam. Pagkatapos ng Sabado't Linggo na tengga kami na hindi man lang namin nagawa yung mga projects namin. Mag mimidterm na petiks pa rin ako mayayari ako kila Mama neto eh. >/<
"Okay class, hindi ako makakaattend ngayon sa time ko dahil may meeting kami ngayon sa Faculty room at kailangan na kailangan ako dun."
Si mam Reyes nga pala ang Prof namin sa Lab ang prof na laging busy dahil lagi siyang pinapatawag sa office ng dean.
"Woooooh!" naghiyawan ang lahat.
"Pero pero .. Kailangan niyong mapaghandaan ang midterm examination niyo dahil doon ako babawi sa kabila ng hindi ko pag attend sa inyo. Mag self study kayo para may maisagot kayo sa ipapatest ko sainyo. Okay class dismiss! Goodbye!"
"Goodbye and thank you mam reyes" Nakakainsulto na pagpapaalam namin sa Prof.
"Classmates! wala daw si Prof. Alsaga ngayon dahil may meeting din daw siya sa sub natin mamaya!"
Pag aanounce ng Mayor namin. Mayor kasi ang tawag kapag college na sa mga dating tinatawag na President nung Highschool.
Ang saya naman 4 hours kaming walang klase isama mo pa ang 1hour and 30 mins na break time. Lets parteeeeeeey!
"Hey kaycee come here!" sigaw ng isang babae sa harap ko. 2 years na din kaming magkaka blockmates pero hindi ko pa rin kilala ang lahat sakanila. Hindi naman kasi ako yung tipong feeling close. Ang crewfam lang talaga at ang vanitycrew lang ang mga ka close ko. Sila kasi ang lalong nagpalawak pa ng pagiging magaling na dancer ko. Lagi nila akong tinatapat sa matinding karibal ko pagdating sa Hiphop. Lalaki siya kaya medyo nahihirapan ako minsan na makipag battle sakanya. Pero simula nung sumali ako sa CrewFam at Vanitycrew eh mas lalo pang na enhance ang skills ko. Haha XD
Hindi ko na pinansin yung mga babaeng tumatawag sakin. Wala kong pake sa iisipin nila. -_-
"Hays nagugutom nako. Makapunta nga muna sa Mall maglilibot muna ko mamimili na din ng bagong sapatos may nakita kasi akong bagong labas ng Keds at Converse nung isang araw eh."
*Lakad
*Lakad
*Lakad
Pumapara ako ng jeep ng makita ko ang karibal ko si Gabriel. Ang napaka yabang, maangas, at dibale nalang yung iba. Aminado ako pogi siya at habulin ng mga chixx sa University namin. Pero isa din siya sa mga kinakatakutan dahil may Fraternity siya.
Kailangan ba talagang sumali sa mga ganon para maging maangas tss. -_-
Nakita kong papalapit siya banda sa kinalalagyan ko. Iniwas ko ang tingin ko pero ..
"Hey what are you doin here?" -Gabriel
"Sino ka?!"
"O'cmon kaycee parang hindi naman tayo magkaibigan nyan" sabay akbay sakin.
"F*ck! Wag mo kong pinaghahawakan!"
"Ooooooow!" sigaw ng mga kasama niya.
Tss isinama pa ata ang buong fraternity niya -_-
"May battle sa Mall ngayon baka gusto mong sumali?" tanong niya na may kasamang pagpapacute.
"Walang may pake!"
Paalis na ako ng bigla niya kong hatakin.
"Come with me. Maglalaban tayo!"
Dapat bakong kabahan o ano? Mall nga ba ang pupuntahan namin o kung saan saan -_- kahit na medyo may pagka lalaki ako natatakot pa rin ako dahil siya tunay na lalaki eh ako babae. May boobs flat nga lang. Payat pero may shape at sexy naman. Maganda at higit sa lahat pinapangarap din ako ng ibang lalaki pwera nalang siguro dito kay Gabriel :3 diko siya type at hindi niya ako type at ayoko sakanya.
"Pumayag bako?"
"Sa ayaw mo at sa hindi sasama ka"
"Magkano?"
"Haha 10,000"
Hindi naman ako sa mukhang pera pero may balak akong paglaanan ng mapapalunan ko kung sakali siya ang makaka laban ko dance competition mamaya. Remember? Mayaman ako at ang parents ko kung tutuusin hindi ko kailangan ng pera niya at pera ng Mall sa mapapanalunan ko may gusto lang akong paglaanan at gusto ko pinaghirapan ko.
"Ge kakasa ako!"
"Tawagan mo na ang CrewFam"
"Akala ko ba tayong dalawa?"
"Asa kapa! Dika mananalo sakin kaya tawagan mo na sila at tayo tayo ang maglalaban laban ng SkullCrew"
"Ge"
Tinawagan ko na agad lahat ng CrewFam.
"Oo sige pupunta kami princess"
"Anong oras?"
"P*ta talaga yan si Gab"
At ayun nandito na kami sa Mall kung saan kami sasayaw. Andaming dance group ang nandito maraming maglalaban laban bukod samin ng CrewFam at Skullcrew -_-
Badoy naman ng pangalan ng dance group nila eh. Kasing badoy ng mga ugali nila tss. :3
Nakita kong papalapit sa pwesto namin si Gabriel.
"Oy wag na wag mong hahawakan ang kaisaisang prinsesa ng grupo namin!" protesta ng CrewFam
"Hindi ako interesado sakanya. Ang pera ang gusto ko!"
"Pera lang? Bat hindi mo sinabi at sana pinahiram nalang kita gab" tinawanan siya ng malakas ni Nick.
Aamba na sana na suntikin si Nick nj Gab ng inawat ko sila.
Tinignan ko silang dalawa at tinitigan ko ng masama si Gab.
"Mamaya na ang laban. Makakapag hintay ka naman diba? Matalo man kayo kung pera lang ang gusto mo ibibigay ko"
"Wala akong pakielam sa pera mo kaycee!"
"At bakit ka nandito? Ginulo mo pa ang schedule ng pag bili ko ng bagong sapatos ko hayup ka"
"Watch and learn!" tumalikod na siya samin.
"Lul!" sagot naman sakanya ni Peter.
"Okay guys kailangan manalo tayo dito. Alam kong may maitim na balak yan si Gab para sa atin. Kaya dapat natin tong ipanalo." sabi ko sakanila.
Sa panahon kasi ngayon may masama akong kutob alam kong may dahilan tong si Gab kung bakit bigla nalang niya kaming inaya sa dance competition na to.
At ngayon nasa mall kami, nakalimutan kong dalhin ang cap ko. Kaya pumunta ko sa isang Shop kung saan dumog ng maraming mamahaling Cap.
"Miss eto!" abot ko sakanya nung 1500.
"Here mam"
"Thanks"
Hindi kasi ako makasayaw ng walang cap eh parang hindi kumpleto ang pagsasayaw ko kapag may isang gamit na kulang sa porma ko.
Pagbalik ko sa pwesto namin eh. Nakita ko agad ang mga kagrupo ko.
"Kaycee princess!"
"Oh?"
"Ano man ang mangyari ngayon."
Hindi na niya naituloy ang sinabi niya ng bigla kaming tawagin ng MC para makapag perform na.
Nasa unahan ako pinapaligiran ako ng 4 na lalaking miyembro ng CrewFam wala ang iba ewan ko kung nasaan sila pero bigla nalang silang nawala. Pero kahit kulang kami kaya namin dalhin ang mga sarili namin para maipanalo tong Battle na to at matahimik na ang mundo netong Gab na to.
-
Waaaaah! Battle na nila. Ano kayang mangyayari? Bakit kaya biglang nagkulang ang members ng CrewFam? San sila nagpunta? Anong nangyari nung umalis si Kaycee para bumili ng Cap na gagamitin niya para sa Contest.
Abangan sa susunod na chapter guuuuuys :)
Demanding talaga ko gusto ko makabasa ng comment at makakuha ng votes niyo para sa librong ituuu! ^^,
Tieyches~
BINABASA MO ANG
You found me
Teen FictionBabae na kung umasta ay lalaki? Babae na hindi marunong kung pano magsalita at kumilos na parang isang babae? Babae na hindi gusto ang kulay na Pink at naiirita sa mga taong nag e-english? Tawagin natin siya sa pangalang Kaycee. Isang sikat na Dan...