Chapter 13

9 1 1
                                    

Sabado ngayon at ito na ang araw ng pag-alis ko sa bahay ni Kim. Mamiss kaya ako nun? Si ate kylie oo sure yun kasi magka vibes kami non. Si kim naman? Tss wala malabo yun. Pero nagpapasalamat pa rin ako na siya ang nakakakita sakin hindi ang kung sino man na masamang nilalang nanaman -_-

"Oy kaycee! Dumalaw dalaw ka dito ah? Pagaalagain pa kita" biro ni ate kylie

"Hahaha di na nga ako babalik dahil pinag-aalalaga mo lang ako -_- Hahaha!" biro ko

"Ayy ganon? -_-"

"Syempre biro lang ate" sabay hampas ko sakanya na kala mo eh may pinang huhugutan ako

"Wow ha! Sakit eh -_-"

"Hahaha sorry na. Mamimiss mo yan sakin eh kaya binibigay ko na ngayon"

"Ikaw talagang bata ka! Yung crewfam mo ah? Baka may boylet doones eh pakilala mo akestra"

Gay langguage po ang salitang iyon. Mahilig magsalita si ate kylie ng ganon. Dahil mga kampon ng kabaklaan ang madalas na nakakasama niya.

"Hahaha! Child abuse ka ate"

"Ikaw naman dika mabiro joke lang"

"Hahahahaha!" nagtawanan kami sa labas ng bahay habang inaayos ang mga gamit ko sa kotse.

Nasan na ba si kim? Bat di manlang lumabas at mag paalam -_-

"Si kim ate?"

"Uyy hinahanap niyaaaaaa!"

"Tss magpapasalamat lang eh. Napaka mo -_-"

"Hm wag mo na asahan yun at ayun di umuwi kagabi kasama niya ang DDC kaya hindi umuwi siguro kagabi ko pa tinatawagan nakapatay lang ang cellphone"

"Ayy ganon ba ate? Sige alis nako ate ah? Kapag may problema ka o kailangan mo ng makakasama sa bar nandito lang ako"

"Loko ka talaga. Oo sige tatawagan kita pag kailangan ko ng Baby sitter." sabay tawa niya ng napakalakas.

"Eh -__________-"

"Haha sige na sumakay kana at malayo pa ang babiyahien mo"

"Manong! Ingat ka sa pagmamaneho ah? At ingatan mo tong prinsipe natin ah!"

Napakaalalahanin talaga neto ni ate Kylie the best na ate. Sana may kapatid nalang din ako eh. Pero yung mas nakakatanda sakin ayoko ng mas bata sakin. Para naalagaan ako.

"Hayy nako ate nagjoke pa. Corny naman? -_- Hahaha"

"Sige na daldal mo eh. Chuuuu!"

Sumakay nako sa kotse at pinaandar naman agad ni manong yun.

Nagwave nako ng kamay sa kanila na sign na babye. Hays mamimiss ko ang mga kulitan namin ni ate Kylie sa bahay nila. Ang pakikipag kulitan sa mga kids niya.

Eto na talaga yun kaycee. Uuwi kana makikita mo na ulit ang crewfam *O* namiss ko din sila ng sobra noh!

Nick's POV

"Mga preee! Tumawag sakin nung isang araw si kaycee nakalimutan kong sabihin agad sainyo."

"Oh anong balita pre?" -Peter

"Uuwi naba siya?"- Joshua

"Nasan daw siya?" -Steven

"Kalma mga pre! Isa-isa lang. Hm? Guess what?"

Binitin ko muna sila. Alam ko namang sobrang sabik sila makita si Princess eh.

"Anooooooooooooo?!" sigaw nila

You found meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon