Chapter 38

6 0 0
                                    

Inilayo ako ni Kim mula kina nick. Hindi ko akalaing magkikita kita kami sa battle grounds at hahantong sa ganitong sitwasyon. Hindi ko maintindihan si nick kung bakit ganyan siya umasta kapag nakikita o naririnig niya ang pangalan ni kim. Ayoko man sanang malayo kay nick pero ewan nagiging weird kasi siya lalo. Tulad nalang kanina. Hinila ba naman ako palabas ng grounds nung marinig niya lang na kasama ko si kim at nakwento ko lang ang ibang detalye sakanya about samin ni kim tapos ayun bigla bigla nalang akong kaladkarin bwiset na yan.

At eto pang si kim hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya kay nick kanina. Mahal dati? At mahal ngayon? Ano ba talagang meron sakanila? Naguguluhan nako. Mas lalong dumagdag ngayon, akala ko naman nung nasa bahay kami eh galit galitan lang nila yun pero ngayon parang may something. May kung anong laman sa bawat binibigkas nila sa mga bibig nila. -_-

"Teka teka nga .. Hinihingal nako"

"Dalian mo maabutan nila tayo" kanina pa kami takbo ng takbo ni kim hindi ko alam kung saan ang paroroonan naming dalawa neto.

"Anong maabutan. 30 mins na tayong tumatakbo. Hindi kaba napapagod?" sabi ko ng mahingal hingal pa

"Tss. Payatot kasi kaya ganyan, minsan nga sanayin mo mag exercise!"

"Hoy ikaw! Hindi porke kalakihan yang katawan mo eh nanglalait kana. Baka akala mo mas lalaki lalo ang mga braso mo kapag nakapang lait ka ha?"

"Edi aminado ka din na malaki nga talaga ang mga braso ko? Ikaw ah. Pinagnanasaan mo ata ako eh"

"Aba'y ang kapal din ng mukha mo noh!"

"Wag kang mag-alala ganun ka rin sakin!" iniwanan ko nga. Naglakad ako palayo sakanya pero hinahabol niya ko.

"Hoy payatot! Bat kaba hinila nun ni nick ha?"

"Hm. Ewan ko!" sa totoo lang hindi ko naman sure yung namumuong rason sa utak ko eh. Tsaka tsaka hindi yun maiitindihan ni kim kung sakali.

"Ano nga?! Bakit?"

"Tagalog naman ang pinag-uusapan natin. Ewan ko ba sayo at hindi mo maintindihan"

"Hayy nako kahit kailan ka talaga payatot"

Naglakadlakad lang kaming dalawa at walang imikan. Nakakabingi ang katahimikan -_-

"Oy bar oh. Tara payatot!" turo niya sa nakapaskil na pangalan ng bar

Welcome to the sexy chaser bar!

"Hoy. Lasinggero ka talaga noh!" sigaw ko habang siya naman papasok na sa loob ng bar. Pagkapasok ko naman ay ang ingay ingay. Maraming babae, lalaki. At mga nag-iinuman. Syempre mawawala ba ang naglalandian? -_- Landian is everywhere.

"Hoy payatot. Dalian mo!"

"Te-" naputol ang sasabihin ko at biglang may bumangga sakin.

"Fuck!" sigaw ng isang lalaki

"Sorry .."

Hinila naman ako agad ni kim papalayo sa lalaki na malaking katawan na yun. Konti nalang at malalapa na niya ko sa tingin niya palang.

"Oh juice mo!" abot sakin ni kim ng orange juice

"Hoy kim! Umalis na tayo dito!" sigaw ko dahil ang lakas ng tugtug

"Whaaaaaat?"

"Sa bi ko u ma lis na ta yo di to"

"I can't hear you!" sigaw niya pa

"Tangina you!"

"Hoy nagmumura ka nanaman ah!"

"Eh gago ka pala di mo kasi naririnig!" sigaw ko

You found meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon