Chapter 23

7 0 0
                                    

Umaga na pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong tulog. Iniisip ko pa rin si kaycee. Kung pano ko siya mahahanap. Kung saan ko ba siya hahanapin. Hindi ko na matandaan kung anong itsura niya ngayon baka may ipinagbago na sa tagal na din ng panahon na wala akong balita sakanya.

Nagpabook na ko ng ticket pero sa wednesday pa ang alis ko at ng DDC sa texas kasi ang travel namin ng grupo.

Napaisip ako ng saglit. Parang may naalala ako .. Texas?

"Texas!" hampas ko sa kama ko

Naisip kong texas ang lugar na pinuntahan ni kaycee. (boyish)

Oo tama sa texas nga yun ang sinabi sakin ng katulong nila na naiwan sa bahay nila kaycee.

"Oh ano naman ngayon Kim kung nasa texas si kaycee?"

Nagsasalita ang utak ko. -_- mukhang pinagagalitan pa ata ako. Sabagay tama naman si utak ano nga naman kung nasa texas si kaycee?

Lumabas nako ng kwarto ko para makapag almusal.

"Ya nasan sila ate?"

"Ah eh sir lumabas po kasama ang mga anak niya"

"Ah sige. May pagkain naba?"

"Opo sir"

Hinanda naman ni manang ang mesa at umupo nako para kumain.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ulit ako para ayusin ang mga gamit na dadalhin ko sa wednesday.

Punta sa cabinet kuha ng mga damit at lagay sa maleta.

*Tupi

*Lagay

*Ayos

*Boooogsh

Nagulat ako ng may bumagsak na isang box na nagmula sa cabinet ko nung kumukuha ako ng damit. Hindi ko alam kung saan galing ang box na ito. Kaya naman kinuha ko at balak buksan.

Binuksan ko ang box na nakita ko. Nagulat ako na may halong pag kalungkot ng makita ko ang pictures, couple shirts, couple bracelet, at ang couple ring namin.

Tinitigan ko lang ang picture na hawak ko. Ako at si kaycee. Yung kaycee na taong minahal ko, napasaya ako, naging buhay ko, nagpabago sakin pero ngayon bumalik na ulit ako sa dati. Dahil wala na siya at mas lalo pang naging walang kwenta ang buhay ko simula ng inilayo siya sakin.

Kinuha ko rin ang iba pang nasa loob ng kahon at tinitigang mabuti. Inaalala ang mga nakaraan. Nakaraan na mahirap ibalik sa dati. Nakaraan na malabong maibalik pa ulit sa panibagong panahon.

*Flashback

"Mahal look oh. Ang cute diba? Binili ko to kanina. Nagustuhan mo ba?"

Ang cute niyang tignan habang hawak hawak ang couple shirt na nasa harapan ko.

Ako na nga ata ang pinaka maswerteng lalaki sa mundo dahil akin siya. At akin lang siya. Bukod sa napaka bait, caring, mapagmahal, sweet, masarap magluto. Bonus na nga lang yung ganda at sexy ni kaycee eh.

"Oo naman. Ang baby ko talaga napaka magastos."

"Eh. Tampo nako ayaw ng mahal ko" nag pout siya

Alam niyo bang kahinaan ko ang pagpa-pout ni kaycee? Napaka adorable niya kasing tignan. Cute parang baby sarap kurutin sa pisngi at ikiss sa noo *O*

"Joke lang yun mahal." kurot ko sa pisngi niya

"Talaga? Gusto mo na to mahal?" nag twitwinkle ang mga mata ni kaycee

You found meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon