Chapter 30

5 0 0
                                    

Nick's POV

Ngayon pinuntahan nanaman namin si princess sa bahay niya para mapagtripan siya. Ang cute niya kasing mainis eh. *O*

Naglaro kami ng spin the bottle at hindi naman sakanya talaga naturo ang nguso ng bote kundi sakin. Kaya naman nung biglang tumalikod ay siya naman palit ng pwesto ko sa bote turo sakanya.

"Oh ikaw naman princess truth or dare?"

"Dare nalang .."

Aba kung hindi nga naman matapang ang isang to at dare pa talaga. Sabagay hindi pa naman niya alam ang plano talaga namin.

Una palang kasi ay kumuha na kami ng matanda sa kalye nakita namin yun nila steven habang bumibili ng pagkain kanina sa labas. Eh nakaisip kami ng kalokohan para sana kay aron. Lagi kasing tahimik ang boring kapag palaging tahimik. Kailangan dapat masaya. Kaya siya ang trip sana namin ngayon eh ang kaso .. Pinagpala ata si aron at si kaycee ang nakinabang ng kamalasan ni aron.

Kinuha namin yung matandang yun para ipasok sa village kung saan nakatira si princess para naman mas makahakot ng pera. Maraming mayayaman sa village na yun eh.

Sa una ay kunyaring naglibot libot kami sa loob ng bahay ni princess pero hindi. Inayos lang namin ang lata na gagamitin niya para gayahin si aleng nasa labas at nalulunod na sa pera ng mga kotse at taong napapadaan.

"Ano na?" -kaycee

"Teka lang atat eh"

"Tagal!" -kaycee

Kaya naman nung pagbalik namin sa sala. Ay sinabi ko na rin kay kaycee ang magiging dare niya.

"Yun!" sigaw ko

Sila peter, aron, steven y kunyari namang nagulat sa pagsigaw ko samantalang si kaycee ay nagulat talaga.

"Ano na?"

Inakbayan ko muna siya at saka kinausap sa gagawin niya

"Nakikita mo yung aleng yun?"

"Oh? Anong meron sakanya?"

"Alam mo ba yung street doon?"

"Oh ano nga baket?"

Naguusok na ang ilong ni kaycee. Haha for sure galit na galit na to.

"Hindi dun ang papuntang heaven" sabi ko

Nagtawanan naman kami.

"Pakyu!" -kaycee

Hilig niya yan -_- kababaeng tao noh? Pero wala eh samin din naman niya natutunan yan. Kaya hayaan na XD

"Eto na seryoso na to" inakbayan ko naman siya

"Kung nakikita mo ang aleng yun na nasa labas na nanglilimos" turo ko sa ale na dinala namin dito sa village

"Gayahin mo yun! At ang unang lalaking magbibigay sayo ng barya ay dadalhin mo dito at paglulutuan mo ng menudo"

"Ha ano?!" -kaycee

Nakakabingi siya sumigaw.

"Ayoko!"

"Wala eh pinili mo ang dare kaya sa ayaw at sa gusto mo gagawin mo yun princess"

"Ah basta! Ayoko. Iba nalang" -kaycee

"Eh iba pala eh. Edi kiss mo pwet naming apat. Hahaha"

"Ang bababoy niyo!" -kayce

"Oh edi gawin mo na yun"

At bago ang lahat para mas maging makatotohanan ang kwento ay binigyan namin siya ng lata na ngaragngarag na. Nilaspag na ng ilang pulubi sa labas.

You found meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon