Chapter 8

16 1 5
                                    

Ako si kaycee na umaasang mailigtas ng crewfam sa mga bandidong lalaking dumukot sakin papunta sa bodegang ito at ikulong ako ng mahigit 8 hours na sa loob ng bodegang ito. Binigyan man ng pagkain ngunit hindi makain. -_-

Gusto ko ng makalabas sa loob nito. Bukod sa napakainit na nga eh hindi pa rin ako kumakain simula kanina. Balak ba nila kong patayin sa gutom at init dito? Pinapahirapan pako hindi na lang diretsuhin ng mga to.

Pero syempre keme lang to. XD

Hays .. 8 hours na ang nakakalipas at sa tingin ko madaling araw na ngayon pero nasa loob pa rin ko ng madilim na sulok nito. Ang crewfam kaya kamusta na? Nailigtas na kaya sila ni Nick? Hm sana maayos at buo na ang crewfam.

Biglang bumukas ang pinto ng bodega kung saan ako nakakulong ngayon. Laking gulat ko ng si Gab ang pumasok na may daladalang Baseballbat.

Anong gagawin niya dun? Papatayin niya naba ko? Sana hindi pa -_- marami pakong gusto gawin sa buhay ko. T.T

Lumapit sakin si gab at hinawakan ang baba ko.

"Alam mo napakaganda mong babae pero sayang ka napunta ka sa grupong patapon. Bat hindi ka nalang kaya lumipat sa grupo namin at bibigyan pa kita ng napaka gandang serbisyo. Diba boys?" turo niya sa mga kasama niya sa likod

"Ulol! kahit kailan hindi ko ipagpapalit ang vanity crew at crewfam sa puchu puchu niyong fraternity at skull crew niyong walang kwenta"

"Ah boss! Walang kwenta daw oh" sabi ng pangit na naka shades eh wala namang araw. -_-

"Ulitin mo ang sinabi mo!"

"Bingi kaba?!"

*Paaaaaaak

"Aaaaaah!"

Isa siyang walang galang sa babae hindi niya ba nakikita? Babae ako at kailangan nirerespeto din ako. Alam kong karibal ko siya pero dapat tumanggap siya ng pagkatalo nila.

"Bat hindi mo nalang kasi tanggapin ang katotohanan gab? Na kahit kailan ay hindi kayo mananalo samin"

"Aba sinusubukan mo talaga ko kaycee"

Aamba niyang hampasin ako ng baseballbat niyang hawak ng may biglang humawak roon at ..

"Bitawan mo yan gab!" pamilyar ang boses ngunit hindi nako napalingon pa para tignan kung sino ang tagapagligtas ko.

"Tignan mo nga naman kumpleto na ang Way5 at kasama pa ang crewfam"

"Tara sa labas!"

"At bakit? Sino ka para sundin ko?!"

"Ako lang naman ang tatapos sa buhay mo kapag hindi mo ko sinunod"

"At bakit hindi mo ko bigyan ng dahilan para matakot ako sayo ha? Nick!"

Nagulat ako sa binanggit ni Gab na pangalan kaya naman nagawa ko ng tumingala at nakita ko ang mukha nila. Ang crew fam *O*

"Princess okay ka lang ba?" tanong sakin ni Nick

Hindi nako nakapagsalita pa ng hinatak ako malayo sa Crewfam nf dalawang bandidong mukhang monster na to -_-

"Mmm mmmm" pag proprotesta ko

"Princeeeeeeees!"

*Booogsh

*Bem

*Plaaaak

Sunod sunod na rinig ko na kalabog.

Tinanggal na ang tape sa bibig ko ng dalawang lalaki na to kumuha at naglayo sakin.

You found meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon